Huling pasabog sa Tag-init sa Majayjay Falls

0 Reaction(s)
Pagkatapos ng pasok, dali-daling pumunta na kami ni Vien sa LRT Buendia pa-taxi at baka nag-aantay na rin kasi sila. Ang bilis ng byahe at mga ilang minuto palang ay nasa LRT na kami. Kumain muna kami sa Jabi then wait sina Mark and Xtian na nagluluto pa ng ulam, samantalang si Royette eh sa Alabang na manggagaling at sa Sta. Cruz na kami kikitain. Nakaalis bandang 7am na at ma traffic pala sa SLEX na Los Banos na way pag ganung mga panahon. Naunahan na naman kami ni Roy sa terminal. Imbes na mag tricycle eh minabuti na naming sumakay pabalik sa Palengke kung san andun ang terminal pa Majayjay. Mga ilang minuto rin ang byahe, tapos eh sumakay ulit kami ng isa pang jeep pa Taytay naman sa Falls mismo. Nagpa register sa barangay, 30 pesos pag overnight, buti nalang at malaki ang capacity ng tent na nirentahan namin at tama lang sa aming 5 worth 350 pesos.

setup ng tent

minamalas ang kagandahan ng talon

daming mga naliligo

grabeng lamig ng tubig, totoo pala sinasabi nila

ngasab, kain at lamon pa!

Akyat Aral Back to School and Outreach Project at Sitio Latag

0 Reaction(s)
promotional poster of Akyat Aral

Prep up ng gamit Friday night for the upcoming outreach program at Occidental Mindoro. Meetup place sa LRT Buendia along Jam Terminal. Medyo pagkatanga lang at sinugod pa ang EDSA friday night kung saan notorious ang traffic at sobrang usad pagong. Tigas ng ulo kasi at imbes na nag MRT nalang. Nakarating rin sa meeting place along 7-11 mga 15 minutes. Approach ko agad si Sir Albert A. then said na si Rex eh sa Batangas Pier na raw pupunta. Then met other volunteers and staff of Akyat Aral including Tatay Albert and Vangie kung saan na meet namin during the pre-climb meeting.

Almost midnight nang marating ang Batangas Pier, at si Rex wala pa rin, 2pm ang alis ng M/V Reina Banderada of Montenegro Shipping Line and 1pm boarding time. Nakarating rin si Rex bandang 1.50am na pawisan at pagod na pagod. Pahinga sa boat at pahangin kaunting chit-chat waiting for the boat to arrive at Abra de Ilog port.

Good Morning Occidental Mindoro!

the Port

pahinga-pahinga muna pag may time

ligo ligo time!

painting of classrooms

fitting of school uniforms

yay, me bagong tsinelas!

games for the kids and elders too!

feeding program

ready na kami sa pasukan!

Congrats guys sa matagumpay na pagdaraos ng back to school at outreach project

kakalungkot man umalis, masaya parin at nag-iwan kami ng ngiti at pasasalamat na dala mula sa Iraya-Mangyan tribe

Salamat po sa pagimbita sa amin ni Rex at hopefully mahabang panahon pa ang ating pagsasamahan Team Akyat Aral

Mt. Kalisungan dayhike

0 Reaction(s)
Sunday morning, prep up na for the Kalisungan hike, as usual ako na naman ang late sa group at dumaan pa kasi ako sa Mercury para sa rations and tagal ng byahe at nagpupuno pa ng pasahero sa lugar namin. Samahan pa ng traffic sa Cubao na hitik ang dami ng tao sa Raymond bus na hindi ko alam bakit dagsa ang pupunta sa Bikol, nakarating bandang 5.30am sa HM Bus terminal at inaantay na ako nila Mark and Jane, si Roy hahabol nalang at kikitain kami sa Duck junction.

pahamak na bibe na yan, ang dami palang junction sa lugar na ito at binaba pa kami ng bus sa ibang junction, dapat pala ang sasabihin mo eh Masapang junction at hindi sila familiar sa duck junction kainis, sumakay pa kami ng jeep ulit imbes na isang sakayan na lang.. (credits: Empi)

went to Barangay Hall at Lamot 2, me kaunting isyu at taasan ng boses between kay Kapitan at si Ate Mercy na siyang guide namin regarding sa guide fee, inantay munang humupa ang tensyon at nag-ayos ng mga gamit bago tuluyang umalis, si Ate Mercy, nagsimula nang mag kwento ng iba't ibang bagay mula sa isyu nya sa Kapitan hanggang sa iba pang mga pwdeng pagusapan namin kaya naman hindi ko alintana ang oras at pahinga nalang kami sa mga landmarks sa area ng Kalisungan gaya ng bakantang bahay pahingahan at sa punong mangga

after almost 2 hours of trek, pahinga at ilang dulas moments, the Elite team finally conquered Mt. Kalisungan, as usual gaya ng mga nearby mountain sa area, grassy ang summit kaya mainit at walang shade kaya sandali lang kami, wala ring clearing sa ibang peaks pero ok lang, ang importante, we prove once again na kaya namin at napagwagian ang isa na naman challenge na akyatin ang bundok at being one with Nature

view of the Seven Lakes of San Pablo, maganda siguro view dito pag early morning pa

ascend/descend (credits: Endomondo)

Salamat ulit Mark, Roy and Jane aka Elite Team for another bonding time outdoors, akyat akyat ulit pag may time!

Akyat Aral - Back to School Project

0 Reaction(s)
Pre-climb meeting at Madison Square, kasama si Rex na officemate. Orientation and other important info.
Met new friends and possible hiking buddies. Excited at ilang araw nalang. 

Kaypian-Bakas riverventure

0 Reaction(s)
Saturday afternoon, nagdadalawang isip pa kung aalis ba dahil sa mga paguulan na nangyari. Umalis bandang 3pm ng hapon matapos tumigil ang pagulan. Magkikita kami ng friend ko na nakasama ko rin a week ago sa Ipo-Pinagrealan area for an overnight camp. 3rd time kong gagamitin ulit ang tent kaya as usual nde parin kabisado, nilakad ang kasukalan ng Bulacan patungo sa tagong creek hanggang sa makarating sa Kaypian river kung saan pinanood ang mga bituin sa gabi at mga fireflies na tanda ng kalinisan ng lugar.

ang malinis na Ilog Kaypian

eco flora around the camp site

the mighty transmission line near the camp

after pack up ng tent, naglakad palabas ulit ng kasukalan, tumawid ng bakod at sinugod na naman ang gubat

narating rin ang Bakas river after a jeep and tricycle and ilang kilometro na paglalakad, sinasabing andito rin ang "bakas" o footprint ni Bernardo Carpio na kung san eh meron din sa lugar namin sa Montalban, malawak ang river system na ito at malamig ang tubig, no wonder maraming nagpupunta dito

rock baby rock!

bukod sa buwis buhay na pagtawid sa ilog, nag enjoy sa paliligo at kuha ng pics sa Bakas river, salamat ulit Japoy sa pagsama sa akin at pag assist na rin sa lahat