Perwisyo ni Milenyo

4 Reaction(s)
hindi ko na kelangan i-kwento pa sa inyo dahil malamang eh naranasan nyo rin ang bagsik ng bagyong Milenyo na nagdulot ng delubyo sa kalakhang Maynila. kahit wala kami sa Metro Manila eh ramdam naman ang kanyang bagsik. nagbagsakan mga puno at poste sa lugar namin na nagdulot ng perwisyong brownout na tumagal ng 2 araw sa aming lugar (sabado ng umaga na nakabalik ang kuryente sa aming lugar, buti na lang at nasa central/east area kami at hindi south na last priority ng Meralco). sayang din ang 1 araw na hindi ko ipinasok, pero pasalamat ako hindi ako isa sa mga na stranded sa work (huwebes ng umaga na kasi ako nakauwi at bandang tanghali dumaan ang bagyo..)

pero may mabuti daw naidulot ang bagyong Milenyo..
1) kahit papano eh napuksa at naanod ang mga larva ng lamok na nagdadala ng dengue o malaria.
2) bumaba daw ang crime rate kasi walang gustong magnakaw at manghold-up dahil baka tangayin sila ng hangin at hampasin ng mga lumilipad na billboard at mga yero
3) ang mga basura sa mga estero naitaboy kaya naman eh malayang nakakadaloy na ngayon ang tubig sa mga lugar na ito.



tag: , ,

FHM October Issue Cover Girl

15 Reaction(s)

Office.. Alone

7 Reaction(s)
waa.. mag-isa lang ako ngayon sa office! wala akong kasama dito. punta naman kayo. joke! kanina inaantay ko pa si chun-yang na pumasok, 10pm na bakit wala pa siya. Pagkatingin ko sa cell ko, may nag text galing sa kanya, hindi daw sya makakapasok. amp. naman. nakakainis. ganito pala pakiramdam ng nag-iisa. huhu. pero honestly nakakalungkot pala ang mag-isa. lagi akong nagtatapang-tapangan na "kaya ko naman mabuhay nang mag-isa" i mean not the thing na bubukod na ako sa amin. emotionally speaking, mahirap pala. nung elementary hanggang college nasanay ako na andyan lagi ang mga ka-berks ko, sa kulitan, sa saya, sa lungkot, sa pagiging pasaway, sa mga lakad. Ngayon mag-isa na lang ako naglalakad. Nami-miss ko na talaga ang mga panahon na iyon. Oo nga may mga ka office mate ka, pero iba naman talaga ang mga kabarkada kesa dito, hindi ganun kalalim ang ugnayan ng magkaka-office mate.

ayoko na rin minsan magtrabaho, mahirap kasi na hindi ka naman masaya sa work mo at hindi mo binibigay ang lahat. wala ang passion ko sa work ko ngayon. hindi ako nag-eenjoy. trabaho lang para kumita ng pera. iniisip ko na nga na mag business na lang. syempre ang patok ngayon "internet cafe.." baka mamaya makita nyo na lang ako sa TV. kasama si Bam Aquino sa PLDT TV ads. haha. pero sa totoo lang.. since mahilig talaga ako sa mga online games at nawawala ang stress ko at andito ang passion ko.. eh eto talaga ang plano ko.. makapag ipon (sana!) o kaya maka-utang na lang ng capital para sa business para makapagsimula na. kaso andaming kelangang isipin. kagaya ng pag renta sa pwesto, buwanang gastos sa tubig, kuryente at internet. hay buhay. hahanap muna ako ng business partner para dito at mag research pa ako sa business.



tag: , , , ,

Anung bago?

9 Reaction(s)
kumusta!? wala naman bago ngayong araw na ito. parang karaniwang panahon lang. ilang araw na lang pasko na. at malamig na talaga ang panahon. kanina sa dyip ginaw na ginaw talaga ako lalo na't mahangin at mabilis pa magpatakbo si manong. next week dayshift na ang kasama ko rito (si Chun-Yang..) lilipat na sya ng division. sa Biyernes eh baka mag-aaply ako sa isang BPO company rin. kakabukas lang nya mga 4 months palang daw. nakakainis lang formal attire eh BPO lang naman. ewan ko nga ba. taob pa ang call center. eh ayoko pa naman magsusu-suot ng mga ganun. sana nga matuloy ito kasi pag naunahan na naman ako ng katamaran eh hindi ko na naman puntahan. kanina 2 hours lang ang tulog ko. nagbantay kasi ako ng tindahan. may sakit si mama kaya nakahiga lang dun. buti dumating na yung mga kapatid ko at nakaidlip muna ako ng sandali. kanina sumakay ako ng MRT papuntang Ortigas. aba asenso. may "sounds" na siya na parang patok na jeep. kaya lang nakaka-umay ang mga kanta mga jukebox. *yawn*.


Jin (1 yr. old - 1983) oo na cute na ang mga tupa sa likod! hindi ko pa rin alam bakit ba nila nilalagay sa TV ang mga bata nung panahon nila.

Umaga ulit?

5 Reaction(s)
kumusta! ako inaantay ko lang mag alas-5 ng umaga. grabe na ito. 24 hours na akong gising. wala naman kasing gagawin sa bahay. kaya naisip ko na mag OT na lang. sayang din iyon! whole Sunday (samantalang ang iba eh.. gumigimik or nagpapahinga sa bahay) then at night (regular work naman). iba talaga epekto pag pang-gabi manghihina ang katawan mo. siguro wala lang akong exercise kaya ganun. kung hindi pa ako umiinom ng vitamins, anu na kaya ang mangyayari sa akin. ayoko pa mag pang umaga. kahit pa sabihing walang social life pag pang-gabi. tahimik naman. medyo inaantok na ako ngayon. baka makatulog ako sa bus mamaya. wag naman sana. magandang umaga ulit sa lahat.



tag: , , ,

Isang Magandang Umaga

12 Reaction(s)
habang dinudungaw ko sa sinasakyan kong dyip ang kapaligiran; mabuti at maganda ang panahon ngayon, kagabi kasi eh medyo maulan. ngayon lang nga ako umalis sa amin ng umaga. usually gabi ang alis ko at umaga ang uwi. wala na talaga akong social life pag gabi. puro multo at mga butiki na lang makakausap ko sa office. hehe. wala lang. sa ngayon 24 hours ako ngayon sa office. kawawa naman ako. OT sa umaga at regular work naman sa gabi. kakayanin ko na lang at iidlip ng sandali.

last 2 days eh. nakapaglaro rin ako ng Pirate King Online, parang One Piece sya kasi pwede ka maging member ng Navy or pirata mismo. wala lang. i guess i should give it a try. matagal tagal na rin akong hindi nakakapaglaro ng real-time MMORPG (real time in the sense na nakikita kong gumagalaw ang character ko.. kase puro browser based MMORPG nilalaro ko. puro text at devoid sa graphics! old skool.. haha!) sana nga tuloy-tuloy na ito at hindi ko titigilan, unlike sa Trickster medyo napapangitan ako. kasi pareho lang ng class unlike dito.. may new class explorer, voyager, seal master.. mga ganun at may naval battle pa.



tag: , , ,

Halo-halong Tots

7 Reaction(s)
it's friday again, finally makakapag pahinga na ako. kaunting tulog lang then me pupuntahan naman. raraket na naman ako ng ibang business para kumita. kahapon muntik na akong lagnatin dahil nagpaulan ako. buti na lang naagapan ng gamot. inaantay ko ngayon ang open beta launch ng piratekingonline.com - bagong mmorpg na naman na parang trickster. wala lang. since im a one piece fan. i would like to give it a try.

OT na naman ako whole sunday. oh may gad. suicide na ata itong gagawin ko. then sunday night regular work. 24 hours. kakayanin ko kaya? kelangang bumawi sa sabado. matulog nang buong araw. pero imposible manonood pa ako ng inu-yasha. then hindi na naman ako makakatulog kasi maingay at mainit sa amin. yung perang pang allowance ko pinahiram ko pa kay mama. hay naku. wala na talagang nangyayari sa buhay ko. hindi na ako nakaipon ng pera. may gusto kang bilin hindi mo magawa. ewan ko. si ryan (ex-officemate) me work na pala at niyaya nya si chun-yang (kasama ko sa night shift.. iyon lang tawag namin sa kanya, pero hindi naman nya kamukha), may exam sya ngayon; paguwi nito sa kanila tiyak bagsak agad sa sofa. susubukan ko na ring mag apply doon.

hindi na kasi ako nag-eenjoy dito sa ginagawa ko, monotonous.. nakakasawa na ang work dito; siguro hindi ito ang trabaho na nababagay sa akin. gusto ko kasi yung nag eenjoy ako sa work para ibigay ko ang 120% ng aking lakas at dedikasyon. sa ngayon hindi ko pa sya nakikita. ewan ko. kung mag aabroad ba ako. si ate lea (ex-officemate sa unang job ko) inaantay ko para may kasabay naman ako kahit papano. baka kasi mawala ako.. hehe. pasensya na kung halo halo ang blog entry ko. sinusulat ko lang kasi kung anu ang pumasok sa isipan ko ngayon.. napakatahimik dito sa office. parang sementeryo na nga eh. mistulang mga patay mga buhay dito. isa na ako roon. wala kasing music. hehe. amf. kasi naka Linux kami at naka disable ang media. ayoko naman gumamit ng mp3 player or cd-man, gusto ko kasi streaming music from the net.

hay buhay. ganyan talaga. pag ganitong marami akong iniisip na probelma. naaalala ko lang mga ka-barkada ko nung kolehiyo. wala lang. masaya sila kasama. nakakalimutan mo ang pagod at problema. puro tawanan at biruan. na mi-miss ko tuloy sila. almost a year na rin na hindi ko nakikita ang iba sa amin. yung isa nasa US daw. iyon naman 4 years ko nang nde nakikita. ano na kata itsura nya. mataba na siguro. panay kain daw. iyon ang balita. gagawa ka ng reunion wala namang pupunta. puro "drawing" lang ang nangyayari. sa susunod na lang ulit..



tag: , ,

Coup d'etat

4 Reaction(s)
The army commander Gen Sonthi Boonyarataglin staged a coup d'etat Tuesday evening (Thailand time) and ousted the government of Prime Minister Thaksin Shinawatra. The coup, which is Thailand's first in fifteen years, followed a lengthy political crisis involving Thaksin and political opponents, occurring less than a month before elections were scheduled to be held, on October 15. The military junta cancelled the upcoming elections, abrogated the Constitution, dissolved Parliament, banned political protests, declared martial law, arrested Cabinet members, and blacked out all local and international news broadcasts in Thailand. No casualties have been reported.
-Bangkok Post, 19-20 September, 2006


hay buhay.. malamang kahit wala tayo sa Thailand eto pa rin ang laman ng mga balita. isa na namang coup d'etat ang nangyari, may news blackout sa mga foreign news network like BBC at CNN. nakita nyo na. kahit parliamentary pa ang gobyerno natin, hindi maiiwasan ang corruption kagaya ng sinasabi ng Sigaw ng Bayan. kasi as long as the ministers are "happy" eh confident ka sa position mo as prime minister. sige tuloy pa ang kurakot. sinasabi ko lang na "WALANG PROBLEMA ANG CURRENT SYSTEM OF GOVERNMENT NATIN, NASA NAGPAPATAKBO LANG.." kung may transparency, political will at walang corruption lang.. hindi maghihirap ang Pilipinas ng ganito, malamang nga eh baka mapabilang na tayo sa First World countries. ewan ko kelan mawawala ang "sakit" ng Pilipinas na yan. kelangan siguro "bloody revolution" para ma-cleanse ang government natin, alisin mga trapo at mga kamag-anak nila, palitan ng mga bago, yung iniisip muna ang Bayan bago ang sariling kapakanan, yung handang ipagtanggol ang mga tao at inaalala ang kanyang kapakanan. pag natuloy pa itong parliamentary na ito at sila pa rin ang nasa pwesto, HINDI MALAYO MANGYARI NA GANITO RIN ANG SASAPITIN ng mga uupo sa parliament, kung walang nakitang pagbabago ang taong-bayan.



tag: , , , ,

Buhay Border

9 Reaction(s)
tuwing darating na lang ang araw ng sweldo, iba't ibang emosyon nararanas ko. masaya dahil syempre pera yan eh, anu pa ba ang nagmo-motivate sa isang tao para mag trabaho kundi para kumita. then at the same time, buntong hininga naman kasi dadaan lang sa kamay mo ang pinaghirapan mo. daming gastos sa bahay. sa ngayon kasi ako lang nag may trabaho sa amin. si papa nag resign sa trabaho kasi maliit lang ang sweldo, balak nga nya mag abroad ulit; yung isa ko namang kapatid eh kakapasok lang din sa trabaho nya (contractual..), kaya ayun.. pasan ko ang daigdig.. sa totoo lang parang na ngang "border" ang tingin ko sa sarili ko sa amin. paano kasi pati yung mga pagkain sa tindahan kahit sa amin.. aba kelangan bilin ko pa. lupit talaga.. hehe! kakain, papasok, uuwi, matutulog at papasok ulit. typical routine ng isang border. nde na nga ako nakakaipon ng pera. me gusto akong bilin nde ko mabili. naasar talaga ako. pero anu magagawa ko. mas importante ang pamilya kesa sa ibang bagay.



tag: , , ,

Sign of the Times

10 Reaction(s)
just want to share yung forwarded message na ito, alam ko iba sa atin or tayo mismo makaka-relate dito.. sobrang bilis ng panahon, sobrang busy rin natin. hindi na natin namamalayan may mga nalagpasan na pala tayo or nakalimutan..





Gising, frend.

Tumatanda ka na, frend.

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay
hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?

Friend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.



tag: , , ,

Random Thoughts

11 Reaction(s)

"Love isn't how much you can get, but how much you can give; it's not giving up, but holding on. Not how you say "I Love You" but how you show that it's true.."






tag: , ,

Ganito kami noon..

5 Reaction(s)
hindi mahilig magkwento sina mama at papa kung ano ang buhay nila dati (mga 60-70's), nabubuksan lang ito kung pinapagalitan nya kami, hehe! pasaway kasi kaming magkakapatid lalo na ang 2 bata. syempre iba ang buhay dati kaysa ngayon. hindi naman mayaman ang angkan nilang dalawa. alam nyo naman ang buhay sa probinsya.. may lupa ka nga kapos naman sa pera! kaya ang iba eh napipilitan nga na pumunta sa Maynila.. na ang akala nila eh instant yaman agad pagdating mo.

pag may pinapabuhat si papa na mga timba sa amin at kami nagrereklamo, madalas nyang sabihin, "wala pa nga yan, kesa dati, kami nag iigip ng naka-paa lang - 5 kilometro mula sa amin.. kayo ilang lakad lang nagrereklamo na.." ibibida pa nya ang pag-aaral nila.. "wala nga kaming agahan pag papasok, namimitas na lang kami ng bayabas at sa kabilang baryo pa kami pumapasok.." kung sa pagkain naman, minsan ayaw kumain - pihikan.. "kami nga noon, bagoong lang kinakain naman at 2 lang kami kumakain sa isang araw.. namimili pa kayo ng pagkain.." si mama naman hindi naman ang kwe-kwento yan. buhay senyorita yan sa kanila, nung hindi pa sila nagpapakasal at may pagka rebelde daw. minsan maglalayas at pupunta sa maisan ng tiyahin nya, at isang buwan bago umuwi. iilan lang yan sa mga buhay buhay ng magulang namin noong unang panahon.. mahirap pero masaya, hindi naman sila nagsisisi ata sa mga ginawa nila noong kapanahunan nila..


tag: , , ,

Isang tula para sa iniirog..

10 Reaction(s)
nakita ko lang itong piece na ito sa notebook ng kapatid ko.. aba makata ata sya ngayon.. lagot ako nito pag nabasa nya itong ginawa nyang tula..


Sa aking anghel

Isang dalisay na umaga
ikaw ay aking nasilayan
banaag sa aking mga mata
ang tunay na kasiyahan

Dagli akong nabighani
sa ankin mong kagandahan
wari bang isang anghel
na nagmula sa kalangitan

Mat bumulong sa aking isipan
na ang anghel ay lapitan
subalit may pumipigil sa akin
isang emosyon na diko malaman

Ano ba ito? tanong ng puso ko
siguro may takot lang ako
takot na ang anghel ay di ako pansinin
at kalungkutan ang aking sapitin

Ganito ba talaga ang pakiramdam
'pag di mo maintindihan?
pag-ibig kaya o pag-hanga
hay.. di ko alam

Sana kung meron mang makakaalam
sa akin sana inyong ipaalam
o pag-ibig ba..
o sadyang paghanga lamang

Proud to be Pinoy

4 Reaction(s)
Why is the Filipino special?
Ed Lapiz

Filipinos are brown. Their color is at the center of human racial strains.

This point is not an attempt at racism, but just for many Filipinos to realize that our color should not be a source of or reason for an inferiority complex. While we pine for a fair complexion, white people are religiously tanning themselves, under the sun or artificial light, to approximate the Filipino complexion.

Filipinos are a touching people. We have lots of love and are not afraid to show it. We almost inevitably create human chains with our perennial akbay (putting an arm around another's shoulder), hawak (hold), yakap (embrace), himas (caressing stroke), kalabit (touching with the tip of the finger), kalong (sitting on someone else's lap), etc. We are always reaching out, always seeking interconnection. Filipinos are linguists. Put a Filipino in any city, any town around the world. Give him a few months or even weeks and he will speak the local language there. Filipinos are adept at learning and speaking languages. In fact, it is not uncommon for Filipinos to speak at least three: his own local dialect, Filipino, and English. Of course, a lot speak an added language, be it Chinese, Spanish or, if he works abroad, the language of his host country.

In addition, Tagalog is not 'sexist.' While many "conscious" and "enlightened" people of today are just by now striving to be "politically correct" with their language and, in the process, bend to absurd depths in coining "gender sensitive" words, Tagalog has, since time immemorial, evolved gender-neutral words like asawa (husband or wife), anak (son or daughter), magulang (father or mother), kapatid (brother or sister), biyenan (father-in-law or mother-in-law), manugang (son or daughter-in-law), bayani (hero or heroine), etc. Our languages and dialects are advanced and, indeed, sophisticated! It is no sm all wonder that Jose Rizal, the quintessential Filipino, spoke some twenty-two languages! Filipinos are groupists. We love human interaction and company. We always surround ourselves with people and we hover over them, too. According to Dr. Patricia Licuanan, a psychologist from Ateneo and Miriam College, an average Filipino would have and know at least 300 relatives.

At work, we live bayanihan (mutual help); at play, we want a kalaro (playmate) more than laruan (toy). At socials, our invitations are open and it is more common even for guests to invite and bring in other guests. In transit, we do not want to be separated from our group. So what do we do when there is no more space in a vehicle? Kalung-kalong! (Sitting on one another). No one would ever suggest splitting a group and wait for another vehicle with more space! Filipinos are weavers. One look at our baskets, mats, clothes, and other crafts will reveal the skill of the Filipino weaver and his inclination to weaving. This art is a metaphor of the Filipino trait. We are social weavers. We weave theirs into ours that we all become parts of one another. We place a lot of premium on pakikisama (getting along) and pakikipagkapwa (relating). Two of the worst labels, walang pakikipagkapwa (inability to relate), will be avoided by the Filipino at almost any cost.

We love to blend and harmonize with people, we like to include them in our "tribe," our "family"- and we like to be included in other people's families, too. Therefore we call our friend's mother nanay or mommy; we call a friend's sister ate (eldest sister), and so on. We even call strangers tia/tita (aunt) or tio/tito (uncle), tatang (grandfather), etc. So extensive is our social openness and interrelations that we have specific title for extended relations like hipag (sister-in-law's spouse), balae (child-in-law's parents), inaanak (godchild), ninong/ninang (godparents) kinakapatid (godparent's child), etc.

In addition, we have the profound 'ka' institution, loosely translated as "equal to the same kind" as in kasama (of the same company), kaisa (of the same cause), kapanalig (of the same belief), etc. In our social fiber, we treat other people as co-equals. Filipinos, because of their social "weaving" traditions, make for excellent team workers. Filipinos are adventurers. We have a tradition of separation. Our myths and legends speak of heroes and heroines who almost always get separated from their families and loved ones and are taken by circumstances to far-away lands where they find wealth or power.

Our Spanish colonial history is filled with separations caused by the reduccion (hamleting), and the forced migration to build towns, churches, fortresses or galleons. American occupation enlarged the space of Filipino wandering, including America, and there is documented evidence of Filipino presence in America as far back as 1587. Now, Filipinos compose the world's largest population of overseas workers, populating and sometimes "threshing" major capitals, minor towns and even remote villages around the world. Filipino adventurism has made us today's citizens of the world, bringing the bagoong (salty shrimp paste), pansit (sautéed noodles), siopao (meat-filled dough), kare-kare (peanut-flavored dish), dinuguan (innards cooked in pork blood), balut (unhatched duck egg), and adobo (meat vi naigrette), including the tabo (ladle) and tsinelas (slippers) all over the world.

Filipinos are excellent at adjustments and improvisation, managing to recreate their home, or to feel at home anywhere. Filipinos have Pakiramdam (deep feeling/discernment) . We know how to feel what others feel, sometimes even anticipate what they will feel. Being manhid (dense) is one of the worst labels anyone could get and will therefore, avoid at all cost. We know when a guest is hungry though the insistence on being full is assured. We can tell if people are lovers even if they are miles apart. We know if a person is offended though he may purposely smile. We know becau se we feel. In our pakikipagkapwa (relating), we get not only to wear another man's shoe but also his heart. We have a superbly developed and honored gift of discernment, making us excellent leaders, counselors, and go-betweens.

Filipinos are very spiritual. We are transcendent. We transcend the physical world, see the unseen and hear the unheard. We have a deep sense of kaba (premonition) and kutob (hunch). A Filipino wife will instinctively feel her husband or child is going astray, whether or not telltale signs present themselves. Filipino spirituality makes him invoke divine presence or intervention at nearly every bend of his journey. Rightly or wrongly, Filipinos are almost always acknowledging, invoking or driving away spirits into and from their lives. Seemingly trivial or even incoherent events can take on spiritual significance and will be given such space or consideration. The Filipino has a sophisticated, developed pakiramdam. The Filipino, though becoming more and more modern (hence, materialistic) is still very spiritual in essence. This inherent and deep spirituality makes the Filipino, once correctly Christianized, a major exponent of the faith.

Filipinos are timeless. Despite the nearly half-a-millennium encroachment of the western clock into our lives, Filipinos-unless on very formal or official functions-still measure time not with hours and minutes but with feeling. This style is ingrained deep in our psyche. Our time is diffused, not framed. Our appointments are defined by umaga (morning), tanghali (noon ), hapon (afternoon), or gabi (evening). Our most exact time reference is probably katanghaliang-tapat (high noon), which still allows many minutes of leeway. That is how Filipino trysts and occasions are timed: there is really no definite time. A Filipino event has no clear-cut beginning nor ending. We have a fiesta , but there is visperas (eve), a day after the fiesta is still considered a good time to visit. The Filipino Christmas is not confined to December 25th; it somehow begins months before December and extends up to the first days of January.

Filipinos say good-bye to guests first at the head of the stairs, then down to the descanso (landing), to the entresuelo (mezzanine), to the pintuan (doorway), to the trangkahan (gate), and if the departing persons are to take public transportation, up to the bus stop or bus station. In a way, other people's tardiness and extended stays can really be annoying, but this peculiarity is the same charm of Filipinos who, being governed by timelessness, can show how to find more time to be nice, kind, and accommodating than his prompt and exact brothers elsewhere. Filipinos are Spaceless. As in the concept of time, the Filipino concept of space is not numerical. We will not usually express expanse of space with miles or kilometers but with feelings in how we say malayo (far)or malapit (near).

Alongside with numberlessness, Filipino space is also boundless. Indigenous culture did not divide land into private lots but kept it open for all to partake of its abundance. The Filipino has avidly remained "spaceless" in many ways. The interior of the bahay-kubo (hut) can easily become receiving room, sleeping room, kitchen, dining room, chapel, wake parlor, etc. Depending on the time of the day or the needs of the moment. The same is true with the bahay na bato (stone house). Space just flows into the next space that the divisions between the sala, caida, comedor, or vilada may only be faintly suggested by overhead arches of filigree. In much the same way, Filipino concept of space can be so diffused that one 's party may creep into and actually expropriate the street! A family business like a sari-sari store or talyer may extend to the sidewalk and street. Provincial folks dry palayan (rice grain) on the highways! Religious groups of various persuasions habitually and matter-of-factly commandeer streets for processions and parades.

It is not uncommon to close a street to accommodate private functions, Filipinos eat. sleep, chat, socialize, quarrel, even urinate, or nearly everywhere or just anywhere! "Spacelessness," in the face of modern, especially urban life, can be unlawful and may really be counter-productive. On the other hand, Filipino spacelessness, when viewed from his context, is just another manifestation of his spiritually and communal values. Adapted well to today's context, which may mean unstoppable urbanization, Filipino spacelessness may even be the answer and counter balance to humanity's greed, selfishness and isolation.

So what makes the Filipino special? Brown, spiritual, timeless, spaceless, linguists, groupists, weavers, adventurers; seldom do all these profound qualities find personification in a people. Filipinos should allow - and should be allowed to contribute their special traits to the world-wide community of men- but first, they should know and like themselves.


Ed's fascination with Filipino culture spans more than 3 decades of study, research and staging of cultural productions in the Philippines , Middle East, Europe and America . He holds a degree in Philippine Arts from the University of the Philippines and is presently pursing a Master's degree in Philippine Studies. He founded KALOOB, an ensemble of musicians, dancers, researchers and enthusiasts committed to study, redeem and promote Philippine music and dance for Christian worship. Currently, Ed Lapiz serves as the pastor of Makati Day By Day Christian Fellowship, director of the Day By Day Ministries and hosts "Day By Day" daily radio programs aired over DWBL and "Kumusta Po, Kabayan?"


tag: , , , , ,

Back again

2 Reaction(s)
naku masama ito. nagiging internet addict na ata ako, isang araw pa lang na hindi ako nakakapag net parang naglalaway na ako. jowk. dapat kasi kagabi, me work na ako. kaso inaayos pa ang connection sa office. sayang din ang isang araw na iyon. amp talaga. wala namang magawa sa haus kaya pumunta na lang ako sa computer shop ulet ng ka-berks ko. wala lang. update lang sa mga browser games na nilalaro ko.

kagabi pala yung special documentary ni Maria Ressa titled 9/11: The Philippine Connection. alam naman natin na isang terrorist expert itong si Madam Ressa, CNN: Jakarta bureau chief ata siya dati at may author ng book na Seeds of Terror. Maganda ang program, hindi ko na sasabihin pa ang mga detalye; pinapakita lang talaga nya na totoo ang banta ng terorismo sa mundo at kelangang puksain ang "ideolohiya" na iyan baka pa makapaminsala nang malaki sa buhay ng mga tao sa bawat bansa. pero teka anu ba nangyari sa aso at bigla na lang namatay. hindi ko naman nakitang nilason o nasa parang gas chamber ba sya?

Kung marami sanang ganyang palabas ang Dos eh di ok sana, nde yung tambak na lang ng entertainment shows na nakakautaw na ng utak; na wala ka naman talagang napapala sa mga iyan. i don't care sa mga violent reactions nyo pero mas ok kung 70/30 ang ratio ng current affairs programs against entertainment shows para lalong matuto ang mga tao sa mga nangyayari sa paligid nya. hindi yung puro kantahan, pa cute, loveteams ang other bull%&$3 na napapanood sa free TV ngayon, wala naman akong magagawa. "company prerogative" yan, at dyan sila kumikita ng malaki.

hindi ako nakapag update ng blogs for the past 2 days.. me bagong batch na naman ng google search keywords ang naipon ko..
  • saan mahahanap ang sierra madre
  • english subbed anime clubbox
  • hindi web side
  • ano ba ang love
  • pakantot .com
  • Rhotacism
  • barako stories bilog ang mundo III

She says..

"Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!""
-Ang puno't dulo ng pag-ibig ni Kenneth, Idiosyncrasies of an impervious mind

He says..
After being down for a period of time, things are finally picking up.. Getting the happiness i once had.. Though there ain't anyone to share it with somehow thru the process of being treated like a toy, i have this shield that makes it difficult to penetrate into it. It was like suicidal but healing the wounds and picking myself up was tough.. I am up but my wounds are still healing. The kid in me that everyone used to know is trying to make a come back.. Same devil, same crap, same level of cheekiness..
--
feel the rain in your skin no one else can feel it for you only you can let it no one else, no one else can speak the words on your lips drench your self in words unspoken live your life with arms wide open TODAY IS WHERE YOUR BOOK BEGINS THE REST IS STILL UNWRITTEN...
-After Being Down, Kenneth (not related to the above quote)


tag: , , , , , , , , , , , , ,

What a Bad Day

3 Reaction(s)
habang sinusulat ko ang blog entry na ito eh nagpapatuyo pa ako ng pantalon at sapatos.. amp na buhay talaga yan oh.. maaga akong pumasok para sa overtime work ko kaninang mga 6.30pm, nakita ko nga si Yus at sinabi nyang aayusin daw ang net connection sa office (paputol putol kasi ang connection ng Internet sa office.. mga isang linggo na). akala naman namin eh sandali lang iyon at magaantay lang kami ng mga isang oras. Iyon pala eh 24 hours pa daw ang titingnan nila. huwat! bweset! up to 7.00am pa naman OT ko sana.. tumawag boss namin at sinabing umuwi na lang daw kami dahil medyo matatagalan pa nga daw. sayang lang talaga ang ipanasok ko, ang pamasahe ko at ang effort na pumunta kahit araw ng pahinga.

then nung nasa Megamall na kami ng ka office mate ko para umuwi tumawag naman si Yus, unli ako kaya nagtext pa ako kung sino may extra load.. iyon pala eh gustong pabantayan sa amin ang office pero biglang nagbago ng isip at huwag na lang daw. naaasar na talaga ako, akala ko p naman pababalikin kami at ayos na. then dumating ang malakas na ulan. kung saan eh anung oras na ako nakasakay. mga 8.30pm na iyon, then NAPAKABAGAL ng usad ng mga sasakyan sa EDSA.. lagi na lang tuwing umuulan.. biro mo mga 10.30pm na ako nakarating sa may Litex.. at pagdating naman doon, WALA RING SASAKYAN.. kaya nag-antay ulit, mga 11.15pm na ako nakasakay ng jeep. basa talaga ang pantalon at sapatos ko. yung sa pantalon. amp talaga yung katabi ko sa bus. basa pala at dumikit pa sa akin. minabuti ko na lang na mag net na lang dito sa computer shop ng ka-berks ko at magpapaumaga na lang sa pag-uwi mamaya. sa susunod talaga, hindi na ako mag OT kapag may problema sa office..

Things you never knew..

6 Reaction(s)


Your mobile phone can actually be a life saver or an emergency tool for survival. Check out the things that you can do with it:




The Emergency Number worldwide for Mobile is 112. If you find yourself out of coverage area of your mobile network and there is an emergency, dial 112 and the mobile will search any existing network to establish the emergency number for you, and interestingly this number 112 can be dialed even if the keypad is locked.

Have you locked your keys in the car? Does you car have remote keys? This may come in handy someday. Good reason to own a cell phone: If you lock your keys in the car and the spare keys are at home, call someone at home on their cell phone from your cell phone. Hold your cell phone about a foot from your car door and have the person at your home press the unlock button, holding it near the mobile phone on their end. Your car will unlock. Saves someone from having to drive your keys to you. Distance is no object. You could be hundreds of miles away, and if you can reach someone who has the other "remote" for your car, you can unlock the doors (or the trunk).

Hidden Battery power. Imagine your cell battery is very low, you are expecting an important call and you don't have a charger. Nokia instrument comes with a reserve battery. To activate, press the keys *3370#. Your cell will restart with this reserve and the instrument will show a 50% increase in battery. This reserve will get charged when you charge your cell next time.

How to disable a STOLEN mobile phone? To check your Mobile phone's serial number, key in the following digits on your phone: *#06#. A 15 digit code will appear on the screen. This number is unique to your handset. Write it down and keep it somewhere safe. when your phone get stolen, you can phone your service provider and give them this code. They will then be able to block your handset so even if the thief changes the SIM card, your phone will be totally useless. You probably won't get your phone back, but at least you know that whoever stole it can't use/sell it either. If everybody does this, there would be no point in people stealing mobile phones.


tag: , , ,

Weird Google Search Part 2

0 Reaction(s)
eto na naman, naipon na naman sila. ang mga kakaibang pinaghahanap ng mga tao sa net na kung saan eh aksidenteng napapunta sa aking blogsite..

Anu Ang Magawa ng Cha-Cha sa Tao?
anung meron sa charter change?
maraming resources sa Net.. ask Madam Gloria

pinoy slang
blog entry ko nga ito, pero salitang kanto title

lunas sa maitim na kilikili
maitim na kilikili
lunas sa kilikili
ha? doktor ba ako? pa derma na lang kayo!

mga tinapay sa ibabaw ng tubig
huwat? anung mangyayari sa tinapay?

nota pekpek
bastos. hmp! malamang sa salitang kanto.

filipino hopia
hmm.. sa wit of the filipino ito!

salawikain na nanggaling sa bicol
salawikain sa salitang bicolano
eto na naman tayo! hindi nga ako bikolano.

salawikain sa salitang pampangga
isa ka pa! anu naman kaya susunod!?

burnik sa tagalog
di ba tagalog na nga yan?

the arcane order marcoland
inactive na po ako sa game na yan!


tag: , ,

Contentment

8 Reaction(s)

bakit ang tao
hindi makuntento
kung ano ang meron siya ngayon
kaya tuloy hindi siya masaya
sa kanyang buhay
hindi masama ang mangarap
ng magandang buhay
pero huwag naman natin
abutin ang imposible
ipagpasalamat na lang natin
kung ano ang meron tayo
at mangarap ng mga bagay
na makakatulong o makakabuti
hindi lang sa sarili kundi
pati na rin sa ibang tao..





tag:

Teh big move to Beta Blogger

2 Reaction(s)
err.. kung napapansin nyo hindi kayo makapag comment sa blogs ko or vice versa, iyon po ay dahil lumipat na ako sa Blogger Beta just like the other bloggers. ma re-retain pa rin ang mga old post nyo, iyon nga lang.. google account na gagamitin nyo sa pag login dito. sige iyon lang. kita-kits!!


Problems Related to Blogger Beta
One big problem with Blogger, right now, is the confusion over authentication. Under classic Blogger, you could have a Blogger account, with an account name. That account could be tied to any email account, with any email service. Blogger Beta ties your Blogger access to a Google email address. Unfortunately, even though you're not using Blogger Beta, you may be affected by changes to Classical Blogger, which support the Beta. Another thing unfortunately, you cannot post a comment on a non-beta blog or claim a mobile blog using your Google Account. These features are coming soon.

Yeah right!

tag: , ,

Teh most popular sites in the Philippines

2 Reaction(s)
This summary is not available. Please click here to view the post.

A sigh.. escapes from Heaven

8 Reaction(s)
back to real world na naman ako ngayon, kung saan hindi nagkakatotoo mga nangyayari sa anime, almost 8 hours rin akong nakatulog buong Sunday. Hindi ko na nga napanood ang Inu-Yasha sinusubaybayan ko pa naman iyon. Mukhang naabot ko na ata ang satiation point ko sa net, na parang tinatamad na akong mag browse sa email, browser games etc. Imposible namang magbakasyon ka kasi napaka busy talaga, maski 1 day na pahinga, may work pa rin. Mahirap naman at alanganin mag abroad ngayon, kung sakali mang may balak ako, baka next year na lang. Malapit na kasi katapusan ng taon at parang alanganin, iyon ang tingin ko. Hirap talaga mabuhay sa mundong ito. Sabi ko nga kay mama tungkol sa abroad, "Ma, next year na lang ako mag-aabroad." Sabi naman ni mama, "Kahit hindi na, makakaraos din tayo sa kahirapan natin.. pero kung gusto mo talaga hindi kita pipilitin", buti naman at naiintindihan ni mama na ayoko ko pa mag abroad, ewan ko; nagdadalawang isip talaga ako. Kasi alin man ang piliin ko tiyak may masa-sacrifice talaga, you can't have the best of both worlds ika nga.

He says...
"To all you people who go to church if you fell something weird whenever you hear mass just take it in. I swear you'll feel definitely better afterwards. A lot of people go to church hoping to hear God. I don't want to sound holier that thou here or something (I most certainly am not !!) but sometimes you just have to let go of your body and listen. He's there, He's talking to you from the inside. Giving you a heads up on what you are doing. Reminding you where you stand and hoping that you make the right decisions afterwards (right and wrong is a matter of perspective though and that's according to Him). And sometimes, if you're lucky He will give you a heads up on where you are going.. ^_^"
Conversations with God on a hot Sunday morning, My Almost Wasted Life

tag: , ,

Let's go home, when tomorrow comes..

7 Reaction(s)
amf.. katatapos ko lang panoorin ang Naruto the Movie sa youtube. aside from the superb ninja fights ang ganda ganda ng moral lesson nya.. don't lose hope as long as you live.. always believe in youself.. ang lakas ng tama sa akin ng ending nya.. minsan kasi or kadalasan lagi na lang akong napanghihinaan ng loob.. at itanong sa sarili.. bakit ko pa kelangan gawin ito.. wala namang mangyayari.. hanggang dito na lang ako.. sana eh marami pang mga anime ang may ganitong ending.. it moved me a lot!!





Naruto the Movie Ending Theme: Home Sweet Home

aruki tsukarete furidasu ame
tsukami soko neta usagi o otte
anata no me wa suki tooru
kurai umi no soko de iki o shite iru mizu
watashi o yonde yonde koko ni iru no yo
doko e ikeba ikeba mitasareru no?

getting tired of walking, the rain that began to fall
I chase after the rabbit I couldn't catch
your eyes are like the clear water
breathing deep down in the ocean
call me, call me, I'm here
where can I go, to where, so that I'm satisfied?

uchi e kaero asu ni nareba
daijoubu tte waratte iru kana
namae o yonde yonde dakishimeru yo
omoidashite me o tojite osanai koro

let's go home, when tomorrow comes
will I be laughing saying that it's all ok?
call my name, call me, I'll embrace you
so close your eyes and remember those innocent times

tarinai tokoro o anata ga umete kureta
kanashii kimochi datte sa sugu wasurerareta kara
kowakunai yo

you filled the parts I lacked in
because I was able to forget even sad feelings
I'm not afraid

uso o tsuite koukai shite
watashi wa itsuka otona ni natta
haji o kaite ase o kaite
soredemo odori tsudzukeru riyuu
tamashii kogashite kogashite sakenderu yo
hiraite ikeba ikeba sukuwareru no

lying, and regretting that
I became an adult someday
getting humiliated, sweating
but the reason for me to continue dancing
is burning, burning my soul and screams
if I continue, continue to open it I can be saved

uchi e kaero shiroi usagi
tsuki no ura de aimashou
kaerou asu ni nareba
hadashi de waratte iru kara
watashi wa yonde yonde dakishimeru yo
omoidashite me o tojite osanai koro

let's go home, let's meet
behind the moon, white rabbit
let's return, when tomorrow comes
I'll be laughing barefeet
I'll call, call and embrace it
so close your eyes and remember those innocent times

aruki tsukarete furidasu ame
tsukami soko neta usagi o otte
anata no me wa suki tooru
kurai umi no soko de iki o shite iru mizu
namae o yonde yonde koko ni iru no yo
kokoro ni ieba ieba mitasareru no

getting tired of walking, the rain that began to fall
I chase after the rabbit I couldn't catch
your eyes are like the clear water
breathing deep down in the ocean
call my name, call me because I'm here
if I tell, tell my heart I'll be fulfilled

tag: , ,

Ang Ingay nila

2 Reaction(s)
September na naman, ilang tulog na lang at Pasko na naman, at malapit na rin ang company anniversary, i dunno kung ma-delay na naman ang celebration nila. Sa sobrang busy sa office, hindi ko namalayan almost 2 years na pala ako dito. Wala lang, hindi pa rin ako nakakahanap ng magandang job and even sa abroad, nagdadalawang isip ako, kasi first time ko kung baka sakali; baka ma "homesick" lang ako at mamiss ko mga nakagawian ko nang mga ginagawa at mga tao sa Pinas, tapos wala pang kasiguruhan. Hayz ang hirap naman, pero kelangan eh - hindi talaga sapat ang kinikita mo dito sa Pinas, kahit ilang taon kang magpaka-kuba, wala pa ring mangyayari sa iyo. Masyado atang napalayo.. hehe.. wala lang.. hanggang kelan kaya sila "happy" sa performance ko..

Nung Friday pagkasakay ko sa bus, pagdating sa Cubao may nakatabi akong magkaklase na napaka-daldal talaga.. ayoko pa naman ng maingay. Kahit sino na lang pinapansin nila, "tingnan mo iyong lalaking iyon, pa Penshoppe pang plastic bag eh ang baho naman ng kili-kili", sabi ng isa. Hindi ko na lang pinansin kasi baka nga.. haha.. then, nagkwento naman sa pinagaralan nila, "sa whole budget ng gobyerno 40% napupunta sa local, tapos hahatiin pa iyon sa 4, 20% sa baranggay, 25% sa munisipyo at probinsya at 30% sa lungsod" at least me natutunan ako kahit papano, malamang sa accountancy related ito. Maya maya pa "tingnan mo yung babae oh, siksik na. nabahuan pa ata sa katabi.." wala lang.. honga tama sila, pintas nang pintas ang dalawang ito, samantalang mas kadiri pa nga sila. Kasi habang kumakain sila ng Boy Bawang na cheese flavor, hindi man lang sinusupsop ang cheese sa kamay at basa pa ng laway nila, parang mga elementary. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag pinahid pa nila sa damit ko yang nasa kamay nila. Baka magka-rambol sa bus. hehe!

tag: , ,