Anung bago?

kumusta!? wala naman bago ngayong araw na ito. parang karaniwang panahon lang. ilang araw na lang pasko na. at malamig na talaga ang panahon. kanina sa dyip ginaw na ginaw talaga ako lalo na't mahangin at mabilis pa magpatakbo si manong. next week dayshift na ang kasama ko rito (si Chun-Yang..) lilipat na sya ng division. sa Biyernes eh baka mag-aaply ako sa isang BPO company rin. kakabukas lang nya mga 4 months palang daw. nakakainis lang formal attire eh BPO lang naman. ewan ko nga ba. taob pa ang call center. eh ayoko pa naman magsusu-suot ng mga ganun. sana nga matuloy ito kasi pag naunahan na naman ako ng katamaran eh hindi ko na naman puntahan. kanina 2 hours lang ang tulog ko. nagbantay kasi ako ng tindahan. may sakit si mama kaya nakahiga lang dun. buti dumating na yung mga kapatid ko at nakaidlip muna ako ng sandali. kanina sumakay ako ng MRT papuntang Ortigas. aba asenso. may "sounds" na siya na parang patok na jeep. kaya lang nakaka-umay ang mga kanta mga jukebox. *yawn*.


Jin (1 yr. old - 1983) oo na cute na ang mga tupa sa likod! hindi ko pa rin alam bakit ba nila nilalagay sa TV ang mga bata nung panahon nila.

9 Reaction(s) :: Anung bago?

  1. ang tanda mo na talaga.
    posterized yung picture.
    o solarized?
    haha.
    parang ginamitan ng old newspaper effect.
    haha.

  2. orig yan. lol. hindi black and white.

  3. hmm...good luck sa interview. sana nga makapunta ka.

  4. goodluck!! biyayaan ka sana ng maraming maraming kasipagan :P

    bat ako indi nilagay sa taas ng TV!? tsk tsk.. daya nman..

  5. haha. sana nga ms.mara. ewan ko anung meron sa TV na yan.

  6. Naku, good luck sa iyo.

    Hahaha! Uy, meron din akong picture na nasa TV ako. Although, hindi nga lang nakapatong, pero malapit ako sa TV. Haha.

    Wala lang. :P

  7. si ymir at jeff kasi. may baby pic sa blog nila. aba inggit ako. dapat ako din. wahaha!

  8. inggitero! hehe..

    i have the same sentiments sa work. balak ko na ngang maging palamunin uli.

    okay naman yung music sa ibang LRT. may mga train na nagpapatugtog ng jazz.

  9. nakakatamad na talaga minsan ymir. pag ilang taon mo nang ginagawa ang parehong trabaho. walang growth.