Pagkatapos ng Pasko

2 Reaction(s)
Kumusta ulit. Nagdaan na naman ang Pasko at parating na ang Bagong Taon. Krisis-mas ika nga nung napanood ko sa TV program na The Correspondents. Pasalamat pa nga tayo at kahit papano eh matitirahan at matutulugan tayong bahay, sapat na pagkain at kumpleto tayo; samantalang ang iba.. nasunugan, nasalanta ng bagyo at may namatayan pa; pero sa kabila ng mga trahedya ang mahalaga eh kumpleto at matatag ang pamilya sa anumang sakuna na dumating.

Sa Friday magkakaroon ulit kami ng reunion na magkakaklase. Sana nga every year magkaroon lagi nito. Sana yung iba makapunta rin. Si Joseph amp. Saan kna sa Laguna. Nagtatanim ka pa rin ba ng kamote o nakisama ka na sa mga NPA. Paramdam ka naman. Mapapagastos na naman ako nito. Sa akin ang ice cream. Makahanap nga ng mura lang. Hindi pa ako nakakabili ng exchange gift. Hoy Angelo asan na ang glass na pinapabili ko sa iyo. Lalaki na naman ang tiyan ko nito. Puro pagkain amp! Si Lester ata March pa daw makakauwi sabi ni Cha-Cha.. nde na naman sila magkikita dahil aalis na sya ng January 14.

Pusa at Opis

2 Reaction(s)
Kumusta na ulit. Isa na namang mainit na linggo ang dumaan sa opis. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nilalagay ang AC sa loob ng opis, kulang na kulang talaga; napaka-init pa, everyday na lang lagi kang pawis. Kahapon nga eh pumutok na ang isang CPU na katabi ko. Iniisip ko bilang na ang araw ng mga CPU dito. Paano ba naman 24/7 nakabukas. Kahit man lang sana everyday bigyan ng 2 hours na pahinga mga PC dito or 1 day break. Hindi naman ako magsasalita kung ganun kainit sa loob. Kulang na lang mag sando ako or mag topless dun para lumamig ng kaunti. Sa totoo lang marami nang nag resign dahil hindi nakayanan ang init. Kung pang-gabi naiiniitan kami pa kaya sa umaga lalo na't pagdating ng tanghali. Kaya tuloy hindi makapag concentrate sa work ang focus mo sa init hindi sa ginagawa mo. Wala lang.. rant ko lang! Sana may makarinig ng reklamo na ito.

Kahapon pang nawawala ang 2 naming pusa, tuwing pagdating ko sa bahay sinasalubong nila agad ako para manghingi ng pagkain, na mimiss ko na ang meow nila.. ganun siguro pag matanda na ang mga pusa at malapit nang mamatay.. umaalis nalang bigla kagaya ng pusa naming si Makaw.. hindi ko alam bakit ganun ang behavior nila.. pinilit kong hanapin sila kagabi.. sumisigaw na ako kakatawag.. wala pa ring lumalapit. Ang naiwan lang sa bahay eh yung 2 kuting na anak ng isa. Saan kaya pumupunta ang mga pusang ito? Nagpapasagasa sa kalsada? O may sariling silang "club" sa mga oldies na pusa?

P.S.
24 years na akong hindi nakakatanggap ng regalo. Nasa probinsya kasi ninong at ninang ko. Paguwi ko kaya.. bahay at lupa na ang ibigay sa akin? Kaya hindi pa huli at lahat regaluhan nyo ako hanggang New Year. haha!

Merry Christmas to all!!

3 Reaction(s)
Sana happy kayo ngayong Christmas!

Christmas rush!

2 Reaction(s)
amp! talaga ang traffic kanina sa Cubao! kahit tanghali uber traffic. anung oras na ako nakarating sa MRT kanina. Tapos pagdating dun ang haba pa ng pila. Iniisip ko tuloy sa sarili ko sana nag Quezon Ave na lang ako; at least doon hindi traffic at walang pila. Maski sa mga terminal ng mga bus along EDSA, dami daming tao; sabagay Biyernes na naman at nagsisiuwian na sila sa kanilang mga probinsya. Ilang araw na lang Pasko na.. merry ba ang Pasko nyo?

Jin's Longest Week

2 Reaction(s)
Finally day off ko na sa company. Sana nga lang wag 2 days na sunod; kahit man lang may interval na 2 days. Isa talaga sa mga problema sa office eh sobrang init talaga. Hindi kaya ng AC kasi ang daming PC na nakabukas at yung singaw na init, hindi makalabas. Kaya ang resulta lutong-luto kami sa area lalo na sa "equator" (sa gitnang part kung saan eh concentrated ang init). Everyday na lang pinapawisan ka, imbes na suotin ang jacket eh ginagawang pamunas tuloy. (hindi naman ako nagdadala eh!). Pero sabi ni Boss Eric lalagyan nya ng additional AC para lumamig na at maging Alaska daw hehe! Nakaka-drain talaga ang work dito 10 hours of work at 2 hour break. Buti na lang at hindi ako nagkakasakit kahit init at lamig nararamdaman ko. Bago na ang system nila, na segregate na kami into groups. Kaming mga "newbie" sa low level accounts lang para daw ma master na namin ang level na iyon, ladderize sya; umaakyat ka habang master mo na ang levels na iyon. Maganda ang setup na ito, dati kasi dual accounts pa kami at mahirap talaga magpa-level. Hindi ko alam anung character ang uunahin ko. Pero sana mag improved pa ang company, tutal nagsisimula palang naman sila ulit. There is always room for improvements. Sige iyon na muna at pahinga muna ako. Bawiin ko mga araw na drain na drain talaga ako at pulang pula na ang mata kakaharap sa monitor. Teehee!

Farewell Party

2 Reaction(s)
Last week (Dec. 15) may xmas at anniversary party ang dating company ko. Inimbitahan pa rin nila ako at iyon kasi ang last day ko sa kanila. Sa may Discovery suites ginanap at around 10am in the morning. Bago kami pumunta dun eh nag practice muna kami ng number namin kahit papano; kakaiba nga eh kasi lahat ng DES staff eh nag participate unlike sa ibang department. Nasa pinaka top floor ang party. amp! ang tagal tagal ng elevator haha. As usual meron exchange gift, department presentation at pa raffle pa, sayang hindi ko nakuha yung electric fan (candy pa napunta sa akin swerte talaga!)

Sa loob ng 2 years na pag-stay ko sa company marami rin akong nakilalang mga bagong friends. Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa andyan sila. Hindi ako nakapag prepare ng speech (amp!). I just want to thank those people who really help me become what I am today (ano daw?)

Yus - naalala ko pa nung unang taon hati pa tayo sa ulam noon (sobrang tipid kasi!) good luck na lang sa kasal mo next month!

Miko - certified "Halers", adek na adek sa pagpapa-picture. Daming raket nito. Hindi ko pa nakita na nagalit ito.

Joel - si owel ng mukamo. Isa sa mga "pabling" at hawig daw ni Carlo Aquino sabi ni Chat. Dapat technical support na lang apply mo.

Lala - salamat sa mga advice na binibigay mo sa akin. Think positive always and success is the only option ika mo nga. Good luck sa business mo!

Roger - thanks sa frenship at pagiging totoo mo lagi. Wag mo na lang pansinin ang mga detractors mo. Mahalaga wala kang ginagawang at iniisip na masama sa ibang tao.

Ireen aka Chun-Yang - hanga ako sa babaeng ito. Malakas ang loob at palaban talaga. Sinasakyan lang nya mga biro sa kanya at hindi napipikon. Masarap kausap kasi open talaga sya kahit kanino. One of the boys nga tawag sa kanya (pero nde siya tibo!) Mas palagay lang sya kasama mga guys kesa girls. Thanks sa tawanan at biruan; kahit ayaw mong pa picture kasama ako.

Tina - isa sa mga kasabayan ko ito sa company, night shift pa kami that time. Isa sa mga pinaka matiyaga sa company at maparaan talaga, hindi nya titigilan hanggat hindi naayos ang problema kaya naman deserving syang maging Manager namin. Kagaya ni Miko hindi ko pa ito nakitang magalit man lang or nag reklamo sa trabaho; (kaya naman sinasamantala ng iba!). Good luck na lang sa iyong pag migrate sa Austria next year. Sana ihanap mo ako ng work dyan. hehe!

Mam Irene at Sir Gene - thanks sa pagtanggap sa akin sa loob ng 2 years. Nung mga time na wala pa akong work at nagaantay ng tawag. Sa mga advice na binibigay nyo at mga comments either good or bad.

Mami-miss ko kayong lahat. Pero ang lapit lang naman nang nilipatan ko kaya magkikita pa naman rin tayo. Ilang lakad lang andyan na ulit ako. (dramatic entry na naman ito!)

Uber busy at pagod

4 Reaction(s)
Pasensya na at hindi ako nakakapag update ng blog ko. super busy lang po talaga sa new company. biruin mo ba naman 12 hours ang work dito at 2 hours lang ang break. kaya anung oras na ako nakakauwi sa amin. mga past 10 pm na. sa simula talagang hirap na hirap talaga ako magpa-level ng character ko (it's a gaming company po, and world of warcraft po ang nilalaro) kasi next week alam ko may grade na ang gagawin namin. sa simula si Cy lang talaga ang kakilala ko. then eventually marami na rin akong nakilala, yung iba sa ibang online games din. super po sa init ang room kasi ba naman ilang PC ang nakalagay doon. kaya ang singaw ng init ang tindi. pawis na pawis kami. buti na lang at naisipan nilang ilipat ang iba sa kabilang room (kung hindi pa matotodas ang isang PC, hindi pa nila naisip iyon!) at isa ako sa mga kasama doon. salamat naman at malamig ang place at maraming chickas haha! kaya lang behave dapat kasi kundi babalik na naman kami sa infernal room na iyon, thursday at friday ang off ko kaya andito ako ngayon at online. bukas may christmas party pa kami sa former company ko at take note wala nang hiyaan sasali ako sa sayaw. haha. tapos next week eh party naman sa current company ko. aba tingnan mo nga naman. ilang beses ako makakakain ng libre. nyahaha. sana lang makabili ako ng regalo sa monita ko, wala na kasi akong time makabili this week since start na ako ng work. hanggang dito na lang at kukuha pa ng mga kelangang requirements ko. bow!

partner ko.. asan ka na!?

6 Reaction(s)
Lagi kong iniisip sa sarili ko bakit parang hindi ako kumpleto. anu ba ang kulang sa akin bakit hindi ako masaya ngayon. everytime na tumitingin ako sa picture gallery section ng frenster, nalulungkot nlang ako bigla kasi parang ako lang ang hindi masaya at nag iisa lang habang ang mga tinitingnan kong mga picture ang sasaya nila; parang walang problema. naiisip ko nlang sa sarili ko kelan kaya mangyayari sa akin ang ganitong eksena. yung totoong masaya talaga ako, yung walang iniisip na problema. tumatanda kasi akong parang walang nangyayari sa akin. hindi ko alam worth ba ang aking existence dito sa mundo. parang walang nagpapahalaga sa akin, walang nagmamahal, parang ang lamig lamig.. walang kayakap sa malamig na disyerto. nag sesenti lang siguro ako pero lagi kong naiisip mga ganitong bagay pag nakakakita rin ako ng mag syota. inggit na inggit ako sa kanila, may PDA pa nga dyan. hindi ko alam kung bakit hirap akong makahanap nang para sa akin, wala naman akong standards na binibigay, simpleng tao lang ako. pag nakikita ko sina RJ at Yeng (Pinoy Dream Academy scholars - kapamilya po ako!) na naghaharutan, natutuwa ako sa kanila.. at iniisip ko sana ganyan din ako sa magiging would-be partner ko. sigh. kelan ka ba darating sa buhay ko? pagod na ako kakahanap, Lord magpakita ka naman ng sign na sya na nga ang para sa akin (super korni itong entry na ito. ewan ko ba. hindi lang talaga ako sanay gawing public mga nasasaloob ko, pero kelangan kong ilabas eh. masyado nang mabigat sa loob)

Just leave me in the rain
My life is in the drain
I"ll seek your love forever
I beg not a different game

I"ll never be a man
Embrace me as i am

Make me alive
Make me suffer
Make me feel

This is it

3 Reaction(s)
Kahapon ang haba ng pila para contract signing. naiinis nga ako at hindi sinunod ang schedule na napagusapan. paano ba naman kasi pinagsabay sabay ang exam, interview at contract signing kaya tuloy around 7pm na ako natawag samantalang 5.30pm ako pinapabalik. anyway; tapos na iyon. start na ako sa Monday kasabay ko si Cy. sana maging smooth naman ang first few days ko sa bagong company. aasikasuhin ko this week mga requirements. buti na lang at off ko pag thursday at friday. Makakasama ako sa xmas party sa former company ko. Bago na namang challenge sa akin ito. Kahit medyo natatakot ako eh haharapin ko ito nang walang pagaalinlangan (dramatic moment na naman!)

mga adek sa "Feel the Rain on you skin.."

2 Reaction(s)
o ayan magsaya na kayo.. sa mga naghahanap sa google ng "feel the rain on your skin" na lyrics habang nag sha-shampoo kayo amp!


Unwritten - Natasha Bedingfield

I am unwritten, can't read my mind, I'm undefined
I'm just beginning, the pen's in my hand, ending unplanned

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your innovations
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins
The rest is still unwritten

Oh, oh, oh

I break tradition, sometimes my tries, are outside the lines
We've been conditioned to not make mistakes, but I can't live
that way

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your inner visions
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins

Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins
The rest is still unwritten

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your inner visions
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins

Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins

The rest is still unwritten
The rest is still unwritten
The rest is still unwritten

Oh, yeah, yeah

Time to say goodbye

0 Reaction(s)
it's Friday, my last day at the office, maaga akong pumasok; sinusulit ang mga huling oras ko dito. siguradong ma mimiss ko mga pasaway kong mga officemates . ang tawanan nila pag kumakain, ang paglibot libot ng ibang mga walang magawa sa office, si manang, si Petunia (chihuahua ng boss namin), DES Department, walang kamatayang quota everyday, lahat lahat. salamat sa 2 taon na puno ng saya, lungkot, ups and downs.

siyanga pala tinawagan na ako kagabi for contract singing and at Monday start na ng training ko sa gaming company. good luck to me!

Kaya ayoko mag-Cubao

6 Reaction(s)
kanina late na ako nakaalis sa amin. kumain pa kasi ako ng breakfast at nagbaon pa ako ngayon. wala akong choice kanina kung anu na lang ang muna either Philcoa or Cubao na FX/Jeep. ayun Tuazon (Cubao) FX ang nasakyan ko kanina, yung driver kaskasero pa parang jeepney driver; kinaiinisan ko pa imbes na lumiko na sya sa may Katipunan-Aurora interchange eh dumiretso pa sya at dumaan sa Project 4, syempre nde naman ako gala at medyo nag-alala, kung dadaan kaya ito ng Cubao o nde, imbes na sa MRT kami binaba sa may Ali Mall pa (kaya nga nag FX eh para kaunting lakad lang, parang sumakay rin ako ng jeep kakalakad), pagdating sa MRT (6.30am na iyon) ang dami nang tao, as usual puno na naman at nakisiksik na parang sardinas na naman. kaya talaga ayaw na ayaw ko maglalalagi dyan sa area na iyan; bukod sa polluted pa eh dami daming tao. wala lang daily rant lang.

at the wall of the storm

9 Reaction(s)
kahapon hindi ako alam ang mararamdaman ko. halo halo kasi. panay upo tayo at labas ako ng office. kakaayos para sa mga kelangan na ayusin bago ako makapasa ng clearance sa company. oras ang kalaban ko dito. pero napaka unfair naman talaga ng itong company na lilipatan ko. hindi ka man lang bibigyan ng reservation slot kahit aware sila bout the company policy na 2 weeks notice. hindi ba nila maintindihan iyon? alam ko urgent ang hiring nila pero wag naman nilang baliwalain ang ganitong policy. nakapasa naman ako ready naman ako for contract signing. wala naman akong bad record. ewan. im taking the risk right now. what's left is their assurance that pag nabigay ko na ang clearance eh magpipirmahan na ng contract.

pero kanina nawala ang stress ko at kakaisip ng mga problema nang makita ko ang pagbubukang liwayway sa may bandang Katipunan. ganda ng ulap at ng bughaw na langit. (biglang napakanta ng "blue sky..") kaya napagisip isip ko. isa lang ito sa mga trials na binibigay sa akin para next time na mangyari ulit ang ganito eh malalampasan ko sya at ako'y magtatagumpay (ang drama mo na naman!)

*sigh* I dont know what to do now!

0 Reaction(s)
I dont know what to feel today. Halo halo kasi. nalaman ko na ilang slots na lang available sa position na sinasabi ko sa company. almost 50 slots nlang pala at pag pinatagal ko pa ito ng 2 weeks eh baka wala nang mangyari sa akin. kaya naman ngayon pinagpupursigi ko na ang "immediate resignation" sa current company ko para makapag sign na ako ng contract sa kabilang company. Time is my enemy right now. Sana tumigil muna ang oras kahit mga ilang Linggo lang or ma plantsa na ang resignation ko. Alanganin kasi hindi ko inaasahan na ganito kaaga sila tatawag.

Tuloy Pa Rin - Neocolours

0 Reaction(s)
Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala ng iyong halik (alaala ng 'yong halik)
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito

Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan
Ang bakas ng kahapon ko

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (hugis ng mundo mo)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (hamunin)
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin)
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (oh..hoh..)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (handang harapin ang mundo)
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

New Look again..

7 Reaction(s)
walang magawa kanina.. kaya naisipan kong magpalit ulit ng blog layout.. tamang tama lang kasi ang theme nito.. madilim at mga posteng papunta sa kawalan.. kagaya ng nangyayari sa akin ngayon.. naglalakad ako sa daanan na hindi ko alam ang nasa dulo.. madilim, walang kasiguruhan dahil pipilitin kong tatahakin ang bagong landas ng aking buhay.. (ang drama mo!)

Moving on..

3 Reaction(s)
kumusta ulit sa inyo. sensya at hindi masyado updated ang blog ko. busy kasi lagi at walang masingitan ng oras. kaya naiintindihan ko kaya hindi nyo rin minsan nabibisita ang blog ko. kahapon habang nasa practice kami ng presentation namin para sa xmas party eh nakatanggap ako ng tawag mula sa company na pinag-exam ko. kung pwede na ba daw ako mag start sa Lunes. binigyan na ako ng job offer. i was caught by surprise. napaaga kasi ang tawag nila imbes na last week of December to first week of January daw sila tatawag. bigla tuloy ako napagisip, bakit ang bilis naman; alanganin naman kasi 2nd week na ang xmas party at usually 1-2 weeks ang notice upon resignation. hay buhay. kelangan mamili na naman ako, isang give up at isang kukunin. mahigit 2 taon na rin ako sa company ko ngayon, siguro its time for career shift, since nag eenjoy naman talaga ako sa gaming at dito ang passion ko, dito ako masaya, dito ako nag eenjoy, dito stress reliever ko, eh desidido na ako na lumipat na sa isang gaming company. saka ko na itutuloy.. ang dami kong iniisip ngayon..


ika nga ni William James..
"He who refuses to embrace a unique opportunity loses the prize as surely as if he had failed."

The Art of Letting Go

9 Reaction(s)
Sooner or later, everyone you know will disappoint
you in some way. They'll?say something or fail to
say something that will hurt you. And they'll do
something or fail to do something that will anger
you. It's inevitable.

Unfortunately, you make things worse when you stew
over someone's words and deeds. When you dwell on a
rude remark or an insensitive action made by another
person, you're headed for deeper problems.

In fact, the more you dwell on these things, the more bitter you'll get.

You'll find your joy, peace and happiness slipping
away. And you'll find your productivity slowing down
as you spend more and more time thinking about the
slight or telling others about it. Eventually, if
you don't stop doing it, you'll even get sick.

So what should you do the next time someone betrays
you? TAKE RESPONSIBILITY FOR YOUR FEELINGS. Even
though the other person may be at fault, even though the other person
wronged you, you are still
responsible for your own feelings.

In other words, other people do not "cause" your
feelings. You choose them.

For example, two different people could be told that
their suggestions made at the staff meeting were
"stupid and idiotic." One person may "choose" to
feel so hurt that he never speaks up at any other
meeting again. The other person may "choose" to feel
sorry for the critic, sorry that the critic couldn't
see the wisdom and necessity of her suggestions.

As long as you blame other people for your feelings,
as long as you believe other people caused your
feelings, you're stuck. You're a helpless victim.

But if you recognize the fact that you choose your
feelings and you are responsible for your feelings,
there's hope.?You can take some time to think about
your feelings. And you can decide what is the best
thing to say or do.

Then, you've got to learn to WALK AWAY FROM
DISAPPOINTMENT.?It's difficult to do, but it's
possible. The famous 19th century Scottish
historian, Thomas Carlyle, proved that.

After working on his multi-volume set of books on
"The French Revolution" for six years, Carlyle
completed the manuscript and took volume one to his
friend John Stuart Mill. He asked Mill to read it.

Five days later, Mill's maid accidentally threw the
manuscript into the fire. In agony, Mill went to
Carlyle's house to tell him that his work had been
destroyed.

Carlyle did not flinch. With a smile, he said, "That's all right, Mill.

These things happen. It is a part of life. I will
start over. I can remember most of it, I am sure.
Don't worry. It's all here in my mind. Go,my friend!
Do not feel bad."

As Mill left, Carlyle watched him from the window.
Carlyle turned to his wife and said, "I did not want
him to see how crushed I am by this misfortune." And
with a heavy sigh, he added, "Well the manuscript is
gone, so I had better start writing again."

Carlyle finally completed the work, which ranks as
one of the great classics of all time. He had
learned to walk away from his disappointment.

After all, what could Carlyle have done about his
burnt manuscript?

Nothing. Nothing would have resurrected the
manuscript. All Carlyle could do was to get bitter
or get started. And what can you do about anything
once it is over? Not much. You can try to correct it
if it is possible, or you can walk away from it if
it isn't. Those are your only two choices.

Sometimes you've just got to shake it off and step
up. It's like the farmer who had an old mule who
fell into a deep dry well. As he assessed the
situation, he knew it would be difficult, if not
impossible, to lift the heavy mule out of the deep
well.

So the farmer decided to bury the mule in the well.

After all, the mule was old and the well was dry, so
he could solve two problems at once. He could put
the old mule out of his misery and have his well
filled.

The farmer asked his neighbors to help him with the
shoveling. To work they went. As they threw
shovel-full of dirt after shovel-full of dirt on the
mule's back, the mule became frightened.

Then all of a sudden an idea came to the mule. Each
time they would throw a shovel-full of dirt on his
back, he would shake it off and step up.

Shovel-full after shovel-full, the mule would shake
it off and step up. In not too long a time, the
exhausted and dirty mule stepped over the top of the
well and through the crowd.

That's the same approach we all need to take. We
need to shake it off and step up.

Finally, you need to FORGIVE. It's difficult,
especially when the other person doesn't deserve
your forgiveness or doesn't even seek it. It's
difficult when the other person is clearly in the
wrong.

Part of the difficulty comes from a common
misunderstanding of forgiveness.

Forgiveness doesn't mean that the other person's
behavior is okay. And forgiveness doesn't mean that
the other person is off the hook. He's still
responsible for his misbehavior.

Forgiveness is about letting yourself off the
emotional hook. It's about releasing your negative
emotions, attitudes, and behaviors. It's about
letting go of the past so you can go forward to the
future.

Everyone in your life, everyone on and off the job
is going to disappoint you. If you know how to
respond to those situations, you'll be way ahead of
most people. You'll be able to live above and beyond
your circumstances.

Action:

Identify two people that have disappointed, hurt, or
angered you. If?possible, select two people towards
whom you still have some bitterness.

Then ask yourself, "How does my bitterness serve me?

Am I happier holding on to it?

Do I sleep better?

Is my life richer, fuller, and better because of my bitterness?"

If you find that your bitterness is hurting you, make a decision.
Actually decide to let it go.

Walk away from the disappointment -- which means you
no longer dwell on it or talk about it. Period!

Or as Islam teaches us, the true believer is the one who
can forgive while she is angry.

Hayup na crush yan..

6 Reaction(s)
dear blog,

*sigh* malamang sawa ka na kakarinig ng mga himutok ko. bakit kaya ganun, saka mo lang naiisip na mahal mo pala siya pag wala na sya or umalis na. wala lang. naalala ko lang ulit (and again.. hindi kba nagsasawa sa pagiging nostalgic..) me crush ako nung college, wag na nating sabihin ang pangalan, actually hindi naman ito na developed kung nde pa sya paalis.. halo halo nararamdaman ko that time, malungkot dahil baka hindi ko na sya makita kahit kailan, masaya dahil alam kong masaya sya sa buhay nya ngayon, naiiyak at inaalala lang mga sandali na kasama sya, laking panghihinayang dahil kung bakit hindi ako madalas sumama sa kanya pag nagyayaya sya.. ah ewan.. kelan ka ba mawawala sa isip ko.. ilang taon na ang nakalipas.. andito ka pa rin sa puso ko.. umaasa kahit wala namang inaasahan.. lagi nlang napapakanta ng..

at kung hindi man dumating sa'kin ang panahon
na ako ay mahalin mo rin
asahan mong di ako magdaramdam
kahit ako ay nasasaktan
'wag mo lang ipagkait
na ikaw ay aking mahalin

ang korni ko talaga.. para akong tanga.. na nagpapakatanga sa isang pagmamahal na hindi naman magkakatotoo kahit kelan.. lecheng pag-ibig yan.. bakit kelangan kong maramdaman ang pangungulila sa kanya.. samantalang hindi naman naging kami.. sige tama na nga itong kalokohan na ito.. darating din ang oras na hindi ko na sya iisipin at tuluyan nang makakalimutan.. sa mga kaklase ko nung college.. wag na kayong mag-isip pa kung sino sya.. hindi nyo kilala.. tapos!



ingrown

6 Reaction(s)
kumusta. hindi ako nakapag update ng blog for two days kasi last wednesday i undergo a minor surgery po sa paa. ang persistent ingrown nails na yan na for almost 7 months eh tiniis kong maglakad na parang pilay. finally naalis na rin. pero ang daming pasikot sikot para maooperahan klang sa isang public hospital. buti hindi na ako inabot ng lunch break at natapos na nang 12 noon. akala ko nga aalisin ang buong kuko pero hindi naman daw ganun ka serious kaya ginupit nlang ang part ng ingrown nail. sa tribal wars naman (browser based strategy game) sigh. nagsialisan ang mga key tribe members kaya umalis na rin ako. ilang buwan rin ang pinagsamahan namin (The Red Dragons ang name ng tribe namin) tapos nang hindi magkasundo sa merge sa ibang tribe. nagsialisan na sila. cry.

what a day..

3 Reaction(s)
paguwi sa haus maaga akong nakatulog. hindi ko pa nga natapos panoorin ang deal or no deal. napagod lang siguro ako at medyo frustrated. kasi hindi tumawag sa akin kahapon ang company na inaantay ko. yung kasabay kong friend nag text sa akin. tinawagan na daw sya eh samanatalang sabay naman kami nagpasa ng resume. it's sooo unfair talaga. dahil ba masyadong formal ang aking resume at wala akong nilagay na gaming profile ko, wala na akong chance para makakuha ng test ( yung friend ko kasi eh nilagay nya ang gaming profile nya. undergrad pa iyon ah. samantalang college grad ang nakalagay sa requirements nila). yung isa ko pang kakilala sa isang message boards tinawagan na rin at sinabi pinalagay sa kanila mga online games na nalaro nila samantalang kami kinuha lang ang resume, pinag antay ng ilang minuto tapos eh sasabihin lang na tatawagan nlang daw, may isa kaming kasabay siya lang mag skill test pero may mga hatak napasama na rin kahit hindi nagpasa ng resume, napaka unfair talaga ng company na ito. ewan ko. sensya na. dinaan ko lang dito ang mga frustrations ko kahapon. naaasar talaga ako. hindi man lang ako binigyan ng chance na kumuha ng test. matatanggap ko pa iyon eh kung nde ako pumasa, pero yung ako lang ang hindi tinawagan kahapon. HINDI!!!

Ang Kampeon

2 Reaction(s)

Si Pacman at ang Bayan

2 Reaction(s)
kumusta ulit. malamang kaya nakakapag blog ako eh may OT ako ngayon, sayang nga at hindi ko mapapanood sa TV ang laban nina Pacquiao at Morales. pero tanghali pa naman ata iyon. may pa 9 am pang sinasabi. oo 9 am nga. ang simula ng boxing event syempre lalaban muna yung ibang undercards bago ang main event, ayon nga sa isang article mula sa HBO..

When Pacquiao fought Erik Morales for the second time last January, this is what happened in the Philippines:

- Police reported a crime rate of nearly zero in major Filipino cities during the hours leading up to the fight and after.

- Normally congested streets in every city in the country were deserted.

- Politicians who rarely agree on anything, sat side-by-side with adversaries in movie theatres across the country to watch the fight broadcast.

- On free TV, the Filipino network which aired the bout broke all existing national records, with virtually 100 per cent of the country's TVs tuned in.

kung araw araw nga lang na pwedeng lumaban sa Pacman, laging "normal" ang Pilipinas lagi, minsan iniisip ko. bakit kelangan tuwing laban lang ni Pacman tayo nagkakaisa. hindi ba pwede kahit wala siyang laban eh magkaisa tayo at kalimutan na ang masyadong pamumulitika at pansariling interest lang. Bayan Muna bago Sarili. hindi ko na napapansin sa atin ang katagang ito. sana man lang eh makabangon na tayo mula sa ating pagkakalugmok at gawing inspirasyon si Pacman para sa seryosong pagbabago tungo sa kaunlaran. Bow!

Interesting Google Search (part 3)

2 Reaction(s)
eto na ang part 3 namimihasa ba. hehe. ang kukulit lang kasi ng mga pinaghahanap ng tao sa net kung saan eh indirectly na di-divert sa aking blog (salamat na rin dahil dagdag traffic).. natawa lang ako sa kalderetang manok.. anu naman kinalaman ko dyan. hindi naman ako nagluluto.. saka naging dear heart pa ako.. hindi ko alam kung anung dahilan o kulang sa iyo hijo at lagi ka nlang nasasaktan..

  • picture ng mga gulay
  • NUTRITION FACT OF KALDERETANG MANOK
  • bakit ganun lagi na lang ako nasasaktan may kulang ba sa akin
  • sabayang pagbigkas english tags
  • ano ang ginagamit ng PAG-ASA para malaman ang paparating na bagyo dito sa pilipinas
  • san nakakahanap ng design sa friendster
  • Mga Importanteng naganap sa Pilipinas noong 19th century
  • jin Ikari
  • tristancafe 12 days of christmas mat
  • "anu" founder hi5.com
  • rhotacism correct
  • friendster-layouts(oldskool)
  • kaloob music
  • "*3370#" low battery
  • anu ang salawikain
  • "feel the rain in your skin..."

Turning Point

0 Reaction(s)
It's Friday again, umaasa pa naman kami na ngayon ang sweldo. pero sa Lunes pa daw pero susubukan bukas, ewan ko ba bakit ganyan ang setup. diba tama lang na kapag sa Saturday bumagsak ang payday eh sa Friday ibibigay at pag sa Sunday eh sa Monday. kagaya nga ng sabi ni Pete what a f****** career we have here! kaya naman kahapon eh nag apply na ako sa 2 gaming company. one in Ortigas the other one at Makati. siyempre kung papipiliin ako eh di dun sa na malapit. I didn't knew nag eexist na pala ang mga ganitong company pati mga game may "outsourcing" na rin. sa ngayon eh World of Warcraft at Final Fantasy XI sila naka focus, the usual account/item/gold trading, buying , selling and even power levelling para sa mga tamad na kano na gusto maka level 60 w/o playing couple of hours per day. well sana eh i'm qualified for the job at saka dito naman talaga ako nag eenjoy talaga, my stress releiver, my unconditional friend - video games.

Headline of the Day

3 Reaction(s)

ang bus!

4 Reaction(s)
gandang umaga ulit sa lahat. wala pa ring bago nasa karaniwang panahon pa rin tayo. wala pa namang malaking sakunang nangyayari. wala pa ring pinagbago ang mga balita. kaninang umaga napansin ko aba iba na naman ang design ng Jell Transit (bus), kagaya ng Mafel at Gasat Express. mabuti naman at bago na at hindi na mga bulok ang mga bus sa EDSA. one time kasi nung night shift pa ako at pauwi na nang umaga nakasakay ako sa bus na sira sira ang upuan at labas na ang styro. halatang pabaya at walang balak ayusin. sa totoo lang kung pagsakay sa bus ang paguusapan. mapili talaga ako, umaabot ng isang oras bago ako makasakay. kasi nga ayoko ng masikip, gusto ko kahoy ang likuran at hindi plastic at yung tipong titigil sa harap ko at hindi na kelangan pang habulin. mga sinasakyan ko lang na mga bus ngayon eh ung Jell, Renan, Gasat at Mafel kasi ok yung mga bus nila. ewan ko ba naiinis talaga ako sa sarili ko bakit ganun ang paguugali ko. na trauma na siguro sa pagtayo, mga sira-sirang upuan. hehe!

oscars at sapatos

4 Reaction(s)
gandang umaga ulit sa inyo. kagabi ang sakit sakit ng paa ko both left and right. kasi basa pa ang sapatos ko. kaya yung sa kapatid ko muna ang sinuot ko. eh kaso maliit sa akin nang kaunti kaya mahirap talaga maglakad lalo na't may sugat pa ang kaliwang paa ko. so lahat ng pwersa eh nasa kanang paa ko. kaya naman nanakit rin kakamadali ko maglakad pauwi kahapon. hindi ko na talaga susuutin iyon. aba aba pinaguusapan na ang christmas party at oscars daw ang theme ewan ko ba sino ang nakaisip nun. poor lang po kami. wala kaming damit. sila mag provide ng damit. maski tuxedo wala ako. ah basta kung anu lang makita ko sa amin iyon ang susuutin ko. sige iyon lang sa ngayon..

puro problema na lang

13 Reaction(s)
call me boy nostalgic as my friend Angelo always call me. lagi ko nlang kasi sinasariwa mga panahon nung nasa school pa ako. ang saya. walang problema. kung meron man mag projects, exams, assignments lang. mas mapera pa nga ako nung nagaaral pa ako kesa ngayong nagtratrabaho na ako. hindi ko maramdaman mga pinaghirapan ko. sana naman pagsawain muna ako sa mga munting luho ko bago magbigay sa iba. nung hinding parang takaw na takaw ako sa mga bagay na iyan. ewan ko. lahat nlang daw pino-problema ko. maski nga kung kumain nba ang pusa namin pinoproblema ko pa. kelan ba mawawala mga problema. i really really need a PEACE OF MIND right NOW. nagmumukha na akong matanda kakaisip ng mga problema.

Paalam mama welms..

0 Reaction(s)
gabi na ako nakauwi sa amin. may despedida kasi sa office. si mama welms. isa sa mga pioneer ng company. mamimiss namin ang kakaibang tawa na sya lang nakakagawa sa office. ang terror ng opisina at mayora nga daw sabi nila. good luck nlang kay welms sa career nya. natatawa lang ako nung kainan na. parang mga refugee o kaya mga nasalanta ng bagyong milenyo mga tao sa office. kumukuha ng relief goods. haha.

gutom lang yan..

3 Reaction(s)
buti naman at maaga pa rin akong nakauwi sa amin kahit medyo nagtagal ako sa Mega. kasi me binili pa ako. nakakahiya nga. ilang oras akong paikot ikot para hanapin ang Bench. nasa may entrance lang pala. hmp. wala naman bagong nangyari bukod sa nahihilo na ako sa gutom paguwi sa amin. hindi kasi ako nananghalian. nagtitipid ako kaya biscuits lang kinain ko. napaaga ata ang pasok ko ngayong umaga. mga 6.05am eh andito na ako. mamaya nlang ulit.

maaga..

6 Reaction(s)
hello. kumusta. kahapon maaga akong nakauwi dahil makulimlim na naman ang kalangitan. buti nlang at nakasakay ako ng bus bago umulan (ambon lang naabutan ko bandang Cubao). pagkauwi ko tyempo naman na TV Patrol na agad kaya nanood nlang muna ako bago magbihis. nde na ako kumain dahil nakatulog din ako ng mga 9.30pm. sobra naman si Kris dun sa Deal or No Deal pinaalis sa studio yung pinsan ng contestant. may sinabi lang na hindi gaano maganda, gumanti na. kahit minor issue lang ito. paguusapan na naman sa kabilang network ito.

Dayshift again..

4 Reaction(s)
Sa Lunes dayshift na naman ako ulit. after 5 months nang pagiging night shift. babalik na naman ako sa maingay at magulong shift. wala lang. pag gabi kasi tahimik at walang istorbo. saka nde rin magastos. unlike sa dayshift. magiisip na naman ako kung paano makakatipid. magbabaon nlang cguro ako. aagahan ko nlang pumasok para maaga rin akong makauwi. para nman makapanood ako ng balita. sayang lang at babalik na naman sa normal ang sweldo ko. sa loob ng 5 buwan. wala man lang akong naipon para sa sarili ko. dumadaan lang sa kamay ko ang pera dahil ang dami daming gastos. lalo nat nagkaroon ng lapse sa pagbabayad sa lupa sa pag-ibig. next year pa babalik sa normal amortization. ewan ko ba. yung cellphone ko year 2000 pa sya. gusto ko nang palitan. hindi ko magawa. sana makahanap na ako ng work na malaki ang kita at nag eenjoy pa ako. sige iyon lang. pasensya na hindi ako nakakabisita sa blogs nyo. ultra busy po talaga. maski sa yahoo mail wala na rin akong time. sa taas ba ng quota ba naman na binigay. INJUSTICE.

Bisita sa wawa

4 Reaction(s)
masakit pa rin ang hita ko sa ngayon. kakalakad kahapon. sa loob ng 20 years na pagtira ko sa montalban, hindi pa talaga ako nakakapunta sa wawa dam (official seal ng town namin at tourist attraction lalo na ang Pamitinan Cave), kahapon eh nde naman talaga ako pumunta dun. medyo malapit lang nang kaunti sa bandang ilog. para akong inosente talaga na nde pa nakakalapit sa isang ilog. wala lang. buti nga nde malalim, nde pa naman ako marunong lumangoy. kaya naglalakad lakad lang. inakyat rin namin ang parang "irrigation bridge" since mataas ang palayan.. kelangan ng parang tulay.. i dunno kung aqueduct iyon.. nakakalula pala kaya ako naman napayuko nlang maglakad at tumingin lang sa dinadaanan ko.. yung kasama ko may bitbit na aso at malikot. kinakabahan kami na baka mahulog ang aso. buti naman hindi kahit medyo nalulula na rin sya. last month kasi nag trip mga kakilala ko dito at talagang binaybay ang path ng ilog papunta sa itaas. marami pa namang NPA dito. akala nila walang mga naninirahan sa lugar na pinuntahan nila. bukod sa malayo sa civilization eh masukal pa. nag kwento pa nga sila kung paano nila dinadala ang mga gulay na tanim nila. may malaking gulong sila at dun pinapasok ang mga paninda. nagpapatianod sila sa ilog sakay ng gulong. at hinayaan nlang nilang tangayain sila ng agos para makarating sa kapatagan. pwede kraw mamitas nlang ng gulay doon. at kung bebenta eh mura lang.. yung talong 20/kilo lang.. sa palengke 60/kilo. ang laking tipid. kaya nman sa susunod na pagpunta nila roon at nag trip sila eh gusto ko nang makasama. ang gulo ng kwento ko.. hehe.

manok, pista at telebisyon

13 Reaction(s)
KANINA..
nakakapagod talaga kahapon. galing ako sa may glorietta kasama ang friend ko. wala lang. gala lang naghahanap ng target. (hehe) andaming cuties lalo na mga korean at jappy. kumain kami sa may food court at sa world chicken. amp. ok mga pagkain. kahit ayoko ng chicken talaga. napakain tuloy ako. sulit na sya for 135 pesos. me pasta, mashed potato at chicken with the gravy of your choice. talagang pang-mayaman lang ang mga pagkain. ako nga 40 pesos lang ginagastos ko sa pagkain ko pag may work. grabe na itong pagtitipid ko. bago umuwi eh dumaan pa ako sa haus ng ka-berks ko. pista kasi sa kanila. medyo gabi na kasi ako nakauwi.. marami pa sana akong classmate nung high school na pupuntaan.. (makikikain sa pista. haha) pagkauwi. higa agad ako at knock down agad. sige bukas na lang ulit.

NGAYON..
kanina. nde ako makatulog kasi alam mo na pagh Linggo wala naman pahinga ang TV. kanina naloko ako ng Survivor amp. Palau pala akala ko Cook Islands.. kaya pala wala ang hinahanap ko na 2 Fil-Am na sina Brad at Jenny. epekto na yan ng pagiging pang-gabi. nde ka na updated sa mga palabas. salamat na lang at tuwing monday ng umaga ang amazing race. sana manalo yung Chinese brothers sina Godwin ata. kelan kaya magkakaroon ng local version ng Amazing Race at Takeshi's castle sa Pinas. laking stress reliever talaga pag nangyari ito lalo na pag mga contestants eh mga "common tao". waa.. nagpa-straight ng buhok ang inyong lingkod. pers taym ko magpagupit sa isang beauty parlor. naasiwa talaga ako lalo nat tingin nang tingin yung mga alam mo na doon.. huhu.. nde ko alam kung bagay sa akin. mukha kasi sa scary movie yung naka wheelchair na panot. hehe. joke.



tag: , , ,

Nag hibernate

3 Reaction(s)
sorry kung walang updates sa blog ko. medyo tinatamad ako gumawa ng new post. hindi ako inspired. hehe. wala namang bago sa akin, sa ibang tao, sa mundo. umiikot pa rin naman ang Earth. lol. kanina basang-basa ang sapatos at pants ko pagpasok sa office. malakas kasi ang ulan at male-late naman ako kung hindi pa ako papasok. ayun, dito na ako nagpatuyo ng sapatos at pants. yung ep. 202 ng Naruto what a waste. compilations lang ng top most voted 5 fight scenes by the fans. kelan ba matatapos ang fillers na yan. asar. mamaya uuwi na ako at mahabang pahinga (3 days, wala kasi akong OT this weekends). have a great day na lang sa iba.




tag: , , ,

not Third World anymore?

8 Reaction(s)
kanina 2 hours lang ang tulog ko. amp kasi yang wawawi nanonood sila. ayoko naman matulog sa taas at mainit. kaya ayun inantay ko na lang matapos. buti na lang nakakaantok next na palabas kay bong revilla. lol. pagdating ko sa office. hay buhay. brownout at generator lang ng building ang gumagana kaya eto wala ako sa cubicle ko. andito ako sa room ng manager. feelling manager for the day muna ako ngayon.

hanggang ngayon inuubo pa rin ako. uminom na ako ng lagundi tea. sana bukas ok na ako. ulan kasi ng ulan pag gabi. naiinis ako. bakit hindi na lang sa tanghali umulan at lubus-lubusin na nya. kanina nag message sa akin friend ko. news article. wow 2ND WORLD NA PALA ANG PHILIPPINES.. nag iilusyon na naman ang ating mahal na Pangulo. masasabi kaya yan ng mga taong naghihirap at nakatira sa mga slums at sa payatas area. hindi namin maramdaman madam President. baka kayo lang nakakadama kasi kurakot kayo.


Random Tots..
"Blindfolded and walking alone. That's what most of us feel. In a lifetime, full of major risks and decisions; it might seem safer to remain stagnant. But isn't it more fulfilling if despite the fear of falling from a cliff and bruised knees, steps were taken? In the end, losing and mistakes won't count. What matters most is the person we turned out to be. Not naive, but wise and beautifully molded by experiences."



tag: , , ,

Love Situations

11 Reaction(s)
Just want to share this forwarded text message i received..




Situations when it comes to love..





1. mahal mo, mahal k pero hindi kayo

2. bestfriend mo, mahal mo

3. barkada mo, may lihim na pagtingin sa iyo

4. mahal ka, hindi mo naman mahal

5. mahal mo, mahal ka pero may kumo-kontra

6. mahal mo, mahal ka pero hindi na pwede maging kayo

7. mahal mo, mahal din ng friend mo

8. mahal mo, may mahal nang iba

9. mahal mo, kaibigan lang turing sa iyo

10. ka-text mo lang, parang mahal mo na

11. mahal mo, mahal ka din daw, pero ayaw mo na mahalin

12. mahal mo, mahal ka rin

nakaka-relate ka ba kahit isa?



tag: , ,

Perwisyo ni Milenyo

4 Reaction(s)
hindi ko na kelangan i-kwento pa sa inyo dahil malamang eh naranasan nyo rin ang bagsik ng bagyong Milenyo na nagdulot ng delubyo sa kalakhang Maynila. kahit wala kami sa Metro Manila eh ramdam naman ang kanyang bagsik. nagbagsakan mga puno at poste sa lugar namin na nagdulot ng perwisyong brownout na tumagal ng 2 araw sa aming lugar (sabado ng umaga na nakabalik ang kuryente sa aming lugar, buti na lang at nasa central/east area kami at hindi south na last priority ng Meralco). sayang din ang 1 araw na hindi ko ipinasok, pero pasalamat ako hindi ako isa sa mga na stranded sa work (huwebes ng umaga na kasi ako nakauwi at bandang tanghali dumaan ang bagyo..)

pero may mabuti daw naidulot ang bagyong Milenyo..
1) kahit papano eh napuksa at naanod ang mga larva ng lamok na nagdadala ng dengue o malaria.
2) bumaba daw ang crime rate kasi walang gustong magnakaw at manghold-up dahil baka tangayin sila ng hangin at hampasin ng mga lumilipad na billboard at mga yero
3) ang mga basura sa mga estero naitaboy kaya naman eh malayang nakakadaloy na ngayon ang tubig sa mga lugar na ito.



tag: , ,

FHM October Issue Cover Girl

15 Reaction(s)

Office.. Alone

7 Reaction(s)
waa.. mag-isa lang ako ngayon sa office! wala akong kasama dito. punta naman kayo. joke! kanina inaantay ko pa si chun-yang na pumasok, 10pm na bakit wala pa siya. Pagkatingin ko sa cell ko, may nag text galing sa kanya, hindi daw sya makakapasok. amp. naman. nakakainis. ganito pala pakiramdam ng nag-iisa. huhu. pero honestly nakakalungkot pala ang mag-isa. lagi akong nagtatapang-tapangan na "kaya ko naman mabuhay nang mag-isa" i mean not the thing na bubukod na ako sa amin. emotionally speaking, mahirap pala. nung elementary hanggang college nasanay ako na andyan lagi ang mga ka-berks ko, sa kulitan, sa saya, sa lungkot, sa pagiging pasaway, sa mga lakad. Ngayon mag-isa na lang ako naglalakad. Nami-miss ko na talaga ang mga panahon na iyon. Oo nga may mga ka office mate ka, pero iba naman talaga ang mga kabarkada kesa dito, hindi ganun kalalim ang ugnayan ng magkaka-office mate.

ayoko na rin minsan magtrabaho, mahirap kasi na hindi ka naman masaya sa work mo at hindi mo binibigay ang lahat. wala ang passion ko sa work ko ngayon. hindi ako nag-eenjoy. trabaho lang para kumita ng pera. iniisip ko na nga na mag business na lang. syempre ang patok ngayon "internet cafe.." baka mamaya makita nyo na lang ako sa TV. kasama si Bam Aquino sa PLDT TV ads. haha. pero sa totoo lang.. since mahilig talaga ako sa mga online games at nawawala ang stress ko at andito ang passion ko.. eh eto talaga ang plano ko.. makapag ipon (sana!) o kaya maka-utang na lang ng capital para sa business para makapagsimula na. kaso andaming kelangang isipin. kagaya ng pag renta sa pwesto, buwanang gastos sa tubig, kuryente at internet. hay buhay. hahanap muna ako ng business partner para dito at mag research pa ako sa business.



tag: , , , ,

Anung bago?

9 Reaction(s)
kumusta!? wala naman bago ngayong araw na ito. parang karaniwang panahon lang. ilang araw na lang pasko na. at malamig na talaga ang panahon. kanina sa dyip ginaw na ginaw talaga ako lalo na't mahangin at mabilis pa magpatakbo si manong. next week dayshift na ang kasama ko rito (si Chun-Yang..) lilipat na sya ng division. sa Biyernes eh baka mag-aaply ako sa isang BPO company rin. kakabukas lang nya mga 4 months palang daw. nakakainis lang formal attire eh BPO lang naman. ewan ko nga ba. taob pa ang call center. eh ayoko pa naman magsusu-suot ng mga ganun. sana nga matuloy ito kasi pag naunahan na naman ako ng katamaran eh hindi ko na naman puntahan. kanina 2 hours lang ang tulog ko. nagbantay kasi ako ng tindahan. may sakit si mama kaya nakahiga lang dun. buti dumating na yung mga kapatid ko at nakaidlip muna ako ng sandali. kanina sumakay ako ng MRT papuntang Ortigas. aba asenso. may "sounds" na siya na parang patok na jeep. kaya lang nakaka-umay ang mga kanta mga jukebox. *yawn*.


Jin (1 yr. old - 1983) oo na cute na ang mga tupa sa likod! hindi ko pa rin alam bakit ba nila nilalagay sa TV ang mga bata nung panahon nila.

Umaga ulit?

5 Reaction(s)
kumusta! ako inaantay ko lang mag alas-5 ng umaga. grabe na ito. 24 hours na akong gising. wala naman kasing gagawin sa bahay. kaya naisip ko na mag OT na lang. sayang din iyon! whole Sunday (samantalang ang iba eh.. gumigimik or nagpapahinga sa bahay) then at night (regular work naman). iba talaga epekto pag pang-gabi manghihina ang katawan mo. siguro wala lang akong exercise kaya ganun. kung hindi pa ako umiinom ng vitamins, anu na kaya ang mangyayari sa akin. ayoko pa mag pang umaga. kahit pa sabihing walang social life pag pang-gabi. tahimik naman. medyo inaantok na ako ngayon. baka makatulog ako sa bus mamaya. wag naman sana. magandang umaga ulit sa lahat.



tag: , , ,

Isang Magandang Umaga

12 Reaction(s)
habang dinudungaw ko sa sinasakyan kong dyip ang kapaligiran; mabuti at maganda ang panahon ngayon, kagabi kasi eh medyo maulan. ngayon lang nga ako umalis sa amin ng umaga. usually gabi ang alis ko at umaga ang uwi. wala na talaga akong social life pag gabi. puro multo at mga butiki na lang makakausap ko sa office. hehe. wala lang. sa ngayon 24 hours ako ngayon sa office. kawawa naman ako. OT sa umaga at regular work naman sa gabi. kakayanin ko na lang at iidlip ng sandali.

last 2 days eh. nakapaglaro rin ako ng Pirate King Online, parang One Piece sya kasi pwede ka maging member ng Navy or pirata mismo. wala lang. i guess i should give it a try. matagal tagal na rin akong hindi nakakapaglaro ng real-time MMORPG (real time in the sense na nakikita kong gumagalaw ang character ko.. kase puro browser based MMORPG nilalaro ko. puro text at devoid sa graphics! old skool.. haha!) sana nga tuloy-tuloy na ito at hindi ko titigilan, unlike sa Trickster medyo napapangitan ako. kasi pareho lang ng class unlike dito.. may new class explorer, voyager, seal master.. mga ganun at may naval battle pa.



tag: , , ,

Halo-halong Tots

7 Reaction(s)
it's friday again, finally makakapag pahinga na ako. kaunting tulog lang then me pupuntahan naman. raraket na naman ako ng ibang business para kumita. kahapon muntik na akong lagnatin dahil nagpaulan ako. buti na lang naagapan ng gamot. inaantay ko ngayon ang open beta launch ng piratekingonline.com - bagong mmorpg na naman na parang trickster. wala lang. since im a one piece fan. i would like to give it a try.

OT na naman ako whole sunday. oh may gad. suicide na ata itong gagawin ko. then sunday night regular work. 24 hours. kakayanin ko kaya? kelangang bumawi sa sabado. matulog nang buong araw. pero imposible manonood pa ako ng inu-yasha. then hindi na naman ako makakatulog kasi maingay at mainit sa amin. yung perang pang allowance ko pinahiram ko pa kay mama. hay naku. wala na talagang nangyayari sa buhay ko. hindi na ako nakaipon ng pera. may gusto kang bilin hindi mo magawa. ewan ko. si ryan (ex-officemate) me work na pala at niyaya nya si chun-yang (kasama ko sa night shift.. iyon lang tawag namin sa kanya, pero hindi naman nya kamukha), may exam sya ngayon; paguwi nito sa kanila tiyak bagsak agad sa sofa. susubukan ko na ring mag apply doon.

hindi na kasi ako nag-eenjoy dito sa ginagawa ko, monotonous.. nakakasawa na ang work dito; siguro hindi ito ang trabaho na nababagay sa akin. gusto ko kasi yung nag eenjoy ako sa work para ibigay ko ang 120% ng aking lakas at dedikasyon. sa ngayon hindi ko pa sya nakikita. ewan ko. kung mag aabroad ba ako. si ate lea (ex-officemate sa unang job ko) inaantay ko para may kasabay naman ako kahit papano. baka kasi mawala ako.. hehe. pasensya na kung halo halo ang blog entry ko. sinusulat ko lang kasi kung anu ang pumasok sa isipan ko ngayon.. napakatahimik dito sa office. parang sementeryo na nga eh. mistulang mga patay mga buhay dito. isa na ako roon. wala kasing music. hehe. amf. kasi naka Linux kami at naka disable ang media. ayoko naman gumamit ng mp3 player or cd-man, gusto ko kasi streaming music from the net.

hay buhay. ganyan talaga. pag ganitong marami akong iniisip na probelma. naaalala ko lang mga ka-barkada ko nung kolehiyo. wala lang. masaya sila kasama. nakakalimutan mo ang pagod at problema. puro tawanan at biruan. na mi-miss ko tuloy sila. almost a year na rin na hindi ko nakikita ang iba sa amin. yung isa nasa US daw. iyon naman 4 years ko nang nde nakikita. ano na kata itsura nya. mataba na siguro. panay kain daw. iyon ang balita. gagawa ka ng reunion wala namang pupunta. puro "drawing" lang ang nangyayari. sa susunod na lang ulit..



tag: , ,

Coup d'etat

4 Reaction(s)
The army commander Gen Sonthi Boonyarataglin staged a coup d'etat Tuesday evening (Thailand time) and ousted the government of Prime Minister Thaksin Shinawatra. The coup, which is Thailand's first in fifteen years, followed a lengthy political crisis involving Thaksin and political opponents, occurring less than a month before elections were scheduled to be held, on October 15. The military junta cancelled the upcoming elections, abrogated the Constitution, dissolved Parliament, banned political protests, declared martial law, arrested Cabinet members, and blacked out all local and international news broadcasts in Thailand. No casualties have been reported.
-Bangkok Post, 19-20 September, 2006


hay buhay.. malamang kahit wala tayo sa Thailand eto pa rin ang laman ng mga balita. isa na namang coup d'etat ang nangyari, may news blackout sa mga foreign news network like BBC at CNN. nakita nyo na. kahit parliamentary pa ang gobyerno natin, hindi maiiwasan ang corruption kagaya ng sinasabi ng Sigaw ng Bayan. kasi as long as the ministers are "happy" eh confident ka sa position mo as prime minister. sige tuloy pa ang kurakot. sinasabi ko lang na "WALANG PROBLEMA ANG CURRENT SYSTEM OF GOVERNMENT NATIN, NASA NAGPAPATAKBO LANG.." kung may transparency, political will at walang corruption lang.. hindi maghihirap ang Pilipinas ng ganito, malamang nga eh baka mapabilang na tayo sa First World countries. ewan ko kelan mawawala ang "sakit" ng Pilipinas na yan. kelangan siguro "bloody revolution" para ma-cleanse ang government natin, alisin mga trapo at mga kamag-anak nila, palitan ng mga bago, yung iniisip muna ang Bayan bago ang sariling kapakanan, yung handang ipagtanggol ang mga tao at inaalala ang kanyang kapakanan. pag natuloy pa itong parliamentary na ito at sila pa rin ang nasa pwesto, HINDI MALAYO MANGYARI NA GANITO RIN ANG SASAPITIN ng mga uupo sa parliament, kung walang nakitang pagbabago ang taong-bayan.



tag: , , , ,

Buhay Border

10 Reaction(s)
tuwing darating na lang ang araw ng sweldo, iba't ibang emosyon nararanas ko. masaya dahil syempre pera yan eh, anu pa ba ang nagmo-motivate sa isang tao para mag trabaho kundi para kumita. then at the same time, buntong hininga naman kasi dadaan lang sa kamay mo ang pinaghirapan mo. daming gastos sa bahay. sa ngayon kasi ako lang nag may trabaho sa amin. si papa nag resign sa trabaho kasi maliit lang ang sweldo, balak nga nya mag abroad ulit; yung isa ko namang kapatid eh kakapasok lang din sa trabaho nya (contractual..), kaya ayun.. pasan ko ang daigdig.. sa totoo lang parang na ngang "border" ang tingin ko sa sarili ko sa amin. paano kasi pati yung mga pagkain sa tindahan kahit sa amin.. aba kelangan bilin ko pa. lupit talaga.. hehe! kakain, papasok, uuwi, matutulog at papasok ulit. typical routine ng isang border. nde na nga ako nakakaipon ng pera. me gusto akong bilin nde ko mabili. naasar talaga ako. pero anu magagawa ko. mas importante ang pamilya kesa sa ibang bagay.



tag: , , ,

Sign of the Times

10 Reaction(s)
just want to share yung forwarded message na ito, alam ko iba sa atin or tayo mismo makaka-relate dito.. sobrang bilis ng panahon, sobrang busy rin natin. hindi na natin namamalayan may mga nalagpasan na pala tayo or nakalimutan..





Gising, frend.

Tumatanda ka na, frend.

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay
hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?

Friend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.



tag: , , ,

Random Thoughts

11 Reaction(s)

"Love isn't how much you can get, but how much you can give; it's not giving up, but holding on. Not how you say "I Love You" but how you show that it's true.."






tag: , ,

Ganito kami noon..

5 Reaction(s)
hindi mahilig magkwento sina mama at papa kung ano ang buhay nila dati (mga 60-70's), nabubuksan lang ito kung pinapagalitan nya kami, hehe! pasaway kasi kaming magkakapatid lalo na ang 2 bata. syempre iba ang buhay dati kaysa ngayon. hindi naman mayaman ang angkan nilang dalawa. alam nyo naman ang buhay sa probinsya.. may lupa ka nga kapos naman sa pera! kaya ang iba eh napipilitan nga na pumunta sa Maynila.. na ang akala nila eh instant yaman agad pagdating mo.

pag may pinapabuhat si papa na mga timba sa amin at kami nagrereklamo, madalas nyang sabihin, "wala pa nga yan, kesa dati, kami nag iigip ng naka-paa lang - 5 kilometro mula sa amin.. kayo ilang lakad lang nagrereklamo na.." ibibida pa nya ang pag-aaral nila.. "wala nga kaming agahan pag papasok, namimitas na lang kami ng bayabas at sa kabilang baryo pa kami pumapasok.." kung sa pagkain naman, minsan ayaw kumain - pihikan.. "kami nga noon, bagoong lang kinakain naman at 2 lang kami kumakain sa isang araw.. namimili pa kayo ng pagkain.." si mama naman hindi naman ang kwe-kwento yan. buhay senyorita yan sa kanila, nung hindi pa sila nagpapakasal at may pagka rebelde daw. minsan maglalayas at pupunta sa maisan ng tiyahin nya, at isang buwan bago umuwi. iilan lang yan sa mga buhay buhay ng magulang namin noong unang panahon.. mahirap pero masaya, hindi naman sila nagsisisi ata sa mga ginawa nila noong kapanahunan nila..


tag: , , ,

Isang tula para sa iniirog..

10 Reaction(s)
nakita ko lang itong piece na ito sa notebook ng kapatid ko.. aba makata ata sya ngayon.. lagot ako nito pag nabasa nya itong ginawa nyang tula..


Sa aking anghel

Isang dalisay na umaga
ikaw ay aking nasilayan
banaag sa aking mga mata
ang tunay na kasiyahan

Dagli akong nabighani
sa ankin mong kagandahan
wari bang isang anghel
na nagmula sa kalangitan

Mat bumulong sa aking isipan
na ang anghel ay lapitan
subalit may pumipigil sa akin
isang emosyon na diko malaman

Ano ba ito? tanong ng puso ko
siguro may takot lang ako
takot na ang anghel ay di ako pansinin
at kalungkutan ang aking sapitin

Ganito ba talaga ang pakiramdam
'pag di mo maintindihan?
pag-ibig kaya o pag-hanga
hay.. di ko alam

Sana kung meron mang makakaalam
sa akin sana inyong ipaalam
o pag-ibig ba..
o sadyang paghanga lamang

Proud to be Pinoy

5 Reaction(s)
Why is the Filipino special?
Ed Lapiz

Filipinos are brown. Their color is at the center of human racial strains.

This point is not an attempt at racism, but just for many Filipinos to realize that our color should not be a source of or reason for an inferiority complex. While we pine for a fair complexion, white people are religiously tanning themselves, under the sun or artificial light, to approximate the Filipino complexion.

Filipinos are a touching people. We have lots of love and are not afraid to show it. We almost inevitably create human chains with our perennial akbay (putting an arm around another's shoulder), hawak (hold), yakap (embrace), himas (caressing stroke), kalabit (touching with the tip of the finger), kalong (sitting on someone else's lap), etc. We are always reaching out, always seeking interconnection. Filipinos are linguists. Put a Filipino in any city, any town around the world. Give him a few months or even weeks and he will speak the local language there. Filipinos are adept at learning and speaking languages. In fact, it is not uncommon for Filipinos to speak at least three: his own local dialect, Filipino, and English. Of course, a lot speak an added language, be it Chinese, Spanish or, if he works abroad, the language of his host country.

In addition, Tagalog is not 'sexist.' While many "conscious" and "enlightened" people of today are just by now striving to be "politically correct" with their language and, in the process, bend to absurd depths in coining "gender sensitive" words, Tagalog has, since time immemorial, evolved gender-neutral words like asawa (husband or wife), anak (son or daughter), magulang (father or mother), kapatid (brother or sister), biyenan (father-in-law or mother-in-law), manugang (son or daughter-in-law), bayani (hero or heroine), etc. Our languages and dialects are advanced and, indeed, sophisticated! It is no sm all wonder that Jose Rizal, the quintessential Filipino, spoke some twenty-two languages! Filipinos are groupists. We love human interaction and company. We always surround ourselves with people and we hover over them, too. According to Dr. Patricia Licuanan, a psychologist from Ateneo and Miriam College, an average Filipino would have and know at least 300 relatives.

At work, we live bayanihan (mutual help); at play, we want a kalaro (playmate) more than laruan (toy). At socials, our invitations are open and it is more common even for guests to invite and bring in other guests. In transit, we do not want to be separated from our group. So what do we do when there is no more space in a vehicle? Kalung-kalong! (Sitting on one another). No one would ever suggest splitting a group and wait for another vehicle with more space! Filipinos are weavers. One look at our baskets, mats, clothes, and other crafts will reveal the skill of the Filipino weaver and his inclination to weaving. This art is a metaphor of the Filipino trait. We are social weavers. We weave theirs into ours that we all become parts of one another. We place a lot of premium on pakikisama (getting along) and pakikipagkapwa (relating). Two of the worst labels, walang pakikipagkapwa (inability to relate), will be avoided by the Filipino at almost any cost.

We love to blend and harmonize with people, we like to include them in our "tribe," our "family"- and we like to be included in other people's families, too. Therefore we call our friend's mother nanay or mommy; we call a friend's sister ate (eldest sister), and so on. We even call strangers tia/tita (aunt) or tio/tito (uncle), tatang (grandfather), etc. So extensive is our social openness and interrelations that we have specific title for extended relations like hipag (sister-in-law's spouse), balae (child-in-law's parents), inaanak (godchild), ninong/ninang (godparents) kinakapatid (godparent's child), etc.

In addition, we have the profound 'ka' institution, loosely translated as "equal to the same kind" as in kasama (of the same company), kaisa (of the same cause), kapanalig (of the same belief), etc. In our social fiber, we treat other people as co-equals. Filipinos, because of their social "weaving" traditions, make for excellent team workers. Filipinos are adventurers. We have a tradition of separation. Our myths and legends speak of heroes and heroines who almost always get separated from their families and loved ones and are taken by circumstances to far-away lands where they find wealth or power.

Our Spanish colonial history is filled with separations caused by the reduccion (hamleting), and the forced migration to build towns, churches, fortresses or galleons. American occupation enlarged the space of Filipino wandering, including America, and there is documented evidence of Filipino presence in America as far back as 1587. Now, Filipinos compose the world's largest population of overseas workers, populating and sometimes "threshing" major capitals, minor towns and even remote villages around the world. Filipino adventurism has made us today's citizens of the world, bringing the bagoong (salty shrimp paste), pansit (sautéed noodles), siopao (meat-filled dough), kare-kare (peanut-flavored dish), dinuguan (innards cooked in pork blood), balut (unhatched duck egg), and adobo (meat vi naigrette), including the tabo (ladle) and tsinelas (slippers) all over the world.

Filipinos are excellent at adjustments and improvisation, managing to recreate their home, or to feel at home anywhere. Filipinos have Pakiramdam (deep feeling/discernment) . We know how to feel what others feel, sometimes even anticipate what they will feel. Being manhid (dense) is one of the worst labels anyone could get and will therefore, avoid at all cost. We know when a guest is hungry though the insistence on being full is assured. We can tell if people are lovers even if they are miles apart. We know if a person is offended though he may purposely smile. We know becau se we feel. In our pakikipagkapwa (relating), we get not only to wear another man's shoe but also his heart. We have a superbly developed and honored gift of discernment, making us excellent leaders, counselors, and go-betweens.

Filipinos are very spiritual. We are transcendent. We transcend the physical world, see the unseen and hear the unheard. We have a deep sense of kaba (premonition) and kutob (hunch). A Filipino wife will instinctively feel her husband or child is going astray, whether or not telltale signs present themselves. Filipino spirituality makes him invoke divine presence or intervention at nearly every bend of his journey. Rightly or wrongly, Filipinos are almost always acknowledging, invoking or driving away spirits into and from their lives. Seemingly trivial or even incoherent events can take on spiritual significance and will be given such space or consideration. The Filipino has a sophisticated, developed pakiramdam. The Filipino, though becoming more and more modern (hence, materialistic) is still very spiritual in essence. This inherent and deep spirituality makes the Filipino, once correctly Christianized, a major exponent of the faith.

Filipinos are timeless. Despite the nearly half-a-millennium encroachment of the western clock into our lives, Filipinos-unless on very formal or official functions-still measure time not with hours and minutes but with feeling. This style is ingrained deep in our psyche. Our time is diffused, not framed. Our appointments are defined by umaga (morning), tanghali (noon ), hapon (afternoon), or gabi (evening). Our most exact time reference is probably katanghaliang-tapat (high noon), which still allows many minutes of leeway. That is how Filipino trysts and occasions are timed: there is really no definite time. A Filipino event has no clear-cut beginning nor ending. We have a fiesta , but there is visperas (eve), a day after the fiesta is still considered a good time to visit. The Filipino Christmas is not confined to December 25th; it somehow begins months before December and extends up to the first days of January.

Filipinos say good-bye to guests first at the head of the stairs, then down to the descanso (landing), to the entresuelo (mezzanine), to the pintuan (doorway), to the trangkahan (gate), and if the departing persons are to take public transportation, up to the bus stop or bus station. In a way, other people's tardiness and extended stays can really be annoying, but this peculiarity is the same charm of Filipinos who, being governed by timelessness, can show how to find more time to be nice, kind, and accommodating than his prompt and exact brothers elsewhere. Filipinos are Spaceless. As in the concept of time, the Filipino concept of space is not numerical. We will not usually express expanse of space with miles or kilometers but with feelings in how we say malayo (far)or malapit (near).

Alongside with numberlessness, Filipino space is also boundless. Indigenous culture did not divide land into private lots but kept it open for all to partake of its abundance. The Filipino has avidly remained "spaceless" in many ways. The interior of the bahay-kubo (hut) can easily become receiving room, sleeping room, kitchen, dining room, chapel, wake parlor, etc. Depending on the time of the day or the needs of the moment. The same is true with the bahay na bato (stone house). Space just flows into the next space that the divisions between the sala, caida, comedor, or vilada may only be faintly suggested by overhead arches of filigree. In much the same way, Filipino concept of space can be so diffused that one 's party may creep into and actually expropriate the street! A family business like a sari-sari store or talyer may extend to the sidewalk and street. Provincial folks dry palayan (rice grain) on the highways! Religious groups of various persuasions habitually and matter-of-factly commandeer streets for processions and parades.

It is not uncommon to close a street to accommodate private functions, Filipinos eat. sleep, chat, socialize, quarrel, even urinate, or nearly everywhere or just anywhere! "Spacelessness," in the face of modern, especially urban life, can be unlawful and may really be counter-productive. On the other hand, Filipino spacelessness, when viewed from his context, is just another manifestation of his spiritually and communal values. Adapted well to today's context, which may mean unstoppable urbanization, Filipino spacelessness may even be the answer and counter balance to humanity's greed, selfishness and isolation.

So what makes the Filipino special? Brown, spiritual, timeless, spaceless, linguists, groupists, weavers, adventurers; seldom do all these profound qualities find personification in a people. Filipinos should allow - and should be allowed to contribute their special traits to the world-wide community of men- but first, they should know and like themselves.


Ed's fascination with Filipino culture spans more than 3 decades of study, research and staging of cultural productions in the Philippines , Middle East, Europe and America . He holds a degree in Philippine Arts from the University of the Philippines and is presently pursing a Master's degree in Philippine Studies. He founded KALOOB, an ensemble of musicians, dancers, researchers and enthusiasts committed to study, redeem and promote Philippine music and dance for Christian worship. Currently, Ed Lapiz serves as the pastor of Makati Day By Day Christian Fellowship, director of the Day By Day Ministries and hosts "Day By Day" daily radio programs aired over DWBL and "Kumusta Po, Kabayan?"


tag: , , , , ,

Back again

2 Reaction(s)
naku masama ito. nagiging internet addict na ata ako, isang araw pa lang na hindi ako nakakapag net parang naglalaway na ako. jowk. dapat kasi kagabi, me work na ako. kaso inaayos pa ang connection sa office. sayang din ang isang araw na iyon. amp talaga. wala namang magawa sa haus kaya pumunta na lang ako sa computer shop ulet ng ka-berks ko. wala lang. update lang sa mga browser games na nilalaro ko.

kagabi pala yung special documentary ni Maria Ressa titled 9/11: The Philippine Connection. alam naman natin na isang terrorist expert itong si Madam Ressa, CNN: Jakarta bureau chief ata siya dati at may author ng book na Seeds of Terror. Maganda ang program, hindi ko na sasabihin pa ang mga detalye; pinapakita lang talaga nya na totoo ang banta ng terorismo sa mundo at kelangang puksain ang "ideolohiya" na iyan baka pa makapaminsala nang malaki sa buhay ng mga tao sa bawat bansa. pero teka anu ba nangyari sa aso at bigla na lang namatay. hindi ko naman nakitang nilason o nasa parang gas chamber ba sya?

Kung marami sanang ganyang palabas ang Dos eh di ok sana, nde yung tambak na lang ng entertainment shows na nakakautaw na ng utak; na wala ka naman talagang napapala sa mga iyan. i don't care sa mga violent reactions nyo pero mas ok kung 70/30 ang ratio ng current affairs programs against entertainment shows para lalong matuto ang mga tao sa mga nangyayari sa paligid nya. hindi yung puro kantahan, pa cute, loveteams ang other bull%&$3 na napapanood sa free TV ngayon, wala naman akong magagawa. "company prerogative" yan, at dyan sila kumikita ng malaki.

hindi ako nakapag update ng blogs for the past 2 days.. me bagong batch na naman ng google search keywords ang naipon ko..
  • saan mahahanap ang sierra madre
  • english subbed anime clubbox
  • hindi web side
  • ano ba ang love
  • pakantot .com
  • Rhotacism
  • barako stories bilog ang mundo III

She says..

"Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!""
-Ang puno't dulo ng pag-ibig ni Kenneth, Idiosyncrasies of an impervious mind

He says..
After being down for a period of time, things are finally picking up.. Getting the happiness i once had.. Though there ain't anyone to share it with somehow thru the process of being treated like a toy, i have this shield that makes it difficult to penetrate into it. It was like suicidal but healing the wounds and picking myself up was tough.. I am up but my wounds are still healing. The kid in me that everyone used to know is trying to make a come back.. Same devil, same crap, same level of cheekiness..
--
feel the rain in your skin no one else can feel it for you only you can let it no one else, no one else can speak the words on your lips drench your self in words unspoken live your life with arms wide open TODAY IS WHERE YOUR BOOK BEGINS THE REST IS STILL UNWRITTEN...
-After Being Down, Kenneth (not related to the above quote)


tag: , , , , , , , , , , , , ,

What a Bad Day

3 Reaction(s)
habang sinusulat ko ang blog entry na ito eh nagpapatuyo pa ako ng pantalon at sapatos.. amp na buhay talaga yan oh.. maaga akong pumasok para sa overtime work ko kaninang mga 6.30pm, nakita ko nga si Yus at sinabi nyang aayusin daw ang net connection sa office (paputol putol kasi ang connection ng Internet sa office.. mga isang linggo na). akala naman namin eh sandali lang iyon at magaantay lang kami ng mga isang oras. Iyon pala eh 24 hours pa daw ang titingnan nila. huwat! bweset! up to 7.00am pa naman OT ko sana.. tumawag boss namin at sinabing umuwi na lang daw kami dahil medyo matatagalan pa nga daw. sayang lang talaga ang ipanasok ko, ang pamasahe ko at ang effort na pumunta kahit araw ng pahinga.

then nung nasa Megamall na kami ng ka office mate ko para umuwi tumawag naman si Yus, unli ako kaya nagtext pa ako kung sino may extra load.. iyon pala eh gustong pabantayan sa amin ang office pero biglang nagbago ng isip at huwag na lang daw. naaasar na talaga ako, akala ko p naman pababalikin kami at ayos na. then dumating ang malakas na ulan. kung saan eh anung oras na ako nakasakay. mga 8.30pm na iyon, then NAPAKABAGAL ng usad ng mga sasakyan sa EDSA.. lagi na lang tuwing umuulan.. biro mo mga 10.30pm na ako nakarating sa may Litex.. at pagdating naman doon, WALA RING SASAKYAN.. kaya nag-antay ulit, mga 11.15pm na ako nakasakay ng jeep. basa talaga ang pantalon at sapatos ko. yung sa pantalon. amp talaga yung katabi ko sa bus. basa pala at dumikit pa sa akin. minabuti ko na lang na mag net na lang dito sa computer shop ng ka-berks ko at magpapaumaga na lang sa pag-uwi mamaya. sa susunod talaga, hindi na ako mag OT kapag may problema sa office..

Things you never knew..

6 Reaction(s)


Your mobile phone can actually be a life saver or an emergency tool for survival. Check out the things that you can do with it:




The Emergency Number worldwide for Mobile is 112. If you find yourself out of coverage area of your mobile network and there is an emergency, dial 112 and the mobile will search any existing network to establish the emergency number for you, and interestingly this number 112 can be dialed even if the keypad is locked.

Have you locked your keys in the car? Does you car have remote keys? This may come in handy someday. Good reason to own a cell phone: If you lock your keys in the car and the spare keys are at home, call someone at home on their cell phone from your cell phone. Hold your cell phone about a foot from your car door and have the person at your home press the unlock button, holding it near the mobile phone on their end. Your car will unlock. Saves someone from having to drive your keys to you. Distance is no object. You could be hundreds of miles away, and if you can reach someone who has the other "remote" for your car, you can unlock the doors (or the trunk).

Hidden Battery power. Imagine your cell battery is very low, you are expecting an important call and you don't have a charger. Nokia instrument comes with a reserve battery. To activate, press the keys *3370#. Your cell will restart with this reserve and the instrument will show a 50% increase in battery. This reserve will get charged when you charge your cell next time.

How to disable a STOLEN mobile phone? To check your Mobile phone's serial number, key in the following digits on your phone: *#06#. A 15 digit code will appear on the screen. This number is unique to your handset. Write it down and keep it somewhere safe. when your phone get stolen, you can phone your service provider and give them this code. They will then be able to block your handset so even if the thief changes the SIM card, your phone will be totally useless. You probably won't get your phone back, but at least you know that whoever stole it can't use/sell it either. If everybody does this, there would be no point in people stealing mobile phones.


tag: , , ,