maaga..

hello. kumusta. kahapon maaga akong nakauwi dahil makulimlim na naman ang kalangitan. buti nlang at nakasakay ako ng bus bago umulan (ambon lang naabutan ko bandang Cubao). pagkauwi ko tyempo naman na TV Patrol na agad kaya nanood nlang muna ako bago magbihis. nde na ako kumain dahil nakatulog din ako ng mga 9.30pm. sobra naman si Kris dun sa Deal or No Deal pinaalis sa studio yung pinsan ng contestant. may sinabi lang na hindi gaano maganda, gumanti na. kahit minor issue lang ito. paguusapan na naman sa kabilang network ito.

6 Reaction(s) :: maaga..

  1. sayang dko napanuod ung pinalabas na ung pinsan sa Deal or No deal. ansarap2 kxe ng tulog ko hahah.. nakita ko nalang kinoclose up ung mukha nung pinsan nia tapos naririnig ko ung mga tao sa bahay tumatawa sabay ung iba sabi kawawa naman... ahayy

  2. Yun ba yung sinabi niyang "lahat ay naririnig ni banker"?

    Ano ba ang isyu? wasn't able to watch kasi we were watching scary movie 4 vcd eh.

  3. Hindi nakita ng buo to pero nakita ko ngang nasa labas ung pinsan yta nung contestant =p Parang sinabi yata nung lalake na "sinira ni kris yung diskarte." =p wawa nmn

  4. sana si kris na lang ang pinaalis!

  5. hehe. di ko napanood ung incident. pero naikwento sakin ng kapatid ko. haha. may microphone(lapell?) kasi na nakaattach sa mga kasama nung contestant.

  6. hehe. tapos na ang issue na ito!