Last week (Dec. 15) may xmas at anniversary party ang dating company ko. Inimbitahan pa rin nila ako at iyon kasi ang last day ko sa kanila. Sa may Discovery suites ginanap at around 10am in the morning. Bago kami pumunta dun eh nag practice muna kami ng number namin kahit papano; kakaiba nga eh kasi lahat ng DES staff eh nag participate unlike sa ibang department. Nasa pinaka top floor ang party. amp! ang tagal tagal ng elevator haha. As usual meron exchange gift, department presentation at pa raffle pa, sayang hindi ko nakuha yung electric fan (candy pa napunta sa akin swerte talaga!)
Sa loob ng 2 years na pag-stay ko sa company marami rin akong nakilalang mga bagong friends. Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa andyan sila. Hindi ako nakapag prepare ng speech (amp!). I just want to thank those people who really help me become what I am today (ano daw?)
Yus - naalala ko pa nung unang taon hati pa tayo sa ulam noon (sobrang tipid kasi!) good luck na lang sa kasal mo next month!
Miko - certified "Halers", adek na adek sa pagpapa-picture. Daming raket nito. Hindi ko pa nakita na nagalit ito.
Joel - si owel ng mukamo. Isa sa mga "pabling" at hawig daw ni Carlo Aquino sabi ni Chat. Dapat technical support na lang apply mo.
Lala - salamat sa mga advice na binibigay mo sa akin. Think positive always and success is the only option ika mo nga. Good luck sa business mo!
Roger - thanks sa frenship at pagiging totoo mo lagi. Wag mo na lang pansinin ang mga detractors mo. Mahalaga wala kang ginagawang at iniisip na masama sa ibang tao.
Ireen aka Chun-Yang - hanga ako sa babaeng ito. Malakas ang loob at palaban talaga. Sinasakyan lang nya mga biro sa kanya at hindi napipikon. Masarap kausap kasi open talaga sya kahit kanino. One of the boys nga tawag sa kanya (pero nde siya tibo!) Mas palagay lang sya kasama mga guys kesa girls. Thanks sa tawanan at biruan; kahit ayaw mong pa picture kasama ako.
Tina - isa sa mga kasabayan ko ito sa company, night shift pa kami that time. Isa sa mga pinaka matiyaga sa company at maparaan talaga, hindi nya titigilan hanggat hindi naayos ang problema kaya naman deserving syang maging Manager namin. Kagaya ni Miko hindi ko pa ito nakitang magalit man lang or nag reklamo sa trabaho; (kaya naman sinasamantala ng iba!). Good luck na lang sa iyong pag migrate sa Austria next year. Sana ihanap mo ako ng work dyan. hehe!
Mam Irene at Sir Gene - thanks sa pagtanggap sa akin sa loob ng 2 years. Nung mga time na wala pa akong work at nagaantay ng tawag. Sa mga advice na binibigay nyo at mga comments either good or bad.
Mami-miss ko kayong lahat. Pero ang lapit lang naman nang nilipatan ko kaya magkikita pa naman rin tayo. Ilang lakad lang andyan na ulit ako. (dramatic entry na naman ito!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ay sus! ang drama naman nito! wanna join us in job hunting?
Unknown
January 9, 2007 at 5:49 PMwahaha! drama!
Jinjiruks
July 23, 2010 at 2:24 AM