Jin's Longest Week
Finally day off ko na sa company. Sana nga lang wag 2 days na sunod; kahit man lang may interval na 2 days. Isa talaga sa mga problema sa office eh sobrang init talaga. Hindi kaya ng AC kasi ang daming PC na nakabukas at yung singaw na init, hindi makalabas. Kaya ang resulta lutong-luto kami sa area lalo na sa "equator" (sa gitnang part kung saan eh concentrated ang init). Everyday na lang pinapawisan ka, imbes na suotin ang jacket eh ginagawang pamunas tuloy. (hindi naman ako nagdadala eh!). Pero sabi ni Boss Eric lalagyan nya ng additional AC para lumamig na at maging Alaska daw hehe! Nakaka-drain talaga ang work dito 10 hours of work at 2 hour break. Buti na lang at hindi ako nagkakasakit kahit init at lamig nararamdaman ko. Bago na ang system nila, na segregate na kami into groups. Kaming mga "newbie" sa low level accounts lang para daw ma master na namin ang level na iyon, ladderize sya; umaakyat ka habang master mo na ang levels na iyon. Maganda ang setup na ito, dati kasi dual accounts pa kami at mahirap talaga magpa-level. Hindi ko alam anung character ang uunahin ko. Pero sana mag improved pa ang company, tutal nagsisimula palang naman sila ulit. There is always room for improvements. Sige iyon na muna at pahinga muna ako. Bawiin ko mga araw na drain na drain talaga ako at pulang pula na ang mata kakaharap sa monitor. Teehee!
by
Jinjiruks
December 21, 2006
1:28 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
squidball kaw na ngayon si curacho ang lalakeng walang pahinga. hoy magpahinga ka naman.
Anonymous
December 22, 2006 at 12:49 PMoo nga po eh!
Jinjiruks
July 23, 2010 at 2:20 AM