Kumusta na ulit. Isa na namang mainit na linggo ang dumaan sa opis. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nilalagay ang AC sa loob ng opis, kulang na kulang talaga; napaka-init pa, everyday na lang lagi kang pawis. Kahapon nga eh pumutok na ang isang CPU na katabi ko. Iniisip ko bilang na ang araw ng mga CPU dito. Paano ba naman 24/7 nakabukas. Kahit man lang sana everyday bigyan ng 2 hours na pahinga mga PC dito or 1 day break. Hindi naman ako magsasalita kung ganun kainit sa loob. Kulang na lang mag sando ako or mag topless dun para lumamig ng kaunti. Sa totoo lang marami nang nag resign dahil hindi nakayanan ang init. Kung pang-gabi naiiniitan kami pa kaya sa umaga lalo na't pagdating ng tanghali. Kaya tuloy hindi makapag concentrate sa work ang focus mo sa init hindi sa ginagawa mo. Wala lang.. rant ko lang! Sana may makarinig ng reklamo na ito.
Kahapon pang nawawala ang 2 naming pusa, tuwing pagdating ko sa bahay sinasalubong nila agad ako para manghingi ng pagkain, na mimiss ko na ang meow nila.. ganun siguro pag matanda na ang mga pusa at malapit nang mamatay.. umaalis nalang bigla kagaya ng pusa naming si Makaw.. hindi ko alam bakit ganun ang behavior nila.. pinilit kong hanapin sila kagabi.. sumisigaw na ako kakatawag.. wala pa ring lumalapit. Ang naiwan lang sa bahay eh yung 2 kuting na anak ng isa. Saan kaya pumupunta ang mga pusang ito? Nagpapasagasa sa kalsada? O may sariling silang "club" sa mga oldies na pusa?
P.S.
24 years na akong hindi nakakatanggap ng regalo. Nasa probinsya kasi ninong at ninang ko. Paguwi ko kaya.. bahay at lupa na ang ibigay sa akin? Kaya hindi pa huli at lahat regaluhan nyo ako hanggang New Year. haha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ano sabi ng management niyo tungkol sa work environment niyo?
dapat aksiyunan nila yan
kasi sila rin mawawalan.
mahirap magconcentrate kapag ganun.
sa pusa.
ewan ko.
hindi kasi ako pusa lover.
:)
naiingayan ako sila lalo na kapag madaling araw na nag-mate sila.
asar.
:)
Anonymous
December 26, 2006 at 12:25 PMganun na nga super xienah. ang hirap magtrabaho sa mainit na workplace. hindi magiging productive.
Jinjiruks
December 26, 2006 at 9:17 PM