Sign of the Times

just want to share yung forwarded message na ito, alam ko iba sa atin or tayo mismo makaka-relate dito.. sobrang bilis ng panahon, sobrang busy rin natin. hindi na natin namamalayan may mga nalagpasan na pala tayo or nakalimutan..





Gising, frend.

Tumatanda ka na, frend.

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay
hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?

Friend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.



tag: , , ,

10 Reaction(s) :: Sign of the Times

  1. nagbago ang mundo dahil nagbago ang tao. it's a sad truth.

    i admire people who can still manage to live without a cellphone.

  2. yes, it's true... pero wala na tayong magagawa sa tulad nila... sila na lang ang bahalang marealize ang mga pagbabago...

    habang tumatagal talaga, nagiging maluho na ang tao... ewan ko ba... lahat nagpupunta sa gym, spa, facial centers...

    kapag kumakain sa labas, dun na rin sa mga mamahaling resto... tapos pag iinom lang, sa may starbucks, seattle's best, figaro, atbp....

    tapos bilihan ng mp3/mp4 players, ipod, at kung ano-ano pang mga gadgets...

    karamihan dito hindi naman necessary eh, luho na lang talaga... ewan ko...
    di ko na tlaga maintindihan ang mundong ito... ang dami ng pagbabago...

    pero di ko sila masisisi, yun ang gusto nila... hehehe...

    "Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God's will is—his good, pleasing and perfect will." (Romans 12:2)

  3. ganito na lang...

    other na lang yung piliin mong identity... tapos itype mo na lang yung name mo at URl ...

  4. wow.. nice post.. pagbabago lang talaga ang permanente sa mundo :(

  5. tito, nabasa ko na rin yan. two years ago na yata. natutuwa ako jan kasi marami ako natutunan especially how to strengthen and value friendship. tito, after the busy days, i am free again. Alas! haha. it's time to celebrate.

    but same as the old quote, "there's nothing permanent in this world except change" we all do change. unconciously. not noticing. but let us make sure sana that we're on the right tract. hehe. un lang.

    http://ja-mezz.blogspot.com

  6. wah.. napakatotoo.. yan.. nabuksn tuloy ang utak ko.. parang ako un ah.. hmf..

    masaya na ako sa isang plato ng panct canton.. wah...

    sana hindi ako maging katulad ng binanggit mo.. haay..

    wah!!!

  7. whew! natakot tuloy ako na somehow, in the future, magiging ganyan ang buhay ko.

    i don't want to lose my friends. lalo na yung mga kaibigan ko ngayon. pero, sa takbo ng buhay, darating ang panahon na talagang mag-iiba na kayo ng landas.

    omg.

    link ex?

  8. I'd like to share a revelation that I've had during my time here. It came to me when I tried to classify your species. I realized that you're not actually mammals. Every mammal on this planet instinctively develops a natural equilibrium with the surrounding environment, but you humans do not. You move to an area, and you multiply, and multiply, until every natural resource is consumed. The only way you can survive is to spread to another area. There is another organism on this planet that follows the same pattern. A virus. Human beings are a disease, a cancer of this planet, you are a plague..
    -Agent Smith, The Matrix

  9. Gustung-gusto ko itong post mo na ito.

    It is indeed very true, people change when the thickness of their wallets change as well. Ayaw man nating aminin, pero pera na talaga ang nagpapaikot sa buhay ng isang tao.

    Inaamin ko rin iyon sa sarili ko..

  10. Ganda =) Pero ndi naman cguro tau alipin. What's money for? Totoong masama ang sobra pero masama din ang kulang. Kumbaga, para mong pinilit ang sarili mong maging vegetarian. Naging mahaba nga ang buhay mo pero kahit kelan ndi mo naman na-enjoy ang kumain... =(