Nung Friday pagkasakay ko sa bus, pagdating sa Cubao may nakatabi akong magkaklase na napaka-daldal talaga.. ayoko pa naman ng maingay. Kahit sino na lang pinapansin nila, "tingnan mo iyong lalaking iyon, pa Penshoppe pang plastic bag eh ang baho naman ng kili-kili", sabi ng isa. Hindi ko na lang pinansin kasi baka nga.. haha.. then, nagkwento naman sa pinagaralan nila, "sa whole budget ng gobyerno 40% napupunta sa local, tapos hahatiin pa iyon sa 4, 20% sa baranggay, 25% sa munisipyo at probinsya at 30% sa lungsod" at least me natutunan ako kahit papano, malamang sa accountancy related ito. Maya maya pa "tingnan mo yung babae oh, siksik na. nabahuan pa ata sa katabi.." wala lang.. honga tama sila, pintas nang pintas ang dalawang ito, samantalang mas kadiri pa nga sila. Kasi habang kumakain sila ng Boy Bawang na cheese flavor, hindi man lang sinusupsop ang cheese sa kamay at basa pa ng laway nila, parang mga elementary. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag pinahid pa nila sa damit ko yang nasa kamay nila. Baka magka-rambol sa bus. hehe!tag: September, anniversary, bus
LOL! Kawawa ka naman and you had to endure that kind of torture!I hate people like that!
Goodluck sa present and possibly future job mo. Sana everything works out. :)
Jigs
September 3, 2006 at 12:33 AMwaa.. jigs nde ko ata na gets ang sinasabi mong endure na yan? o.0
Jinjiruks
September 3, 2006 at 12:45 AM