Mt. Balagbag dayhike

2 Reaction(s)
Sunday morning gaya ng napagkasunduan last Friday, nagkita kami ni Sir Aldrin of Sabit-sabit mountaineers and co-Pex running club member para sa dayhike at Mt. Balagbag, supposedly na naman sa Gulugod Baboy ako, pero inisip ko na dito na lang para mas malapit dito sa amin sa Rodriguez, Rizal. Medyo natanghali nga ng gising at nakakahiya kay Aldrin na nag-aantay sa may Jollibee Tungko. Though sa Montalban ang mountain eh thru Tungko ang daanan niya, hindi ako familiar kung merong Licao-licao na dumadaan mula sa San Jose.

started the hike at around 7am, sumakay muna sa jeep going to Licao-licao sa likod ng BDO Bank, fare si 27 pesos, buti nalang at puno na ang jeep at paalis na siya kaya hindi kami nag-antay pa ng matagal

path at the base of the Balagbag

am not sure if this is Kaytitinga or Otso otso falls na sinasabi nila

flora ecology

teh Cross

gearing for the summit

was able to conquer Mt. Balagbag, my 10th mountain!

summit going down

thanks po ulit kina Sir Aldrin and Al sa pagsama sa akin sa pag-akyat sa Balagbag, happy ako kasi bagong set of trekkers na naman ang nakasama ko and hopefully more climbs with them.

Teh Road to Camp Sinai

0 Reaction(s)
Undecided that time kung tuloy ko ba ang hike to Gulugod Baboy since hindi available mga contacts ko para samahan ako, nagdadalawang-isip kung mag solo ba, baka kasi masayang ang oras at kung ano pa ang mangyari sa akin. So it's been decided na since papalapit na ang Merrell Adventure run na gaganapin sa Mt. Sinai sa Pintong Bukawe, San Mateo na kapitbahay lang namin. Nagbakasali ako na kung pwede ba si Thomas, pero hindi at kasama siya nila Onik papuntang Tanay kaya naman hiningi ko nalang ang number ni Jane at tinanong siya kung makakasama ba siya sa rivertrekking all the way to Sinai.

Nag-textback naman si Jane at napagusapan na magkikita kami sa MiniStop sa San Rafael bandang mga 6.30am, kulimlim pa ang panahon at ang dilim na nagbabadya ng ulan, sinabi ko sa sarili ko sana naman ay hindi matuloy ang pag-ulan. Nakarating kami sa Wawa Area bandang 7am na rin. Medyo tumaas nga ang tubig buhay ng paguulan nung nakaraang araw pero tumuloy parin kami at umaasa na hindi naman siguro ganun kataas na kakayanin. Salamat nalang at meron kaming nakasabay na papunta rin sa dadaanan namin, kung hindi eh mangangapa talaga kami sa mga dadaanan.

Medyo mataas nga ang kundisyon ng ilog at medyo nahirapan kami ni Jane, ang galing galing namin at ang suot pa namin eh hindi pambasa at extra shirt lang ang dala, sobrang kampante. Kaya ayun, talagang literal na basa kami habang tinatahak ang ilog, balak muna namin magpunta ng Istampang Bato para hindi ko na siya balikan at nabitin lang ako nung hindi kami tumuloy nila Angelo noong nakaraang nagpunta kami sa Sitio Casili.

hindi naman halata na basa kami sa simula palang

aming guide na nakasalubong lang, sorry hindi namin nakuha ang pangalan niya pero ang laki ng tulong niya sa pagtawid namin sa ilog, sa parteng iyan, sa lakas ng agos at lalim eh hanggang tiyan ko siya at dibdib naman ni Jane

hindi na nga namin maalala kung ilang river crossing na ang nagawa namin

matapos ang ilang tawiran at buwis buhay na pakikipagsapalaran sa ilog, nakarating rin kami sa sinasabi nila na Istampang Bato, medyo nganga lang kasi hindi namin akalain na ito lamang pala ang bato na sinasabi nila, akala ko pa naman parang mala dambana ang laki niya at merong mga imahen, oh well!

matapos kaming ihatid eh kailangan na namin bumalik sa Pintong Bukawe, akala namin eh  makakahanap na kami ng balsa kung saan ay sasakay nalang kami at ayaw na namin maulit ang pagtawid sa ilog, sa kasamaang palad eh wala doon ang inaasahang mga bankero kaya napilitan si Boy na ihatid nalang kami, medyo hindi sapat ang taas ng tubig at sumadsad kami sa ilang batuhan, sayang at hindi ko nahuli sa camera ang paglalakbay namin na parang nag river rafting na rin dahil sa mga rapids na nadaanan namin at sa pangamba na baka tumaob kami

nakarating rin kami sa bukana ng Pintong Bukawe, me mga nakasabay kaming motocross riders and bikers along the way

oh ha, parang sa pelikula lang, sana yung buong kahabaan eh ganito nalang palagi

matapos ang ilang kilometro na lakaran sa initan ng araw at pagtatanong sa mga tao na hindi naman alam o tukoy ang sinasabi namin na lugar, naabot rin namin ang bukana ng Mt. Sinai, pero mas kilala kasi siya na Pintong Bukawe peak or Dela Costa ata ayon sa aking pagkakatanda

kala namin Mount pero bakit Camp ang nakalagay dito

tanaw mula sa Camp ang waste water treatment plant na ito, katabi niya ang San Mateo landfill na hindi ko na sinama sa mga kukuhanan dahil naalala ko lang ang Mordor sa LOTR na parang desolated area lang

ang katakam takam na Sayote Pie na binebenta sa taas ng isang pamilya may-ari ng kainan

sa wakas at naabot rin namin ang tuktok ng Camp Sinai, at narito ang pinakamalaking tablet (Ipad, lol) ng Ten Commandments sa buong mundo (kelangan i verify ito)

katabi rin ng Sinai ang Protected Area kung saan DENR ang nangangasiwa

ang tagapagbantay ng kalikasan sa lugar na ito, nagkaroon rin kami ng mahabang usapan at kwentuhan ni Manong at syempre sinasariwa ang alaala ng kahapon kung saan magandang lugar pa ang Montalban na kung ano nang pagbabago ang mga nangyari ngayon

ang kabuuang 14km na tinahak namin ni Jane mula sa baba ng Wawa hanggang sa tuktok ng Camp Sinai kung saan eh umikot pa kami hanggang Cogeo dahil wala namang sasakyan pabalik kung saan kami nanggaling at medyo masakit na rin ang aming mga paa, kaya no choice eh kelangan bumalik at sumakay ulit ng pa Montalban mula sa Antipolo, muli akong nagpapasalamat kay Jane sa pagsama sa akin sa rivertrekking at buwis buhay na pakikipagsapalaran, hayaan mo at kelangan kasama kana sa mga susunod pang mga akyat at adventures

Why Do I Climb?

2 Reaction(s)

Do I climb for vanity purposes? I think I do. It gratifies me every time people hit the like button or post their comments in my freshly uploaded photos at Facebook  Who would not want an affirmation? That's human nature I guess. Do I treat it as a sport? I think I do. The thrill in this activity made me go beyond my limits. I have done the highest in the country, yet I still can't get enough. Neither the highest nor the most difficult would define the finish line. Do I see climbing as competition, a race? I think I do. I've been climbing mountains almost every week, in fact I've done 36 mountains in just a year and a month, as if I would ran out of summits. Stopping is not an option, well perhaps, not until I surpassed the best. Do I climb because of the people I am with? I think I do, definitely. Taking the trails and reaching the summit all by myself can sometimes be enjoyable. But more often than not, climbing with a team, my circle of friends, is what I enjoy the most.

..

My tales, though not as good, not as exciting, not as colorful and not an epic to begin with, are still worth telling. You will see in these stories my humble beginnings, the people who shaped me, the first time I slept on a tent, the first time I cooked my food, the first time I ran out of water, the first time I saw nature at its finest, those and all the other firsts in my mountaineering career. In these tales you will see how bit by bit I am marching towards the summits of my dreams.

Thank you is an understatement, for you have imparted more than knowledge and inspiration. What you gave is indeed a trail food for the soul, which I believe won't make me hungry again. What you showed is not a trail sign, but a pavement that will direct me towards success. I can almost see it, you're right, the view is splendid.
-"A Young Mountaineer's Reply to His Master", Ivan's Batang Lakwatsero

Jog Notes 0218

0 Reaction(s)



It's been a while bago nakabalik sa Wawa route, as usual hindi na naman natuloy for the 3rd time ang balak na pagpunta sa Istampa or sa Pintong Bukawe, kaya minsan naiisip ko narin na mag solo trek narin dahil hindi  naman palagi na maasahan mo na makakasama mga kakilala mo dahil lahat merong personal na dahilan at mga kailangang gawin..

Trail after Trail this April

0 Reaction(s)
Nakaka-excite and nakakainis at the same time pareho pa ng month na organize ang mga mountain trail run events ngayon, nakakaiyak nga lang at ang mahal mahal niya pero worth naman kasi considering yung difficulty and away from the conventional road race, undecided kung anung race ang kukunin for April, wish ko lang both kaso hindi ko alam kakayanin ba ng bulsa ko or merong mga mababait na benefactor dyan, lol!



More Fun in Corregidor, the Daytour

2 Reaction(s)
Sunday morning, nagkita-kita ulit ang Team Expandables for our Corregidor daytour, this is one of the prize of More Fun in the Philippine Photo contest by Zed Philippines and Department of Tourism, around 7am nasa CCP Complex area na kami at pumunta sa Sun Cruise area for registration and booking

morning view of Manila Bay

teh Tranvia that serves as a mini tour bus around the island

Malinta Tunnel lights and sound presentation depicting the life of American/Filipino soldiers on the tunnel

the beachside

Corregidor Inn where we took our Lunch, in fairness panalo ang Paella nila and the Pandan juice

American Barracks, the ruins

Batteries at the Topside

teh War Memorial

lighthouse at the topside

Chinese New Year at Binondo

2 Reaction(s)
nagkita-kita sa Plaza Miranda kasama sina Christian, Mark, Vien, Jane at Roy para sa  isang foodtrip at galaan sa Binondo para sa selebrasyon ng Chinese Lunar New Year, 2nd time na ng inyong lingkod at ang una ay kasama ang classmate na si Nerissa na hindi nakasama ngayong taon

Binondo Church kung san naki-misa muna kasama ang ibang Chinese Catholics

Welcome to Chinatown

mouth watering Chinese dishes

some of the must go Chinese restos

daming tao sa Wai Ying restaurant, ilang minutes rin bago kami nakakain, kita mo si Roy dito inantok na nga kakaantay ng food, sayang nga lang at yung mga hinahanap namin eh wala sila

went to Seng Guan Temple at Narra street, mausok ang area kaya umakyat kami sa taas

after ng paglalakad sa initan, nagpasya na try ang halo-halo sa Chuankee na subsidiary ata ng Eng Bee Tin, sad hindi kami nag-enjoy at walang lasa talaga siya, mas ok pasa Chowking

Money Tree at Lucky ChinaTown Mall

Salomon X-Trail Run 2013

2 Reaction(s)
still thinking of joining this one, kinaya ko naman ang maputik na 10k Merrell Adventure run sa Timberland Heights, hopefully would be able to conquer this one..



race details: SalomonXTrailPilipinas

Jog Notes 0204

0 Reaction(s)
Cancel ang Rolling Hills na route dahil maraming aso sa area at baka makagat pa ako at habulin. Kaya minabuti ko nalang na mag Eastwood Subdivision route pero hindi na ako didiretso sa San Isidro area, pang breakeven nalang sa kinain ko this weekend. Baka sa susunod na linggo ulit ako takbo or pag walang trek at nagpapagaling parin ako ng aking skin rashes.

Pahinga lang after maglakad pabalik, bibili pa sana ng Chicken ala King sa MiniStop kaso hindi nalang at baka bawiin ko lang ang nawala sa akin na calories kaya nag water nalang ako. Then as usual balik na naman sa paglalaro ng mobile game.

Jog Notes 0203

0 Reaction(s)
Hindi natuloy ang Wawa Dam-Rolling Hills na route since akala ko eh tuloy ang trek this morning kaso hindi maganda ang panahon at baka abutin lang ng ulan. So back to good old San Jose oval area job, daming tao, at least health conscious na ang lahat lalo na mga bata, naka ilang lap lang then diretso na ako sa Dela Costa homes, then balik sa oval ulit, hindi ko na tinapos ang 10k dahil 7am na rin. Pag me time ung 2 queue na routes eh sana matakbuhan ko with friends

Natapos na rin ang ibang event sa Endomondo and here are the results

Rashes

2 Reaction(s)
hays, ang hirap talaga pag ganitong me mga sakit sa balat, kung anu-ano nalang ang iiniisip ng ibang tao sa iyo, nakakahiya din lumabas at makita ng iba ang iba pang visible spots niya in a broad daylight. got this one maybe from my trek at Tarak Ridge 2 weeks ago, sabi ni dok, hindi ko raw naramdaman pero mga insect bites daw yan, siguro ngaun lang nag trigger at nagpa agitate pa ang pagkain ko ng malansang pagkain. sana lang gumaling na siya within this week dahil marami akong events sa susunod na linggo na kelangan gawin. mental challenge nga itong sobrang kati pero hindi mo dapat kamutin para nde magka secondary infection. kainis.

natatanging Pebrero

7 Reaction(s)

Pebrero na naman, dumating na naman ang buwan ni Kuya Jin
Malungkot pa din sya, Nag-iisa, pilit naghihintay ng tunay na Pag-Ibig.
Patuloy na umaasa na balang-araw, may isang taong bibihag ng pihikan niyang Puso.
Di siya Napapagod, dahil alam ni Jin na dadating na ang tunay niyang Pag-ibig,
pagsapit ng kanyang kaarawan. Nagmumuni, Nakatingin sa buwan.
Kinakausap ang mga bituin. Lumuluha.
Pilit tinatanong ang kawalan kung san ang direksyon. Hahagulhol.
Iisipin ang nakalipas. Ang masasayang ala-ala. Manunumbalik.
Luluha. Iiyak. Pero buo ang loob dadating ang tunay na Pag-ibig sa buhay niya.
Muling umiyak, Nadala lalo na ang emosyon sa himig ng kantang Kanlungan.





-halaw sa orihinal na komposisyon ni RJ