Sagada Adventure (teh 4th time)

1 Reaction(s)
Day 1 - Lumiang - Sumaguing cave connection, buti nalang at medyo dry ang cave ngayon

Day 2 - morning hike to Marlboro country to Blue Soil hills

Trek to Ponggas Falls after lunch

Day 3 - Bomok-ok Falls then Mt. Ampacao to Lake Danum in the afternoon

Thanks again for the warm hospitality Tita Dolor of George Guest House, see you again next year!

of Power

0 Reaction(s)
Naruto# 665, Who I am Now

PSE Bull Run 2014

0 Reaction(s)
1st run of the year, 16k debut run, Reunion run with RJ and Christian
Rank 293 - 1hr 59mins 03secs

Chinese Lunar New Year

0 Reaction(s)

Mt Pinagbanderahan and Atimonan adventure

0 Reaction(s)
Sunday morning. Nakarating sa Buendia bandang 2am, inantay ang mga kasama hanggang sa 4am na kami nakaalis sa DLTB Bus line papuntang Lucena Grand Terminal. Mabilis ang byahe at nakarating rin kami ng 6am sa terminal. Sumakay ulit ng bus Calaug na signboard at bumaba sa bandang Zigzag highway sa Atimonan. Medyo manaka-naka ang ambon at ulan sa lugar na iyon nang dumating kami. Matapos mag-ayos ng gamit, nilakad na namin ang Zigzag road na kilala sa tawag na Bituka ng Manok dahil sa itsura nito. Medyo mahaba-haba rin ang nilakad namin na umabot ng 30 minuto rin. Ang ganda ganda ng lugar na ito at masaya ako na nilakad namin siya, a walk in the park ika nga literrally. Tapos malamig pa ang hangin kaya naman hindi kami masyado napagod along the way.

Nakarating sa jumpoff, Atimonan Zigzag Park bandang 8am, matapos mag-ayos ulit ng gamit. Nagregister na kami at kumuha ng guide na compulsory dahil na rin sa security issue at iwan vandalism sa area. Kumuha muna kami ng larawan sa maliit na parke na ito bago tuluyang umakyat na sa Pinagbanderahan at sidetrip sa ilang kweba na rin.

Namalas rin namin along the trail ang ilan sa mga matatandang puno sa National Park na lagpas 100 taon na rin

Cueva Santa

Nabigyan rin kami ng pagkakataon na puntahan ang isa sa mga bagong tuklas na kweba sa National Park, ang Cueva Grande, pinaunlakan kami na mamalas ang harapan ng kweba at masasabi kong bata pa ang kweba na ito at ang mga stalactites at stalagmites ay nagsisimulang palang na tumubo, sana nga lang hindi siya magaya sa ibang kweba na vandalized na masyado kaya hindi na maganda tingnan, kami palang ang pang 5 na nakarating sa kweba na iyon

Matapos ang spelunking, tumuloy na kami sa Pinagbanderahan, nang bandang 400m na kami sa daan na ginawa ng mga amerikano sa bandang pahingahan sa itaas kung saan eh ilang minuto nalang at tanaw na namin ang peak, saka naman kami hinarangan ng isang ahas na kahit anong ginawa namin eh ayaw umalis at minamatyagan lang kami at nagtatago, minabuti na naming wag nang tumuloy at baka mapahamak pa kami pagbalik at magtawag pa ng mga kasama, malas lang namin at oras iyon na nagpapaaraw daw ang mga ahas mula sa ilang araw na paguulan at lamig sa lugar na iyon

Salamat ulit kay Kuya Mario sa pag guide sa amin sa kweba at bundok Pinagbanderahan, sulit ang oras namin at marami kaming natutunan mula sa iyo

Tinahak namin ang karugtong na daan ng Bituka ng Manok palabas sa National Park, patuloy sa pagihip ang malamig na hangin at bumabanga sa aming mukha, mind over matter lang ang lamig kaya kaunting tiis, sulit talaga ang pagpunta namin sa parke at ang ganda ganda ng mga tanawin dito, greeneries, daming puno, na sana wag nang tumigil ang oras

Atimonan Church at Iskong Bantay

At Peace

0 Reaction(s)
"Early in my hiking career, I made peace with myself that I will not able to complete all the mountains listed in Pinoy mountaineer. I do not have the means and the time to be able to do that. I belong to the working class people with just two days per week off. With the little time and means I have, I will just try to set foot on the mountains which I deemed worthy with little means I have.

Having made peace with myself and accepted my state in life early on, save me from being envious of what other climbers have accomplished. And was able to save myself from feeling of want and unsatisfied desire and heartbreaks from not being able to climb all mountains in Pinoy Mountaineer's list."
-"2013 : A year in a glance", TheRainier JM's A day in the Hike

Yes I am

2 Reaction(s)

  • You know that you’re in love when you are forcing yourself not to think of that person everyday but you just can’t.
  • You know it is love when he/she makes you smile by just thinking of him/her.
  • You know that you are in love with that person when you think of him/her first thing in the morning and last at night.
  • You know it is love when you can’t do otherwise but to imagine yourself being with that person for the rest of your life.
  • You know that you are in love with that person when he/she never fails to make you happy even in his/her simplest ways.

Pers Post

0 Reaction(s)

2013 in review: Mountains

1 Reaction(s)
1st Major climb with Sir Ian Torres. Trek started at 4 am on January 19 and reached summit at noontime.

2nd day at Sagada, Mt Ampacao-Lake Danum route

1st summer climb with office-mates and Team Elite

pic courtesy of Empi

Minor climb with Lake sidetrip and with couple guide Mang Bino and Ate Mercy

hike to the Devil's Mountain

2nd attempt (1st was unsuccessful), haggard ride to town of Lobo

Rappelling, Boulder climbing and River trekking adventure

hike with newbies

12 hours of hike, 8 mountain peaks, year-end climb

Mt. Malipunyo - Manabu traverse via Malipunyo mountains

0 Reaction(s)
4 am nang magkita kita kami ni Jun-jun, Roy, Empi at Badong sa Jam Liner Buendia bound to Lipa City para sa aming yearend climb, hindi natuloy kasi ang Mt. Marami sana dahil sa mga pananaga at pananamantala ng ibang mga locals sa presyuhan kaya napaatras kami. Halos 6 am na nang makarating kami sa terminal at sumakay kami ng multi cab papuntang Fiesta Mall. Medyo lumagpas pa nga kami dahil sa hindi ko na alam ang itsura ng mall na iyon kaya ayun nagbayad ulit kami pabalik at sumakay sa tricycle.

 Nalito pa nga kami between Sulok at Jubilant subdivision. Sa Manabu jump off pala nagaantay si Mang Mario na aming guide pero sa Jubilant kami nakapunta, kaya at ayun todo hingal si Kuya nang maabutan namin. Sa Malipunyo ang napagdesisyunan na simula matapos kaming mag register sa Barangay outpost. Sinumulan namin ang pag-akyat bandang alas 7 ng umaga na umaasa na hindi kami gagabihin masyado at gamitin ang headlamp na dala namin. Tanaw namin agad ang Susong dalaga sa pagsisimula ng aming paglalakbay, unang traverse ng team.

At nagsimula na ang aming mahabang paglalakbay sa kabundukan ng Malipunyo

pahinga sandali sa 1st water source

three waterfalls before going to the peak

notorious ang Malipunyo mountain range sa mga noxious plants kagaya ng lipa, teka-teka. Lahat kami na experience na matusok ang ilang bahagi ng katawan at damit namin sa mga halaman na ito, charge to experience

Iba talaga ang klima sa taas ng bundok, kung sa baba tuyo pa ang lupa, habang tumataas kami eh nagiging basa na siya at maulap siya kasabay ng kaunting ambon ambon na akala mo signal#1 ang lugar na lalo pang nagpahiram sa pagakyat namin na maka ilang dulas rin kami sa lugar na iyon. Matapos ang ilang oras eh narating rin namin ang peak 1,2,3 ng Malipunyo.

ang nasirang rebulto ni Jesus

Matapos ang ilang oras pa ng paglalakad, pagiwas sa mga tusok na halaman, pagslide sa bundok, naririnig na namin ang anak ni Mang Mario na si Santino, na sigaw nang sigaw, senyales na malapit na kami sa Three-Haus ni Mang Mario sa bundok. Nakita namin na gumagawa ng walis tingting mula sa dahon ng niyog ang kanyang pamilya. Pinainom rin kami ni Mang Mario ng kapeng Alamid, matapang pero masarap ang kape kaya nanumbalik ang aming lakas matapos din namin mag quick lunch at ayos ng sarili.

Narating rin ang Balete peak bago magpunta sa Threehouse ni Mang Mario, 4 down 4 to go, lunchtime na rin

Narating namin ang gilid ng Susong Dalaga at Biak na Bato peak bandang 2 ng hapon, sobrang ganda ng area na ito, na nanatili kami ng ilang minuto rito para magpahinga at kumuha na rin ng picture, tanaw na rin dito ang last 2 peaks na kelangan namin puntahan, ang Maradujan at ang Manabu

Narating ang 8th peak, Manabu bandang 5 ng hapon. Naabutan pa mga hikers na nagse-setup ng tent. Nakakatuwa naman na nag congratulate pa sila sa amin at na kumpleto namin ang traverse sa loob ng 12 oras. Inabot narin kami ng gabi habang pababa sa Manabu jumpoff, nag kape saglit kina Mang Pirying at humigop ulit ng kapeng Alamid. Nagamit rin ang headlamp, lahat halos naranasan namin sa adventure na ito, challenging at charge to experience. Masasabi kong training na namin ito at marami rami pang ganito ang dapat expect namin sa mga susunod na akyat namin sa susunod na taon. Major hikes and multi peaks ang target namin at marami bundok pa ang macocover. Maraming salamat ulit kay Mang Mario sa pag guide sa amin, sa mga kwento at hands on talaga siya sa pagtulong sa amin pag hirap kami makatawid sa daan. Salamat rin sa mga nakasama ko at makakasama ko pa sa mga susunod na mga bundok na ating aakyatin. Napaka makabuluhan ng yearend climb na ito dahil ito ang magsisilbing gabay namin sa susunod pang direksyon at landas na tatahakin namin. Maraming salamat at Manigong Bagong Taon.

Concealed

0 Reaction(s)


Naruto Shippuden, Vol 660: A Concealed Heart

2013 in review: Travels

2 Reaction(s)
1st get together of Team Elite. Sayang at hindi kami naka red lahat

Treat to my buddies after winning It;s More Fun in the Philippines promo

3rd time at Sagada with a class/officemate

1st beach adventure with the Team

Spelunking at a nearby town in Norzagaray, Bulacan

Uber Cool waterfalls at the foot of Mt. Banahaw

My first river rafting experience

Jigsaw Mansion, November 3

Teh Great Northern Mindanao adventure, November 17-20

Mount Gulugod-Baboy dayhike

0 Reaction(s)
Around 8am nang magkita kita kami sa Jam Liner sa Buendia at 9am nang umalis ang bus bound to Batangas, 2hrs rin ang byahe at mga 11pm na kami nakarating sa Batangas Grand Terminal, nakipag negotiate pa sa driver para rentahan ang jeepney to Philpan Dive resort, medyo nagka aberya pa at kelangan maglakad pa kami nang kaunti at nilagpasan pa namin ang dive resort na siyang jump off.

After a quick lunch, umakyat na rin kami bandang 11.30am, nde naging madali ang pagakyat dahil sa init ng araw at iba sa amin ay heavy meals pa ang kinain kaya ang isa naming kasama eh napilitan na bumaba na at antayin nalang kami pagbaba namin dahil sa hindi na maganda ang kanyang pakiramdam

Akala namin madali lang kasi minor climb at beginners type ang bundok, iba pala pag tanghali kana nagsimula, ang init, ang steepness ng lupa, karamihan pa sa members eh newbies kaya halos after 5 minutes eh napapatigil kami to catch breath

lush greeneries, pastoral scene of the peaks of Gulugod Baboy

After more than 2 hours of hike, finally the team reached the peaks and rest mode and enjoy the tranquility and beautiful scenery around the the mountain, we also met Herman, Belgian expat who owns a resort at Anilao, almost 5 years na siya sa Anilao and kabisado nya geographically mga nakapaikot sa Gulugod Baboy. We went down around 4pm and nagpalit ng damit at sumakay na pabalik ng Grand Terminal at around 7pm. Maraming salamat sa mga new hikers na nakasama namin sa pagakyat and wag sana sila magsasawa sa pagsama sa amin for camaraderie and appreciate nature.