Inaugural Speech of President Benigno S. Aquino III

0 Reaction(s)

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.


Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa—nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din—talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito—dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago—isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago—isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster—ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

• dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;

• serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;

• tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili - lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito—ang ating mga volunteers—matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa—nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

-full text courtesy of Inquirer.net
-image courtesy of Reuters

All-Geared up

4 Reaction(s)

Napapa-Bathroom Dance - Michael V

4 Reaction(s)

DVD Marathon - Legend of the Seeker / Fringe

0 Reaction(s)
Bored kahapon. Syempre hindi na naman ako nakapaglaro. Nag-jogging nung umaga. Umuwi at by 7.30am nagpunta sa shop. Update lang sa email, blog, etc. Tanghali na nakauwi. Nakatulog nung hapon. Nanaginip pa tungkol sa isang lumang bahay kasama ang ibang blogger pati na ang mga pusa. Lumang bahay siya, hindi ko ma-gets ano ibig sabihin nun.

Nagising nang gabi mga bandang alas-6 ng gabi. Nanood ng balita. Umalis sa bahay para samahan si bruder bumili ng DVD pati na rin tray ng itlog sa bayan. Kung kelan malakas ang ulan saka naman kami umalis. Ang putik tuloy ng daan. As usual traffic pa rin. Syempre pirated DVD ang binili, namili ng mga TV series, maraming pinagpilian. Since nasimulan na namin ang Legend of the Seeker, season 2 ang binili namin. Then X-File fan naman ako and somewhat related ang Fringe ang dito kaya Season 1/2 naman ang binili ko. To be follow nalang ang Supernatural at Ghosty Whisperer.


Legend of the Seeker, season 2 promotional trailer

Pagkauwi pinanood agad ang Legend of the Seeker season 2, medyo nabitin na nga lang dahil manonood pa kapatid ko ng big night ng PBB. Hmp. Hindi naman nananlo si Ryan, ok sana pag siya ang nanalo. Then pinagpatuloy ang naudlot na panonood ng Seeker. Around 3am na kami natapos manood ng kapatid ko. Hindi ko alam kung iyon naba talaga ang season finale ng show and may balita ako na hindi na itutuloy ang Season 3 ng show kaya nagsilabasan ang ilang campaign like "Save Our Seeker", good luck nalang kung may mapapala sila pero on my part nanghihinayang talaga ako dahil Sword of Truth fan pa rin naman ako at kahit na alter na ang TV series versus the Book gusto ko pa rin matuloy ang TV series niya.

Nakatulog agad ako pagkatapos, hindi na rin nakapag-jogging (hays, paano na ang National Marathon!). Nagising na lang ako past 9am. Nanood muna ng Matanglawin ni Kuya Kim regarding about Philippine Eagle. Then tuloy ang marathon and this time Fringe naman ang pinanood namin. Wala ako masyadong idea sa show na ito ang alam ko lang eh somewhat may likeness siya sa X-Files kaya na-engganyo akong panoorin ito.

First few scenes, ok medyo bored pero habang umaandar ang plot at coming episodes nagiging interesante na siyang panoorin, hindi ko dapat i-compare ito sa X-Files na galing sa Special Cases department sina Mulder at Scully or dahil may sarili siyang division sa kanyang agency (gaya ng Profiler, kung saan sa Behavioral Dept. sila galing). Sa Fringe dept. mismo sila kaya naka-confine lang halos ang mga phenomena related sa areas of concern nila. Muli kong nakita si Joshua Jackson (Pacey Witter sa 90s show Dawson's Creek, Lucas McNamara - The Skills), and talagang bagay sa kanya ang role na ito as Peter Bishop na anak ng isang scientist - Dr. Walter Bishop. Very promising ang series na ito at sa ilang episodes palang ay na hook-up na ako. Baka mamaya mag marathon ulit kami ni bruder at tapusin hanggang Season 2.


Fringe, opening theme [HD]


Fringe is an American science fiction television series created by J. J. Abrams, Alex Kurtzman and Roberto Orci. The series follows a Federal Bureau of Investigation "Fringe Division" team based in Boston, Massachusetts under the supervision of Homeland Security. The team uses unorthodox "fringe" science and FBI investigative techniques to investigate "the Pattern", a series of unexplained, often ghastly occurrences that are happening all over the world. The show has been described as a hybrid of The X-Files, Altered States, The Twilight Zone, and Dark Angel. -Wikipedia

MYX JJ Family Bonding

2 Reaction(s)
(left to right) Jay, Jin, Mami Yanah, EksTi, EmPee

Mula office after ng OT (thank God, tapos na siya!), pumunta sa Robinson Pioneer (now - Teh Forum) para kitain sina Jay at Mami. Surprise visit ni Mami kasi mula pa Baguio at gusto nya gulatin sina XT at MP kaya naman kung anu anong alibi ang pinagsasabi sa text. Around 9am dumating si Jay then si Mami naman 30mins ago. Pumasok na rin kami sa Rob dahil mainit mag-antay sa MRT-Boni. Nag-text si XT parating na daw siya. Katawa lang reaction ni XT nang nagulat sa pagtawa ni Mami na hindi niya napansin na katabi na niya pala.

Kaunting usap at kwentuhan. Past 11 dumating naman si MP. Then napagpasyahan nang kumain. Mahal sa Shakeys at Max's hindi kaya ng budget kaya nag bucket meal nalang kami sa KFC. Then pinamigay na ni Mami ang kanyang mga kalakal na pasalubong sa amin. Merong gulay, chocoflakes, peanut brittle etc. Humabol pa ang Ex ni Mami na si Daniel bago umalis sa KFC. Then pa-picture muna bago umalis.

Medyo may kanya-kanyang lakad kasi kaya hindi talaga formal na meet-up ito namin. Si mami may inaasikaso sa POEA at sa Ortigas then si MP may pasok naman at dumaan lang siya. Si XT naman ay may lakad pa sa city hall this afternoon. Kami naman ni Jay hindi alam kung san pupunta. Bago umuwi saka naman nag-text si Jason na hahabol siya, kaya naman inantay pa namin siya sa MRT then balik ulit sa Robinson para makilala niya si Mami Yanah. Bandang 3pm na kami nakasakay ng MRT pauwi sa kanya-kanyang destinasyon.

Plano ng tropa na punta ng Baguio, katapusan next month bago umalis sina Mami at Jason pa abroad. Magiging malungkot na kasi mababawasan na kami pero andun pa rin naman ang bonding kahit sa online. Hanggang sa muling pagkikita.

Random Picture: Obey or Die

0 Reaction(s)

Weysted

2 Reaction(s)
Another Hell day sa office. Nagbalik ang parang traffic sa perennial problem sa office lalo na sa department namin. Ang mga "bulk accounts" na bigla ka nalang gugulatin kung saan pwersado kang mag-render ng Overtime para matapos lang siya dahil hindi siya kaya ng sinusuportahan naming team kaya in the end, lahat ng team ay kelangan mag-OT para ma-shave ang nasa queue nila at hindi out of SLA (Service Level).

Kapagod kasi, ang dami-dami niya at more average na 2 hours ang kailangang i-render. Though OT nga siya at kaperahan. Sa layo nalang kung saan ako nakatira eh super init na pag nakakauwi ako. Kaya hindi lang wasted pagpasok kundi pag-uwi na rin. Pasalamat na lang siguro at walang mga pasaway na document na kailangan bigyan talaga ng panahon. Sana nga lang maubos na siya at nang bumalik na ang lahat sa normal.

Yay! Friday na, makakapag-pahinga na rin ako sa wakas. Kaso hindi ko alam ano gagawin ko sa buong weekend ko. Dahil na rin sa wala nang connection ang friend ko at la pa akong PC kaya hindi ako makapag-WoW. Hindi ako sure kung makakapunta ba ako sa tropa ko na gustong install rin ang game. Hindi rin ako sigurado kung pupunta ba si Chris ulit this Sunday para asikasuhin ang reunion plan. Bahala na siguro kung anung pwedeng gawin ngayong rest day. Hanggang sa muli!

They Say

0 Reaction(s)
"Do you believe in the law of attraction? It makes sense to me. I keep hearing problems from you...if you could not stop it, maybe minimize it at least. Kaya lalo mong naaattract. As much as possible, think and say nice things and visualize good things coming to you para yun maattract mo. Sorry ha kung nagiging blunt ako. It is not the right time to be nice to you."
-Changes and Chances, blog comment from Sara Ysabelle


"I realized when I woke up a couple of days ago that I shouldn't dwell on the pain. I shouldn't be entertaining any pain. I shouldn't feel any pain. I should be able to just live my life without regrets. I should do what I think is right and will not have a care in the world if everyone thinks I'm wrong. For I am not living my life for them. I am living it for myself.


And I do not care if I will end up alone. I used to be a alone. I used to live a life surrounded by books instead of friends. I am happy as long as I have a computer in front of me and a book in my lap. I was happy and contended with my life.

But that was before. After experiencing the gift of friendship... after learning what love is... after opening myself up to the world at large... how can I still say that I can live my life alone? That is not living. That's just existing.

I no longer want to just exist...
I want my life to mean something...
I want someone to whom I can share my life with...

for I am human...
and not a machine"
-I, Robot, JM's A Broken Life, A Broken Heart, A Broken Man

Random Picture - Old Manila

4 Reaction(s)

image courtesy: University of Wisconsin-Milwaukee

Klining Awt

0 Reaction(s)
Last Monday. Nagsimula sa pagtingin sa aking sirang digicam. Hindi ko pa napapaayos kasi. Napansin kong ang daming kalat na nakalagay sa paper bag na kasama. So nilinis ko siya at inalis na ang mga abubot na nagdadalawang isip pa ako kung aalisin ko ba o hindi. Then yung box naman ng P1i ko, then yung paper bag naman ng mga old anime cd na pinahiram and eventually naging akin nalang daw. Salamat Pyongyang (IGN - Mukamo Forum Moderator) sa mga pamana sa akin.

Medyo sinisipag ako at pati ang lumang bag kung saan nakalagay ang lahat ng "personal stuff" ko mula pa nung nag-aaral ako ay binulatlat ko at pinagtatapon na ang ilang wala namang significant sentimental value sa akin. Nag reminisce naman nung nakita ang mga grades ko kada trimester nung nasa kolehiyo palang ako. Mga cheats na nasa papel pa nun nakalagay at talagang personally nai-compile ko naman ang mga iyon nung mga panahong napaka-mahal ng Internet (50-100/hr pa siya nung pagsisimula pa ng Net era). Eh hindi naman kasi kumpleto ang EGM (Electronic Gaming Monthly) kaya dun kami nag-rerely. Most mga cheatcodes dahil may GameShark ang inyong lingkod. Then ang Ragnarok Online prepaid game cards, nabawasan na nga siya at dati talo pa ang prepaid load para sa cellphone sa dami.

Mukhang nainggit ata sina Papa at sa kanyang part naman, sinumulan niyang ayusin ang interior ng mountain bike para magamit naman iyon. At pagkatapos naman ay inayos at nilinis nila ang tindahan. Lalo na ang mga gamit malapit sa drum. Nilipat ito at nilagay sa dulo ang depektibong ref namin at naglinis ng mga kalat. Pati na rin ang Sto. Nino sa taas ng tindahan ay pinalitan ng cover dahil maraming alikabok na. Hindi na ako nakatulong pa dahil hapon rin at may pasok pa. Nakakatuwa lang isipin na kaya naman pala pag lahat gumagawa, kelangan pang may magsimula para malinis ang bahay.

Elementary Reyunion [isang pagtatangka..]

0 Reaction(s)
Sunday afternoon.  Supposedly magkikita kami ng 4pm ni Chris, isa sa classmate ko nung elementarya. Para tumambay at pagusapan ang ilang beses nang naudlot na reunion. Malakas ang ulan sa Commonwealth kaya na-delay ang pagpunta niya sa Montalban. Pasado alas-5 na nang dumating siya sa tapat ng parokya ng San Jose. Nanghiram agad siya ng motorsiklo kay Gani (isa sa mga nag-aruga sa kaniya nung nasa elementarya palang). Wala na kaming pinalagpas na sandali dahil halos palubog na ang araw at mahirap maglakbay sa kadiliman lalo na't liblib ang lugar na pupuntahan namin.

Actually dry run (the repeat) lang itong ginagawa namin. Ang unang attempt na magkaroon ng reunion eh mga 3-4 taon na ang nakakalipas kung saan ako at si Lani ay nagbahay-bahay sa aming mga kaklase para lang makapunta sa reunion. Kaso ang nangyari, kaming lima lang ni Donna, Jervin, Kenneth at kami ni Lani ang nakapunta at nag-enjoy lang sa damakmak na pagkain na inihanda noong panahon na iyon.

This time tama na ang pa-diplomasya mode na ginagawa namin ni Lani at si Chris na ang haharap sa kanila at kausapin. Ilan sa mga concern na naisip kasi namin, siguro eh dahil na nga halos 15 taon na ang nakakalipas, nagkakahiyaan na ang iba - yung iba may trabaho na kasi, samantalang ang iba ganun pa rin kagaya ng dati. Naging haggard na ang iba sa dami ng anak, yung iba naman nahihiya dahil ilang taon na sila wala pa ring syota o asawa dahil napag-iiwanan na ng biyahe. Yung iba naman dahil sa schedule ng work kaya hindi sigurado kung makakapunta. At marami pang ibang dahilan kaya mahirap pagtapat-tapatin ang schedule kung kelan libre at willing na mag-attend ng reunion.

Una naming dinaanan ni Chris eh si Lani, ang aming punong abala noong nakaraan attempt sa reunion, hindi nga lang namin naabutan dahil may practice daw sa choir ng religion nila at gabi pa daw makakauwi. Dumaan naman kami sunod kina Frendy pero malas at kakaalis lang daw kasama ang gelfren at magsisimba daw at baka gabihin na. Maski si Jennalyn ay hindi rin namin nakita dahil umalis daw kasama ang asawa niya nung kinaumagahan. Minamalas na naman kami talaga, buti nalang sa susunod na lakad namin ay andyan ang pakay namin, nakita ko si Francisco na kababata ko at nagbatian lang saglit, nakipag-usap sandali kay Jordan, kaunting kumustahan. Medyo dumidilim na at napagpasyahan na namin ipagpaliban ang iba pang mga dapat puntahan at napagpasyahan na sa susunod na mga araw na lang at aagahan niya ang pagpunta sa Montalban para maraming makausap na kaklase.

Kumain kami sandali sa isang burger chain. Kaunting usap lang sa buhay-buhay bago sumaglit sa isang computer shop malapit sa taong nag-alaga sa kanila nung kabataan pa niya. Akala namin makakapag-net na kami pero patok ang lugar, puno at may naka-reserve pa daw na limang tao bago kami, kaya naman minabuti nalang namin na tumambay nalang sa labas ng shop sa may kahoy na upuan at dun nagpahangin habang tanaw ang tapat lang na bahay ni Dylan na classmate rin namin noong elementarya. Marami kaming napag-usapan ni Chris noon nakaupo palang kami.

Kinuwento niya ang tungkol sa trabaho niya, kung paano siya madaling ma-bored pag sa office lang at sinubukan na rin niyang mag sideline kagaya na maging sekyu o kaya construction worker. Iyon eh trip niya lang at na-bored din siya kaya balik sa dating trabaho. Kung paano niya na-eenjoy ang mga field project niya dahil na nga nakakapaglakbay siya at unwind na rin. Kung paano niya pinakasalamuhanan ang mga Aeta sa Zambales, kung ano ang nakagisnan nilang kultura dun. Kung paano siya makibagay sa ibang tao lalo na pag nasa probinsya siya, kung paano maging koboy at mamuhay ng simple. Marami akong natutunan kay Chris sa maiksing panahon na nilagi niya sa dating bayan na nakagisnan niya. Pareho kaming masaya dahil ngayon lang ulit namin naranasan ang ganito. Ang makipag kwentuhan sa dating kaklase. Ang sariwain ang nakaraan.

Sana nga at harinawa umusad ang gulong sa plano naming reunion (ulit). At this time. Gagawin namin ang lahat matuloy lang itong kaganapan na ito na nag-antay pa ng 15 taon bago matuloy.

She Says

0 Reaction(s)
"I am tired of pointing out who is wrong or who is right. Feelings is not to be considered, because that's a different story. But I dont believe in the song "Love will keep us alive". Love alone cannot survive. Love, when it comes to relationship needs commitment, understanding and sacrifice."
-Me Tired, Anne's Adlesirc

Seberdey Banding [Milo Marathon primer]

2 Reaction(s)

Napag-usapan ng tropatext MyxJJ na magkita-kita sa SM North para magpa-register sa 34th Milo National Marathon. Supposedly magkikita sa MRT-North pero sa SM North nalang dahil sa pamimilit ko. After work, umuwi saglit para magbihis imbes na dumiretso since sobrang aga nung panahon na iyon. Umalis sa haus around 8.45am. Grabe ang init ng panahon. Paunahan pa kami makarating nina Marc at Jay. Nauna pa rin akong dumating sa meeting place namin. Then si Jay at Marc halos kasabay lang.

Inantay nalang namin si Blast dahil nasa MRT pa siya that time. Dumiretso na sa Toby's Arena, medyo masungit si Madam na siyang nagreregister. Nag-fill up kami ng forms pinasa then namili na kami ng shirt size. Sana lang ayos ang XL sa akin. Then dumating si Blast at kinuha na rin ang sa kanya. Naghanap ng kainan dahil tomguts na. Walang Karate Kid kaya sa Pizza Hut nalang kami after that napagpasyahan nang umuwi. May pasok pa kasi si Jay at me lakad si Marc at Christian.

Napagusapan na kina Christian nalang kami matutulog by July 3, dahil bukas ang race ng 6am, alam ko medyop maiksi ang 5k fun run pero parang dry run lang ito dahil sa susunod eh mga 10k naman ang try namin. Magandang bonding experience na naman ito and at the same time tulong narin sa mga bata. Excited na kaming lahat sa karera.

WoW have you been?

0 Reaction(s)
Level.Currently at Lv 60+, tapos na sa Hellfire Peninsula quest at unti nalang sa Zangarmarsh, headed to Terokkar Forest para sa tambak na quest. Kaunti nalang at Lv.70 na ako pero kakahiya pa rin ang mga gamit. Mostly Blue palang and greens. Yung ibang violets hindi na applicable sa stats ko.

Reputations. Hmm. Stagnant pa rin ang classic reputation with the Darkspear trolls as exception, paano ba naman kinarir ko ang mga quest nila sa Zangarmarsh kaya umabot sa honored, naunahan pa ng Ogrimmar, hehe! Neutral mostly sa ibang Outland factions. Can't decide kung kaninong side pupunta. Happy kasi ang Halaan eh controlled by Horde kaya malaya akong nakakapunta. Sporegarr, friendly na rin.

Skills. Up to date naman ang druid skills, kada 2 levels bumabalik ako sa Azeroth para update ng skills at ibang pang gears sa auction house. Isama mo na rin ang mga glyps. Sa profession naman, herbalism/alchemy combo pa rin. Nasa 350+ ang skills, gearing towards Grand master title, napaka-unti ng mga herbs sa Outlands kaya hindi ganun kabilis tumaas ang skills. Need to get to Dalaran para sa dagdag na recipes.

Plano palang sumama sa mga raids and instances. Kaya lang, hindi ko pa sapat ang equipts, stats ko at skills para dun kaya nag reresearch nang paunti-unti. Honga pala, private server po ito at hindi official server mula sa Blizzard. Hehe! Next time nalang iyon kapag may budget na.

Kakalungkot lang kasi, sarado na ang shop na pinupuntahan ko. Naputol na ang net connection. Nagpunta ako nung isang araw. Hayz, magiging stagnant na muna ang aking Tauren Druid sa WoWBeez for the meantime. Sad. Kung kelan marami na naman akong naiisip na gagawin saka pa nangyari ito. Mukhang sign na ito na kelangan ko nang bumili ng own PC at maglaro na lang at the comfort of our home.

He Says

6 Reaction(s)
bunso, ikaw na lagi ang laman ng He Says ko. Baka palitan ko na ito ng Elias says. haha!

"Sa pag-ikot ng mundo, tuluyan ang pagdating ng bago upang palitan ang mga nauna't lumipas. Natutunan ko ng maniwala sa pagbabago at sa mga bagay na dulot nito. Sabi nga, it is when we accept the whole package that we truly love. Flaws and beauty and all.

I have met many people, er, prospects but most of these people find love because they are esentially broken and hurting. Some are looking for love only to affirm how attractive they are. Some just don't bear being single. These people could not love totally. I think the best lovers are those who radiates an affirmed love to his self. Di ba nga, it is said that we should love others as how we love ourselves. Nilulugi mo sa pagmamahal ang isang tao kung ikaw mismo hindi mahal ang sarili mo. Kaya naman inabot ako ng syam syam upang makakilala ng taong may matibay at konkretong ideya sa pag-ibig."
-ang makapangyayari sa lahat, Elias' Cacoethes scribendi

Random Picture - Joker Peys

2 Reaction(s)

Re-Enerjays

0 Reaction(s)
Nakatulog nang maayos. Bumawi lang sa pagkaka-headbang ko sa work kahapon kaya mababa na naman ang stats ko. Pipilitin kong bumawi mamaya. Salamat naman at nagpahinga ang ulan at tuyo ang paligid ngayong araw kaya naman hindi ako nagdala ng payong. Sensya na Myx JJ kung hindi nakakapag-text, tinatamad pa rin at saka ang tagal bago mawala ng unli ko, talagang bulok ang smart na yan. Ubos na naman ang funds ko sa dami ng gastos. Good luck nalang sa Sabado pagnagkita-kita kami ng berks. Hanggang sa muli!

9th ToyCon @ MegaMall

0 Reaction(s)

Esfiritu ng Katam

0 Reaction(s)
Matapos ang mahabang weekend na puro paglalaro ng WoW, kanina bago pumasok sa office. Umandar na naman ang aking katamaran. Sobrang kaadikan na siguro sa game kaya parang gusto ko maglaro na lang at hindi na magtrabaho. Wala naman akong magagawa, kahit ayaw ko - trabaho ito at marami ang umaasa sa akin. Kakapagod na nga lang minsan. Ikaw nagpapagod sa biyahe at sa ilang oras nakatutok sa monitor ng computer, sila naman panay ang nood ng TV at tulog lang at demand na rin sa akin ng pera. Hay buhay! Hanggang kailan kaya ako na ganito. Nakakasawa na kasi minsan.

Maski sa pag-text umabot na rin ang katamaran ko. Nung kinaumagahan lang, ang sipag ko mag-text sa tropatext MYX JJ, pero nung bandang hapon. Kulang nalang hindi ko dalhin ang phone at ayokong mag-text pero hindi pa rin pwede kasi. Paano na kung may emergency o kaya may importanteng text messages na papasok. Hindi ko mababasa at hindi ako aware niyan. Hehe! Ewan ko, sana maalis na ang pagsanib sa akin ng masamang esfiritu na ito na aktibo tuwing Lunes. Hehe!

Doon po sa Amin

0 Reaction(s)
Congratulations nga pala sa bagong halal na Mayor ng aming bayan na si Ka Elyong Hernandez at sa kanyang Bise-Mayor na si Jonas Cruz. Nawa'y maging liwanag kayo ng ating bayan tungo sa pag-unlad at pagbabago. Tapos na ang panahon ng nakaraang trapong mayor na walang ginawa kundi gamitin ang kapangyarihan na pangangamkam ng kaban ng bayan.

Natapos na rin ang mahabang panahon ng tag-init kung at papasok na ang tag-ulan. Honga malamig na ang panahon at hindi na ako magkakabungang araw, pero balik na naman ang perwisyong baha kahit kaunting ulan lang, mauulit na naman na mapapasukan na naman kami ng tubig-baha sa looban at patuloy pa rin ang tulo sa bubong ng aming bahay. Hayz, ngayon palang anung oras na ako nakakapasok dahil sa tuwing paalis na ako, saka naman bubuhos ang malakas na ulan at aabutin na ako ng baha sa puntong kailangan tumawag pa ako ng tricycle para mahatid lang ako palabas sa aming subdivision.

Miss ko na ang mga kaklase ko noong elementary, isipin mo 1995 pa ako naka-graduate dun. 15 taon ko na silang hindi nakikita. Kumusta na kaya sila, may asawa na kaya sila? Nasa Pinas pa ba sila? O umalis na ng bansa? Ok ba ang buhay nila, o naging durugista na sila? Ang unang pagtatangka sa pagkakaroon ng reunion ay hindi naging matagumpay, despite na nagbahay-bahay na kami para lang makapunta sila, wala ring nangyari at kaming lima lang nina Donna, Lani, Kenneth at Jervin ang nagpunta. Sana this time, ma-miss naman nila ang batch at mag-effort na pumunta sa gagawing reunion. Hoy Chris Agda, asan na ang pangako mo na ikaw na ang magsisimula nito,drawing ka na naman.

Nakakatuwa ang progresong nangyayari sa bayan namin. Dati-rati kung tawagin nila ang Montalban eh - the sleeping town or resort town at hindi gaano pumapasok ang mga namumuhunan. Ngayon, meron na rin kaming Town Center at sa ngayon at Annex na tapat lang nito eh partially operational na, kasama na ang pagpasok ng kolehiyong paaralan at isang pang banko. Harinawa'y magsilbing magandang simula ito sa iba pang kapana-panabik na pagbabago sa aming munting bayan.

Sleepless in WoW [adik mode]

0 Reaction(s)
06.00hrs. Maagang umalis sa office. Honda-dot nga daw sabi nila sa mga taong umuuwi agad pasapit ng 6am dito sa office.

0.730hrs. Nakarating sa haus. Pahinga kaunti. Breakfast at naligo. Nag-iwan ng money sa kapatid.

8.15hrs. Dumating kina Angelo. Check muna ng emails, FB, FS etc.

0.900hrs. Start na ng WoW kaadikan. Do some questing sa Outlands, karir mode kasi lahat ng possible solo quest ginawa ko. Happy ako sa character kong tauren druid kasi past lv.60 na siya and nagsisimula nang pumasok mga better equiptments. Kelangan practice na ako sa mga instance para mahasa ako. Ayun pagiipunan na ang mga glyps. Change ng profession like herbalism+alchemy combo para hindi na ako mag-rely ng buffs sa iba. Almost 10hrs din akong naglaro. Hindi naman halatang adik enoh. Nyahaha!

20.00hrs. Upload lang ng mga WoW screenies sa FB, update na rin ng mga game apps nito. Sabay alis kina Angelo. Babalik ako bukas kamo.

20.30hrs. Dumaan kina Cyril para kunin ang WoW installer, ayun nadatnan ko sila ni John na nanonood kay Cyril habang nasa instance sa WoW (official server - rich kid), nasa northrend na sila at pa IceCrown Citadel na. Ang ganda talaga ng monitor ni Cyril, ang crispy ng graphics at yung sound talaga pakiramdam mo andun ka sa game. Isa kasi siya sa mga supremo adik din at master namin sa online gaming. Habang ako try ko din ang Final Fantasy XIII sa PS3, as usual napa-WoW din ako sa graphics at gameplay niya. Wala akong masabi lahat ata ng bagong games meron itong Manager tropa namin.

21.30hrs. Umalis na sa shop. Super groggy at antok. Kahit ilang minutes lang nakapag bonding naman kami ng PS Boys, sana next time mag-plano naman na kumpleto kami para may grand reunion.

22.00hrs. Uwi sa amin. Kain saglit. Super antok. Panood saglit ng Pinas got Talent, nakatulugan. Sa sahig na nga ako natulog nang hindi ko nararamdaman.

Sunday. 10.00hrs. Haba ng tulog ko, almost 11hrs din iyon. Pambawi lang sa ilang oras na gising ako. At eto WoW mode na naman ako. Adik talaga.

Teh First

0 Reaction(s)
Happy 1st monthsary!

Ika-112 taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas

0 Reaction(s)

He Says

0 Reaction(s)
"Kung iisipin, ang UP ay isang tumpok lamang ng mga matatandang gusali, matatandang puno, mga espasyong malungkot at mga pader na malikhain. Pero ang buhay, o at pag-ibig, ay maihahalintulad sa pamantasan; lahat ay umiikot, namamangha, natututo, nabibigo, umuulit. Pero kung ano't ano man ang pakay sa pagpunta at kahit naka-ilang ikot na ang jeep na sinasakyan, may oras para umalis at lumisan."

"Alam mo bang malaki ang respeto ng sangkatauhan sa puno? Kapag niyakap mo yan, parang niyakap mo na din ang lahat ng bagay na nangyayari sayo. Makikita mo, gagaan pakiramdam mo."

"Di naman mawawala yang mga problema mo pero ikaw, pwedeng mabago ang pananaw mo sa lahat ng shit sa buhay mo."

"Kung meron man akong natutunan sa araw na yun,yun ay ang apirmasyon na ang buhay ko ay para at laan sa iba. Para sa mga nawawalan ng lakas ng loob, para sa mga nalilito. Para sa mga kailangan ng makikinig, para sa mga may basag na boses at istorya. Totoo, malikhain ang pag-ibig."

-Paglalakad, pagyakap at ang lahat ng nasa pagitan, Elias' Mga Lihim ni Hudas

Random Video: Cat tries to revive his dead Friend

2 Reaction(s)

Feel Gud Dey

0 Reaction(s)
Sarap ng tulog ko. 6 Hours dahil na rin sa pag-uulan sa lugar namin. Pasalamat at hindi naman nawalan ng kuryente. Lamig ng simoy ng hangin, nagdala na rin ng payong dahil umaambon pa rin. Habang sakay sa jeep, daming iniisip na plano sa buhay - personal, career at sa relationship. Sinamahan pa ng positive feedback sa akin ng aking superior regarding about my work performance. Sana magtuloy-tuloy ang ganitong feeling. Hindi na siguro papaapekto sa external negativism. Think positive palagi para maganda ang outlook ng buhay.

It's Official - Teh Philippine's 15th President and Vice-President-elect

0 Reaction(s)


image source: Inquirer.net

He Says

0 Reaction(s)
"It has been a quite a ride so far but we managed to get here today and celebrate our sixth year together. I have already shattered every illusion of permanence and forever and yet I have learned to just live for what we have now. As we continue on and hope to surpass the immeasurable pain and the trust that we lost, we cling on to that which led us back together in the first place and hope that it will be enough to keep us going in the years to come. But wherever life takes us, we shall always have today to look back to and remember what we have overcome. Happy sixth."
-06082010, Dale's Bum-Spot

and again, happy 6th Anniversary to both of you, Dale and Jae!
0 Reaction(s)
It's official: Rainy season is here


MANILA, Philippines - The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) yesterday officially declared the onset of the rainy season. Pagasa administrator Prisco Nilo said the criteria for declaring the onset of the rainy season have been met, including the prevalence of the southwest monsoon or hanging habagat and the 25-millimeter rainfall recorded in five Pagasa stations nationwide for five consecutive days.

Nilo said the rains experienced in the western section of the country were brought by southwesterly winds. “This development signals the onset of the rainy season on the first week of June in areas under Type 1 climate, which covers the western parts of Luzon and Visayas,” Nilo said. The rainy season is expected to last until the end of September. Monsoon breaks, or periods without rain, however, are expected during the season.

source: the Philippine Star


Sa wakas tapos na rin ang parusa ng tag-init na pinaigting pa ng El Nino. Pero ganun din naman ang perwisyo na dating sa akin lalo na sa lugar namin na parang naging catch basin na ng tubig-ulan dahil na rin sa taas ng lupa sa paligid namin. Pero kahit papano pagkatapos ng ulan, napakasarap naman dahil ang lamig ng panahon at simoy ng hangin. Lalo na pag papasok ka na sa work, nakakawala ng pagod.

Pero sa ngayon hindi ko masyado ramdam ang pagpasok ng tag-ulan, hindi naman kasi ganun kadalas ang pag-ulan at minsan kukulimlim lang at sisikat pa rin ang araw. Na naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng prickly heat at skin rashes sa may neck area. Siguro sa paghalo na rin ng pawis at init ng panahon. Sana nga tuloy-tuloy na itong pag-ulan na ito at umulan naman siya sa oras na napakainit.

Quezon Province weekend getaway

2 Reaction(s)
clay house ni ka "Ugo" Bigyan

clay products

with the famous Augusto Bigyan

his quote in life

parang totoo Christian ah

group pic sa nipa hut

kinahapunan, ligo sa Lusacan river

oh anung tinitingnan nyo?, si Buddha ba yan o si Bitoy!

PNR railway, maiba naman

Garden of Eden gate, Kamay ni Hesus

teh Last Supper

bakit nakasimangot?

 pic sa stairs

tara na sa "white house"

penthaus, grabe ganda ng view

ancestral haus ni Dona Tating - founder ng Tiaong, Quezon

He says

0 Reaction(s)
“Someday though, we will be friends. We’ve shared too many good times together for me to end up hating you.”


"I Love you",

"I just wanted to say it while I still felt it. I might never get to say that to you again.”

-Our Last Day, JasonEx

Blogger on Vacation

0 Reaction(s)

He Says

0 Reaction(s)
"Hindi ito ang panahon ng drama ang mga lessons learned in life session. Ang buhay, binabagtas, hindi sinusulat. Hanggang dulo. Habang buhay."
-Sa pagtakbo at pag-aatubili, Elias' Cacoethes scribendi

Random Picture - Buddha

0 Reaction(s)


taken from Call Center Confidential, natawa lang ako sa side comment..

PilGud

0 Reaction(s)
Start na naman ng buwan at nasa kalagitnaan na ng taon. May has been the worse month ng team, bagsak ang prod at quality. Maraming factors, mainly yung bagong critical procedure. Maski ako hindi nakaligtas at bumaba below half ang prod pero nakahabol kahit papano at the end of the month.

This time, kailangan bumawi. Iwas error dapat. Maintain at magpondo ng prod. Take as a challenge ang nangyaring score sa May and move forward. Magandang simula ang stats ko ngayon, sana ma-sustain for the rest of the months (and for the years na rin).