Kumilos ka Antukin!

napapansin ko madalas nagiging antukin ako for the past 2 weeks. hindi naman dahil sa pang-gabi ako. dahil pag hapon natutulog naman ako. ewan ko ba siguro dahil malamig ang panahon. ayoko talaga naglalagi sa bahay. kasi wala namang pwedeng gawin dun kundi manood ng TV, kumain, na parang typical BUM.

last Saturday dahil bored ako sa haus, eh pumunta lang ako sa computer shop ng ka-berks ko. as usual DOTA na naman sila. ewan ko hindi ko talaga magustuhan mga current PC games ngayon. DOM kasi kaya mga dos or browser games mga nilalaro ko. bawal kasi sa office mga installed games at dahil Linux na kaya mahirap. kaya tiyaga na lang ako sa browser games. ok lang wala naman nawala sa akin. hindi naman ako nagbabayad ng PC rental. ayun wala lang. nangumusta lang ako. then mga hapon umuwi na rin ako. kaninang umaga naman, kinuha ko yung medicated shampoo sa friend ko (para sa kabayo pero pwede sa human use) kasi po eh manipis ang buhok ng inyong linkod at umaasa ako na kahit papano eh tumubo at kumapal ang buhok na pero wag naman sana mag mukhang kabayo. haha!

hayz, napagisip isip ko, pag patuloy akong magiging empleyado, WALANG MANGYAYARI SA AKIN. hanggang tumanda na lang ako, hindi ako makakapag-ipon ng pera. kelangan talaga eh maging praktikal at magtayo ka ng business. pag patuloy ka kasing magiging empleyado kahit galingan mo at tumambling ka pa sa office nyo, hindi naman madadagdagan ang sweldo mo. kasi worktime=money; wala ring kasigurahan. paano kung hindi na happy sa iyo ang kumpanya, any moment pwede kang palitan or patalsikin. ewan ko ba. nde ko alam kung tutuloy ba ako dito sa innalok na business ng kaklase ko nung high school. para kasing First Quadrant rin pero tuloy tuloy daw ang kita, pero alam ko ganun din iyon eh. may nalalaman pang Pipeline ng Pera. ewan ko, sa Tuesday kelangan makapag decide na ako.

Random Thoughts
"To be kind is more important than to be right; sometimes all a person needs is not a brilliant mind that speaks but a patient heart that listens"

4 Reaction(s) :: Kumilos ka Antukin!

  1. What is the meaning of my existence...

    Naks, parang magkapatid yung post natin ah. Thinking about our existence already...aba, tumatanda na tayo haha!

    I like your random thoughts by the way.

  2. I would like nothing more than to be a bum all day! (if only my work allowed it)

    Mukhang may quarter life crisis ka ha.

    As for the pyramid schemes... lagi kang talo sa ganyan (as far as i know)

    Good luck sa pagpapakapal ng hair. H&M ba? Effective yang horse shampoo sa iba, sa iba hindi.

  3. @jef
    thanks. honga eh. ayoko tumanda

    @alternati
    yeah, im currently at my quarter life crisis, sana malagpasan ko nga ito eh. nagiging emo na ako. sana nga kumapal na ulet hair ko.

  4. hhuuwwwhhhhaaatttt?????? first quadrant???? tsk tsk!! better not think about it!! wag papadala sa mga mabulaklak na salita!!!