MRT vs PUB

-since wala na akong pera.. (wawa naman ako!) naisip kong magtipid muna at sumakay ng bus (5 pesos ang matitipid ko against pagsakay ng jeep papuntang MRT at pagsakay dito papuntang Ortigas).. tiningnan ko ang oras 8.08pm maaga pa.. kaya hindi ako late pagdating.. pag gabi talaga masarap sumakay sa bus hindi trapik.. kung meron man may nagbanggan sigurado.. pero nakakainis lang.. pag hindi nila ako binababa sa MRT-Ortigas na area.. maglalakad pa ako ng kaunti.. may mga sumasakay kasi alanganin.. alangan naman pa importante pa ako.. eh di bumaba na ako.. pagtingin ko sa clock sa MRT 8.19pm lang.. so anung ibig sabihin.. halos pareho lang ang travel time.. samantalang sa MRT eh minsan may skipping train.. kaya magaantay ka ng ilan pang minuto.. wala lang.. napagisip isip ko lang.. na bus nalang ako kesa MRT.. in 5 days.. makaka 25 pesos ako.. sayang din yun!

-kanina paguwi ko.. hayz back to normal.. ang init ng sikat ng araw! pero ok na iyon kesa naman ulan nang ulan.. since ilang days na lang si Inday darating na (bagyo.. nde si Aling Inday sa kanto!) hindi ko alam kung maaawa ako or matutuwa sa kundoktor ng bus.. matanda na kasi at makakalimutin.. hindi nya siningil yung ibang pasahero (mga 2-3 iyon) hanggang makababa na lang sila sa Cubao.. sayang din iyon manong! mag sustagen ka na, memory gap yan! ako naman imbes na 23 pesos ang siningil eh 15 na lang.. akala rin nya kasasakay ko lang sa Cubao.. (sama mo hehe! eh wala akong pera eh.. sayang naman! next time ko na lang babalik kulang.. bleh!)

-kanina sa bahay.. nakalimutan kong patayin ang TV.. paggising ko amf! si Lito Lapid nakita ko.. bigla kong pinatay at natulog na lang ulit.. korni talaga ng Yugi-Oh.. ang bilis ng labas.. aty uber sa panget ang animation.. ewan.. maaga tuloy akong nakakaalis ng bahay.. dahil naasar lang ako sa palabas!

-amf!.. may video na pala ang Blue Sky ng Hale.. kung korni sa inyo sa akin hindi.. read and understand the message of the song.. dapat pala na post ko ito.. under ng Blue sky na entry.. pero ayoko talaga ng mga videos ng Hale mabuti pang audio na lang.. sino kaya direktor pag gumagawa sila ng music videos..

5 Reaction(s) :: MRT vs PUB

  1. bad cheetah! hehe.

  2. hehe.. 23 yung pamasahe.. 15 singil.. kano rin un..

  3. ingat sa pag commute ha. madami daw snatcher at hold-uper eh.
    weekend na, yay! happy weekend :)

  4. tama tama ka dyan kuya....sayang talga ang hale!!!

  5. @jairam
    honga eh.. hindi naman ako mukhang mayaman eh.. haha.. happy weekend too

    @kimpoy..
    sup with Hale kimpoy? anung sayang?