A Path not Taken..

kanina nag text sa akin si Roger. bout kay Alu (Angelo-ex-officemate)! pinakita nya yung uniform nila sa Maersk. ganda pa nga corporate jacket daw. wala naman akong magawa kundi mainggit na lang. hehe! sayang talaga! dati nung bago pa lang kasi ang Maersk. nag apply na sana ako. kung saan hindi pa ganun ka higpit ang exam at interview (dahil nga kelangan na nila ng tao that time!) si Irene yung isa ko pang ex-officemate (dami kong ex!) sinabi sa akin..

Irene: ayaw mo ba mag try sa Maersk?
Jin: hindi na muna aantayin ko ang evaluation ko.
Irene: pero sayang naman.. maganda dun!
Jin: sige, pag hindi umabot sa inaasahan kong salary after evaluation try ko!
Irene: kaw bahala, opportunity rin yon!

tanga tanga ko talaga, na umasa ng malaki na aabot sa inaasahan ko na salary. kaya ayun. nag apply na nga ako dun. pero by that time. matagal nang puno ang company at nag hi-hire na lang sila para sa mga umalis sa kanila. kaya ayun mahigpit na ang exams. minsan lang talaga kumatok ang pagkakataon.. bakit hindi ko naisip na lumipat na lang sa mas stable at maraming "perks" na company, eh wala naman nangyari sa pagiging "loyal" mo dito. anu kaya plano ng nasa Taas sa akin?!

9 Reaction(s) :: A Path not Taken..

  1. mahirap nga yung loyal ka na pero wala kwenta sa knila

  2. tama ka dyan ate. kahit anung hirap at pagod mo. tingin lang nila syo. laruan na pag nagsawa na. wala na. your fired na. or kapag hindi kna profitable sa kanila.

  3. sa lahat ng aspeto ng buhay ang pagiging loyal minsan sinasamantala ng ibang tao...pero minsan kungkelan wala na tayo at saka hahanap-hanapin.

  4. ganun naman tlaga. namimihasa na ba? hehe. yaan mo na past is past. hindi na maibabalik pa ang "pagkakamali"

  5. Naku, dont ponder so much on missed chances. Ponder on how to make what you have now work. Malay mo, something good might come in the future! :)

  6. nang yari na yan..

    wala na tayo magagawa, tama si jigs,

    nasa nakaraan na yun... asa huli tlga ang pagsisisi

  7. Sayang nga na opportunity 'to. Well, like they say, when a door closes, a window opens...just be vigilant where to look for that window however hehe!

  8. learn from your mistake and be ready when the next opportunity knocks. goodluck dude!

  9. salamat sa komento nyo.. yaan nyo.. pag may kumatok.. sisilipin ko muna.. haha.,. malay mo ito na ang tamang chance