September 22, 2011

Salitang Kanto

forwarded email lang.. hindi ko talaga binabanggit mga salitang iyan, hindi dahil sa maarte ako.. nakaka degrade lang kasi.. mga salitang kanto daw.. pero sa tingin ko sa mga estudyante talaga nagmula mga ganyang salita..

1. BAKTOL--- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. Madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o sa loob ng FX.

2. KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

3. MULMUL--- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin paito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

4. BURNIK--- taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo naito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

5. ALPOMBRA--- kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mg lalaki ,available in blue,red, green, etc.

6. BAKOKANG--- higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

7. AGIHAP--- libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

8. DUKIT--- ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng iba.

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wikaan nangangahulugan isang estupidong tao.

10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.

11.WENEKLEK - ito ang buhok sa utong nakadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.

12. BAKTUNG - Pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.

13. BAKTI --- Bakat panty.

14. ASOGUE --- Buhok sa kilikili

15. BARNAKOL --- Maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

16. BULTOKACHI - Tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

17. BUTUYTUY - Etits ng bata.

18. .JABARR - Pawis ng katawan.

19. KALAMANTUTAY - Mabahong pangalan.

20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush

let me add BASKIL - Basang kilikili...

8 Reaction(s):

pUcCagUrL said...

Laugh Out Loud.

eeww. nga un hygienic mammals.

hehe

Jinjiruks said...

haha.. mammals talaga ang tawag!

Jigs said...

HAHAHAHA! Talagang nagenjoy ako sa kakabasa nito!
Try ko ngang gamitin in the future! LOL! Sana may makaintindi sakin!

Laughtrip talaga!

Jinjiruks said...

naku wag na.. mamaya may ma offend pa.. ^^

pooch said...

enjoy magbasa ah!hahaha..

naroon ba iyong burnik?

Jinjiruks said...

nasa taas ata!

mystletaine said...

nyaaahahahaw. tawatrip habang binabasa ito. grabee ngayon ko lang nalaman ang mga gantong salita. hahahaha,

Jinjiruks said...

ah ok. haha. saang mundo ka ba naglalalagi?


Teh Other side of [Jin] © 2008. Free Blogspot Templates Sponsored by: Tutorial87 Commentcute Blogger Templates | Best Credit Card Offers