Kumusta na ulit. Na miss ko kayong lahat. Amp ang connection kahapon sa shop ni Cy.. napakabagal kaya hindi ako nakapag update ng blog.. nagdaan ang Pasko at Bagong Taon hindi man lang ako nakapag blog. Dahil sa work sked ko at iba pang pinagkakaabalahan.
December 29 - Nagkaroon ng college reunion ang batch namin pero kaunti lang ang dumating pero ok na rin. Mga dumating eh sina Charmina, Teresa, Nerissa, Angelo, Arlnold, Raniel, Charlene, Grace at si Emer. Mga hapon na kami nakapunta kina Charmina (parang farewell party na rin kay Cha kasi aalis na sya sa January 14.. huhu.. wag mo kami kalilimutan.. pag may bakanteng trabaho.. wahaha!) ang daming dalang pagkain namin lalo na yung mga pizza.. eh ang bigat pa naman nun.. kaya nde na medyo napansin ang ibang food.. wala lang.. usual videoke, usap-usap, picture-picture.. me pasok pa kasi ako bukas that time kaya nde ako nagpa-gabi nang masyado.. pero sa totoo lang naging masaya naman ako kahit papano (kahit puro pahirap nlang nararanasan ko sa work dahil sa init at pressure!) salamat sa mga kaibigan na handang magpasaya sa'yo in times na when your at low spirits.. Neri nakakahiya ang regalo ko promise.. blue magic na yan pag nagkita tayo..
December 31 - Walang patawad talaga ang company namin.. kahit katapusan ng taon at Bagong Taon eh may pasok kami.. tinatapatan ng double pay.. sayang kasi pag nde ka pumasok.. tutal wala rin naman ginagawa sa amin kaya pumasok na lang ako.. parang ghost town ang Ortigas.. actually nde naman.. me mga pailan ilan na tao pero mostly eh mga Koreano at Hapon.. i dunno bakit sila naglalabasan sa lungga nila ngayon.. palibhasa wala mga Pinoy siguro.. pero pagdating ng Chinese New Year.. sila naman kaya ang mawawala? around 10.30pm na ako nakauwi sa amin that time.. buti wala pa masyado putukan that time.. yung cake na dinala ko.. amp! natunaw.. ang tagal kasi bago nakain.. kasi pag umuuwi kami eh sarado na ang Megamall kaya bumili na kami ng maaga eh walang ref sa office kaya ayun sa isang dulo nakatago lang ang cake.. nagulat nga ako.. akala ko may bisita sina Mama.. wala pala.. nde dumating yung mga relatives ni Papa.. ewan ko kung bakit.. nakatulog na rin ako by 1am kung saan kaunti nlang nagpapaputok.. as usual me pasok kasi bukas!
January 1 - ganun pa rin ang situation.. walang tao sa Ortigas.. walang laman ang MRT.. double pay pa rin.. pero sana hindi na rin ako pumasok para makapag pahinga naman ako kahit papaano..
January 4 - day off ko! Thu at Fri (medyo alanganin nga eh.. dapat Saturday at Sunday na lang) malas ko talaga.. ang bagal bagal ng Smart Bro sa shop ni Cy.. maski sa ibang net cafe sa amin.. ang tagal tagal ayusin yung fiber optics na nasira sa Taiwan.. hindi ko nga alam paano nagkaroon tayo ng link sa Taiwan wireless ba o underwater? Kaya ayun umuwi na lang ako asar kasi hindi ako nakapag check ng emails, update ng blog pati na rin ng browser game na nilalaro ko.
Ngayon - sigh! hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpatuloy sa job ko ngayon.. iniisip ko dati.. mag eenjoy ako kasi games ito.. andito ang passion ko.. pero hindi rin pala.. maraming factors siguro.. isa na rito.. hindi condusive ang environment.. sobrang init talaga.. kahit naka focus ka sa work mo.. nababaling dahil sa init..
"performance might not occur if the environmental conditions are so unsuitable as to present insurmountable barriers to performance. Most of us can successfully drive our cars on windy days but none of us can drive through a tornado. In less dramatic terms, missing tools and equipment, competing priorities, a repressive climate and other factors can interfere with our ability to perform as expected, regardless of our motives or our repertoire, the presence or absence of feedback and the quality of the mental models that guide our thinking and actions. In short, the task environment must support the desired performance; at the very least, it must be manageable."
isa pang reklamo ko.. eh yung management o pamamalakad nila.. pabago bago ng isip palibhasa kasi mga bata kaya ganun.. immature masyado.. wala akong pakialam kung mabasa man nila ito.. sinasabi ko lang ang nasasaloob ko.. at marahil nasasaloob din ng iba.. meron pang nagsabi "hindi kayo nagpunta dito para mag enjoy.. kundi mag trabaho" tama ba naman sabihin sa iba iyon.. you think isang resonsable at matinong leader ang magsasabi syo nyan.. hindi naman ako umaasa na tatagal dyan.. kung ma-te-terminate ako dahil hindi ako nakaka-quota.. ok lang sa akin.. hindi ako ganun ka desperado sa kanila.. ang daming company dyan na ganun din ang nature ng work.. malamang hindi ito ang para sa akin.. (just in case na matanggal lang ako.. malalaman ko this or next week kung anu ang status ko after the training period!) Sige iyon na lang muna.. saka na ako mag uupdate pag may oras ako! Maligayang Bagong Taon ulit at sana magkaroon na ng pagbabago sa bansa natin! Be the change you want to see in your country ika nga!
P.S.
Just want to share a text message i received from a friend..
"Love is not the only reason why a relationship stands for years or 'till forever.. We might think that love holds the relationship.. But what if you love too much and forget that love also can weaken or worse, destroy a strong relationship?
I just realized that love is not enough.. the secret of having a strong, lasting relationship is to trust the one you love.. and to accept his/her weakness or mistakes.. it's not how many time you have forgiven.. but how you have shown understanding.."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
same here... Blame that danged earthquake in Taiwan. Dang. Dang. Now the wi-fiers are cheering in fetish delight. Hahaha.
Haha. I don't miss my classmates. I'll wait until 10 years before I attend a reunion.
--
I agree. The quality of work lessens if you are affected by anything... even that tiny speck of dust on your watercolor painting will ruin everything.
Haffy Nyu Yir
Anonymous
January 5, 2007 at 6:06 PMsigh. nde ko talaga alam kung kakayanin ko pa sa work!
Jinjiruks
January 5, 2007 at 6:31 PMgaano ba kaganda
ang benefits
na makukuha
sa comany na iyan
para magtagal ka
ng ganyan?
Anonymous
January 6, 2007 at 6:18 AMkung sa tutuusin super xienah. wala. walang kwenta. maghahanap nga ako ng new work this week; kasi its getting worse everyday.
Jinjiruks
January 6, 2007 at 10:01 PM