Busog..

Last February 14 eh wala lang parang common day lang para sa akin. Natatawa lang ako sa mga nananamantala sa so called Valentine's Day.. ang presyo ng rosas sky rocket. Eh pwede mo namang express ang love mo sa ibang oras at pagkakataon meron ka namang iba pang 364 days para i express. Sinamahan ko lang si Chun-Li sa Megamall at nag friendly date lang kami.. wala lang nanood lang kami ng sine "A Night at the Museum".. gusto ko sana The Messenger pero baka punitin lang ni Irene ang damit ko.. ang mahal naman ng sine.. 150+ ang pinakamahal at 90+ ang pinakamura.. samantalang nung 2000 eh 90+ pa lang ang mahal.. hindi ko nararamdaman ang peso appreciation at inflation na bumababa daw.. ok naman ang movie kahit simple effective pa rin ang portray ng mga characters lalo na ang mga wax figures kuno; bagay si Robin Williams as Roosevelt.. then tumingin lang kami ng cellphone after that.. nakakalula talaga ang mga price (hindi kasi kalakihan ang salary po.. kaya ganito reaction ko..) hindi ko alam kung mag Sony Ericsson na ba ako pag bumili ako ng new cell just in case; nakakasawa na kasi ang Nokia..

Kanina naman.. nag merienda eat all you can kami ng mga ka berks ko a Triple V. Try lang namin.. ok naman ang mga pagkain kaya lang alam mo na.. puro pasta, gulay at mga kakanin ang nakahain.. pero ok na rin at least unlimited siya.. naka ilang balik rin kami pati na rin ang iced tea. Tuwing sweldo lang naman namin nagagawa ito eh. Ewan ko nag dadalawang isip tuloy ako kung mag aabroad tuoy ako.. ito ang mami-miss ko eh just in case. Yung barkada at mga trippings.. Nagexam ako sa Maersk 2 days ago.. wala pang tawag.. pero sinabi ni Irene ang salary nila.. kinumpara ko mataas pa rin dito sa work ko, kaso bawi naman sa benefits daw.. saka ko na muna pagiisipan ang mga yan. Ang mahalaga eh masaya ako ngayon.

Lapit na ang eleksyon talaga.. wag iboto ang mga balimbing.. sariling interest lang talaga ang mahalaga sa kanila. Nakakatawa lang ang ad ni Prospero Pichay.. "unrealistic" sa palagay ba niya mawawala ang mga squatter at ang kahirapan pag nakaupo na siya.. PAANO MO IBOBOTO ANG MGA TAONG GUSTONG ALISIN ANG SENADO AT NGAYON AY TATAKBO PARA SENADOR.. GINAGAWANG TANGA ANG MGA TAO.. matalino na ang mga botante ngayon.. mapanuri na sila at sawa na sila sa mga pangakong napapako naman ng ilang trapo na iyan.. sinasabi pa ni unano.. kalimutan na ang nakaraan at move forward.. KAKALIMUTAN NA LANG BA ANG HELLO GARCI SCANDAL.. EH KUNG GANYAN EH DI KALIMUTAN NA RIN ANG PLUNDER NI ERAP HINDI BA?.. sabi nga ni Lacson buti kung na resolve ang issue kaso hindi eh.. pwede sanang ibaon na lang sa limot.. ewan.. baliktad na ang pulitika talaga.. naging entertainer na ang mga pulitiko natin. Everyday na lang may drama, suspense, action, horror sa senado at kongreso.

2 Reaction(s) :: Busog..

  1. jinjiruks high blood ka na naman.. lolz

    payo ko lang tol pag-isipan mong mabuti kung maga-abroad ka. kasi this is the time habang bata ka pa. ^_-

    nga pala iba na bahay ko http://e-writings.com/ymir

  2. yan nba new site mo?