Pinalitan yung rest day namin ulit kasi parang semi regular na ang maintenance ng World of Warcraft (WOW) every Wednesday (Tuesday morning sa US) kaya ngayon pare pareho na kami ng rest day ng AM shift, samantalang Tuesday naman ang PM at GY shift. Sabagay pabor ito sa akin kasi just in case na mag apply ako ng ibang work eh weekdays siya at hindi Sunday kung saan eh walang pasok ang majority ng mga company. Ilang linggo na lang malapit na akong bertdey. Wala naman akong planong maghanda, kulang pa nga pagkain ko at pamasahe, maghahanda pa ako. Bigla ko lang na realize hindi na ako bata at tumatanda na, kelangan isipin ko na ang mga short at long term goals ko. Short term oo marami.. kumita ng malaki, makaraos ng isang linggo ang aking allowance, makapag hanap ng work na babagay sa akin at kung saan mag eenjoy ako.; pero sa long term eh medyo wala pa, pangarap ko lang naman kasi maging stable na kami financially at siyempre sama-sama at buo kaming pamilya. Yung magkaroon ng bahay sa Laguna or Cavite, para naman makapag pahinga na at mag buhay donya at don sina mama at papa. Paano ko naman magagwa iyon eh hindi naman sa kalakihan ang salary ko, kaya kelangan talaga makahanap ng magandang work at malaki ang kita. Mahirap kasi kapag tumataya sa lotto.. "game of chance" ika nga..
The odds calculated as EXACTLY in a lotto game '6/49':
- 0 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 2.29
- 1 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 2.42
- 2 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 7.55
- 3 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 56.66
- 4 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1032.4
- 5 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 54200.84
- 6 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 13983816
The odds calculated as AT LEAST in a lotto game '6/49':
- 0 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1
- 1 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1.77
- 2 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 6.62
- 3 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 53.66
- 4 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1013.03
- 5 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 53991.57
- 6 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 13983816
nakita niyo na kung gaano "kaliit" ang chance mong manalo sa 6/49 na lotoo.. kaya hanggat maari eh huwag umasa sa mga larong ganyan kundi magsikap na lang tayo at magtiyaga sa trabaho ngayon, kung makahanap ng magandang oportunidad eh subukan natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Jin,
Do you believe in the law of attraction? It makes sense to me. I keep hearing problems from you...if you could not stop it, maybe minimize it at least. Kaya lalo mong naaattract. As much as possible, think and say nice things and visualize good things coming to you para yun maattract mo. Sorry ha kung nagiging blunt ako. It is not the right time to be nice to you. okidoks?
Godbless!
sy
Anonymous
March 9, 2007 at 10:43 AMkaya think +
Jinjiruks
October 29, 2011 at 7:51 PM