Jin at 25

Kahapon nag birthday nga pala ang inyong lingkod. Wala lang parang normal lang na araw sa akin. Malas pa wala pang sweldo. Kaya umuwi na lang after ng work. Wala tuloy kwek kwek mula kay zander at mark. Ang daming bayarin sa bahay, pati kapatid ko sa akin humihingi ng pera. Yung budget ko wala na, kaya bukas eh ako naman ang hihingi mula sa tindahan. Quarter life ko na, hanggang ngayon wasted pa rin ang buhay ko.. wala man lang pagbabago sa akin.. hindi man lang ako yumaman o naging gwapo.. (haha) marahil kulang pa sa tiyaga at pagsisikap na makahanap nang mas magandang trabaho.. Ang hirap naman humarap sa mga ka berks and friends ko.. sasabihin nila.. uy bertdey mo.. pakain ka.. manlibre ka.. gustuhin ko man.. wala akong pera.. sige magnanakaw muna ako sa banko nang panlibre sa inyo.. senti mode na naman.. kinakanta yung kay wency cornejo.. kelan ka darating.. ewan.. bahala na..

2 Reaction(s) :: Jin at 25

  1. Naisip mo na ba kung bakit wala pa ring nagyayari sa buhya mo? Check it out baka paulit-ulit lang din ang mga bagay na ginagawa mo kaya you are getting the same result. Sabi nga nila, if you want to change something you have to change...in a positive way.

    I am sure what you are experiencing right now is a way of teaching you what to do next. Pakiramdaman mo. Life is saying something to you...ikaw makapagsasabi nun at hindi ako. :)

    yun lang.


    SY

  2. thanks lala!