Aftermath

2 araw matapos ang eleksyon, ito pa rin ang laman ng balita, marami na ring naiproklamang kandidato sa lokal na pamahalan, samantalang hinihintay pa ng COMELEC ang mga COC para sa national level. Patuloy pa rin ang mga election related violence at frauds, hindi na ata mawawala sa sistema natin ang mga ganitong pangyayari. Kailan kaya isisilang ang bagong pulitika sa bansa, natatawa lang nga ako sa sinabi ni Ted Failon noong nakaraang araw, "Gumagastos ng milyon-milyon sa kampanya at handang pumatay para lang makapag lingkod sa Bayan..", dito sa lang sa Pilipinas makikita iyan. Pero nakakatuwa kasi nakikita nating vigilant ang mga taumbayan sa pagbabantay ng kanilang mga boto. Natuto na sila sa nakaraan kung saan eh lantaran ang pandaraya pero walang aksyon na nagagawa, pero nakakalungkot rin kasi ika nga nio Korina Sanchez, parang mikrobyo yang mga mandaraya nag-a-adapt sa proseso ng halalan, naghahanap ng ibang paraan para makapandaya kahit nakatutok na lahat ng tao, mga NGO, civic groups at media eh walang habas pa rin ang pandaraya. Sana nga eh within this month eh matapos na lahat lahat ang mga yan at medyo kaunti na lang ang magpro-protesta. Ayaw kasi tanggapin ng ibang talunan ang pagkatalo nila, they should concede pag alam nilang talo na sila.

Kahapon nga pala eh nagpunta ulit ako sa Manulife para sa interview. Hindi ko alam kung makakapasa ba ako kasi ang dami daming nagaaply kada araw. Mag antay na lang daw for a 3rd and final interview kasi marami pa rin silang ina-assess na mga applicant, hindi ko nga alam bakit ganito katagal samantalang part time job lang naman ang na offer sa akin at by chance lang ang full time pag nakapasa ako sa performance as a part time, tapos ilang interviews pa ang dadaanan ko; I dunno kung worth ba talaga itong job na ito. Sana naman. Inaantay ko pa rin na tawagan ako ng ibang company na pinag-apply ko. Ewan ko parang lumulutang ako isip ko kagabi, kasi ang tagal tagal na wala pa ring nangyayari sa buhay ko; status quo pa rin, hanggang kailan kaya akong ganito, parang walang direksyon sa buhay. Maski yung inspirasyon ko ngayon wala pa akong balita sa kanila (opo 2 sila.. ahehe) wala man lang tawag o paramdam, yung isa magtxt-txt lang pag pauwi na ng bahay, ang lamig lamig talaga. Ewan ko. Sana nga ma divert ko itong nararamdaman ko, optimistic pa rin sa buhay at iwasan ang sobrang pagiisip ng negatibo.

3 Reaction(s) :: Aftermath

  1. Hhhmm... Baka naman suminghot ka ng rugby kaya lumulutang pakiramdam mo wahehehe :)

    Pare about work, ok lang yan. Dadating un time na work naman ang maghahabol sayo :)

  2. hehe. sana nga Dark Knight. may mahabol pa akong work.

  3. ako nga 1 year bakante hahaha