Malapit na naman ang halalan sa Lunes nga last day na lang ngayon ng pangangampanya ng mga maiingay na trapo na yan sa lugar namin. Isa sa mga pinakaimportanteng pangyayari na makakapagpabago (kung meron man) ng ating kinabukasan ay ang halalan, karapatan ng mamamayan sa isang demokratikong lipunan. Kaya kelangang gamitin natin ang karapatan na ito para mabago o magkaroon ng kaunlaran ang ating bansa. Salamat na lang at merong mga programa na nagbibigay sa atin ng pagkakatoon na masuri at makilatis ang mga nagnanasang tumakbo sa Senado. Nalalaman natin kung anu-ano ang kanilang mga plataporma, mga ninanais mangyari pag sila'y nalulok na at kung anu ang kanilang mga solusyon sa mga problemang inihaharap sa kanila na palagiang na lang problema ng bansa sa loob ng ilang taon na. Ito ang listahan na sa aking palagay ay makakatulong sa akin at sa iba upang umunlad ang bansa. Ang aasahan kong magpapanukala ng batas na magaangat sa atin sa dagok ng mga problema at ilang dekadang sakit ng bansa tulad ng korapsyon at labanan panloob.
Aking Napupusuang maging Senador
1) Francis Escudero (GO)
2) Alan Peter Cayetano (GO)
3) Antonio Trillanes (GO)
4) Panfilo Lacson (GO)
5) Sonia Roco (GO)
6) Loren Legarda (GO)
7) Manuel Villar (GO)
8) Benigno Aquino Jr. (GO)
9) Gringo Honasan (IND)
10) Francis Pangilinan (IND)
11) Joker Arroyo (TU)
12) Miguel Zubiri (TU)
Huwag na sana umasa na makakakuha ng boto mula sa akin ang mga pasaway na ito, dahil sa tingin ko ay nuisance lang kayo at wala naman kayong magagawa unless mandaraya kayo para manalo, mga balimbing at kurakot at wala namang nagawang makabuluhan noong nasa Senado pa kayo.. Vicente Sotto III, Tessie Oreta, Nikki Coseteng, Chavit Singson at lalo ka na Prospero Pichay, ibabaon na lang kita sa Senado o kaya magtanim ka na lang ng pechay sa labas ng Senado, lakas din ng loob mo tumakbo sa Senado samantalang ikaw pa ang nangunguna sa pagpapabuwag nito sa Kongreso, kapal din ng mukha mo, hindi tanga anhg tao para bumoto sa iyo, lalo't na't saan nanggagaling ang campaign funds mo at lagpas lagpasan ka na sa itinakdang limit, malamang pag nanalo ka malamang eh nagamit mo makinarya mo at babawiin mo ang mga nagastos mo sa halalan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i am campaigning for Victor Wood, he's the best! bwahahaha
p
May 12, 2007 at 2:37 PMhahaha ako di ko boboto si legarda pero straight ako GO
Luisa
May 13, 2007 at 12:30 AMnyahaha. tapos na akong bumoto. senador lang talaga walang local.
Jinjiruks
May 14, 2007 at 11:51 AMPICHAY IBAON SA LUPA! Ibaon! Ibaon! Ibaon! Bwahahah!!!!
TL
May 15, 2007 at 1:02 AM