Hehe.. Ito lang nasambit ni Ankel (Uncle) sa kwento ni Ante (Auntie) nung pumunta siya nung isang araw sa amin. Mahirap kasi ang buhay ngayon hindi naman kami mayaman, kaya palaging noodles, itlog, tuyo, daing at sardinas ang ulam namin. Kaya hindi maiwasan na magsawa ang mga bata na ganun lagi ang ulam. Kaya ayun bumili ng chicken mula sa resto na pinagtratrabahuan na niya. Hay buhay. Hanggang kelan kaya ganito ang buhay namin, kaya naman sana eh magkaroon na agad ako ng work para naman pag sweldo time eh may masarap namang ulam na madadala ko.
Siyanga pala kahapon eh nag exam ako sa Manulife sa ELJ Bldg (ABS-CBN Compound) wala lang.. ang ganda pala ng bldg.. malaki at cozy naman ang place.. wala naman akong nakitang mga celebrity hehe.. iba ata ang way nila kesa sa dinaraanan ng mga tenants employees sa bldg. Pagdating sa Manulife eh waaa.. ang tahimik masyado.. nakakabingi ang katahimikan at kaunti lang ang mga tao. Ayun at 9am eh nakapag exam na ako, ok naman ang mga test since may experience na naman ako sa field na iyon. After that.. initial interview.. nasa short-list daw ako at magantay for the next interview.. i asked my friends kung anu ibig sabihin nun.. sabi nila pasado na daw ako at baka inaantay na lang daw nila ang ibang makakapasa sa exam. Sana nga eh matawagan na ako right away. Kelangan ko na talaga ng work.
Ang sarap-sarap ng pakiramdam ngayon kasi malapit na tag-ulan, wala na ang araw na magpapay-pay ka tuwing gabi kahit nakatutok pa sa iyo ang electric fan magdamag. Problema lang eh mababa ang lugar namin, pag nagtuloy tuloy ang ulan eh baka pasukin na naman kami ng baha. Asar talaga pag ganun. Ilang oras na pagpupunas at limas ng tubig na naman. Sa ngayon nasisipsip naman niya ang tubig kasi ilang buwan na ring hindi umuulan. Sana nga eh hindi na mangyari iyon ulit pag dumating na ang rainy season.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Good to hear na nakapasa ka! Goodluck po!
If you stillw ant to try other opportunities, send ka lang resume mo sa akin. Madami ako kilala sa HR ng mga call centers hehehee
TL
May 12, 2007 at 4:05 AMhehe, musta na dk!
Jinjiruks
October 29, 2011 at 7:48 PM