The week that was

Last Friday eh nakita natin ang pagtatapos ng isa sa mga ok na serye na ginawa ng ABS-CBN.. Maging Sino ka Man.. korni man sa iba pero nakaka-relate talaga ako sa mga characters sa show, pinapakita lang nito ang iba't ibang mukha o anyo ng pag-ibig. Ako personally i can relate myself with Ely kung saan eh hindi ma expressed ang nararamdaman kay Jackie at kay JB naman eh alam mo na parang self reflect sa sarili niya kung saan eh nagpakalayo layo sya para hanapin ang sarili niya. Hindi masyado dominant ang mga antagonist sa story kaya unique siya in its own way, kaso sa Book II eh baka magbago na ang theme sana hindi naman. Sayang at hindi ko makita ang last quote na sinabi ni Ely nung supposed to be na mamamatay na siya.

Last Saturday naman eh tapos na rin ang Let's Go.. reformat ata gn show. Kahit minsan ko lang ito napapanood eh ok naman sya.. at least mga bagong mukha ang nakikita ko hindi yung mga crappy kim-gerald shit ang nakikita mo (na sa new show eh andyan na naman ang mga bwisit.. bagsak na ang ratings nito malamang!) cute talaga ni Junipper kaya ko pinapanood ang show eh dahil sa kanya. Sana hindi na lang na reformat ang show. amp talaga! Paano na sina Rasheed at Mr. L haha!

Last Sunday naman eh.. wala namang bago as usual pa rin ang araw.. nung kinagabihan lang eh nagkaroon ng Santacruzan sa lugar namin. Hindi talaga ako nanonood ng mga ganitong kakornihan (ayoko makipag debate sa religion.. its not that thing ok.. yung mga parada lang nila eh ung nakakailang..) wala lang ang dami daming reyna-reyna pang nalalaman bakit walang hari, prinsipe at prinsesa para kumpleto na at maglagay na rin sila ng kaharian o emperyo para naman mas maraming manood.. Imperyo ng Mu, Haring Melchor, prinsipe Cedie, prinsesa Sarah.. haha.. anu ba itong naiisip ko.. mas cute pa mga cat officer na umaalalay sa kanila kesa sa mga reyna na yan.. wahaha!

Salamat nga pala ulit sa mga bumibisita sa aking blog. Lalo na nung Friday eh almost 60 visitors ang bumisita. For the week eh naka 240 hits ako. Sana eh patuloy nyong suportahan ang aking blog. Hindi ko ito ginagawa para masabi lang na nagpapalaki lang ako ng traffic o namimilit na iboto sila para sa mga blog contest na nakikita nyo sa ibang blog. Basta kung may nasasaloob ako eh sinusulat ko sa blog ko. Indulgence ko lang naman eh ang voting space na nasa kanang part ng blog ko.. maski iboto nyo ako sa rankings o hindi salamat pa rin sa inyong pagdaan!

He says..
"Nothing is more dangerous than accepting relationships that are broken off... Before a new chapter begins, the old one needs to be ended... We should accept that what had happened will never come back... Remember that there was a time when we lived without that person... Nothing is irreplaceable; a habit isn't a need... This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is important... Closing cycles not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because it no longer fits your life...”
-Lyle, ChapterIX - Huwag Niyo Nang Basahin

2 Reaction(s) :: The week that was

  1. hindi ko na alam ang mga shows na ito. puro congrats at madami ang mga visitors ng blog mo. ahehe. malamang isa na ko dun. pwede rin ba kita invite sa blog ko minsan.

  2. ah ok. mas marami ka ngang visitors kesa sa akin. teehee.