Least Expected

May mga bagay talaga na nangyayari na lang bigla nang hindi mo talaga inaasahan..

- Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng job (yehey may job na po ako!) sa industry na ayoko talaga puntahan para mag-apply, hindi ko nga pinapansin ang job ads nila pero eto ako andito na

- Na makakahingi ako ng tulong sa kaibigan kong hindi ko naman inaasahan na tutulong sa akin talaga, yung mga ine-expect ko iyon naman ang wala (raw?). Hindi ko lang alam kung sincere ba talaga sila sa sinabi nilang iyon. Minsan kasi dun nasusukat talaga ang pagkakaibigan - pawang kagaya sa isang kasabihan, pag mayaman ka maraming kakilala at kaibigan pero kapag mahirap ka na wala na rin sila at least kahit papaano sa panahon ng "downsides and depression" nakikilala ko nga tunay at peke sa aking mga kaibigan. Hindi ko naman nilalahat at dahil sa hindi ako natulungan ganun na, may mga factors rin akong kino-consider tungkol dun.

- Pag nakikita ko talaga ang Binan, Laguna sa mapa, hindi ko makalimutan isipin "siya", naiinis ako sa sarili ko, hindi ko man lang siya natulungan nung mga panahon na kailangan niya sa kanyang thesis pero anung magagawa ko, kalawang na ako sa programming talaga at hindi naman nag-reply sa text yung mga ni-refer ko sa kanya. Tanga-tanga ko kasi bakit ko pa siya binitiwan, dahil sa lecheng pride na iyan, handa naman siyang magbago at humingi ng 2nd chance that time. Napapaiyak na lang ako pag naaalala ko mga moment na magkasama kami at masaya. Alam kong hindi na maibabalik mga pagkakataon na iyon. Pero handa naman akong magsiluma ulit kung bibigyan niya ako ng pagkakataon. Mahal na mahal ko pa rin siya, matagal ko na siyang pinatawad sa pagkakasala niya sa akin. Alam kong hindi naman siya nagbabasa ng mga blogs pero kapag nagawi ka sana at nabasa ito. Tawagan mo naman ako at sabihan kung may pag-asa pa bang matuloy ang naudlot nating pagmamahalan. Andito ka pa rin sa puso ko, walang nagbago, kagaya pa rin ng dati.

7 Reaction(s) :: Least Expected

  1. naku, bakit bah talaga naudlut? go call or bisitahin mo...don't wait for another day at kong there still love then great kong wala then go on with life...Goodluck at saan naba yong butche mo?

  2. call ceneter b to?

    hay nakakarelate ako!

  3. @gwapasila
    kung alam mo lang ate ang story..

    @turismo
    pero not that agent thing po.

  4. you are blessed!

    sy

  5. Two words lang po friendship Jin.

    "Congrats!"

    "Ouch!"

  6. @lolo TL/DK
    salamat po.. bakit naman may ouch pa

  7. ikaw you have work na pala di mo lang sinabi! anyweiz congrats sayo at sana kung sa tinigin mo may pagasa pa go for it!