Stagnant

Kumusta na ulit. Kami eto ganun pa rin ang takbo ng buhay. Sina mama at tita ko mukhang next week pa makakapunta sa probinsya nila kasi ba naman itong Western Union sobrang higpit sa kanilang policy, maski may ilang ID na eh wala pa rin kahit may control at tracking number na eh ayaw pa rin. Kahit sino na nga sinama ng mama ko kulang na lang eh si Mayor para magpa authenticate na siya talaga iyon. Luma na kasi yung voter's ID ni mama kaya hindi na ata updated yung voter's identification number na kailangan nila pag walang ibang supporting documents. Eh wala namang office ang gov't pag Sat., kaya ayun aantay pa kami ng Monday talaga at hopefully by Tuesday eh nakakuha na sila ng plane ticket pauwi.

Kahapon eh mag Net sana ako kaso mukhang na bad trip ata sa akin ka office mate ko kaya ayun umuwi na lang ako nang maaga (pero nag text naman sa akin na hindi naman raw at hindi na raw ako nasanay sa kanya), naupo muna ako sa tabi ng ilog at nagpalipas ng oras habang kumakain ng mga nabili ko sa supermarket. Pinapanood ang maruming ilog na puro basura, ang ginagawang bagong mall, ang mga batang naglalanguyan, magsing-irog na nag PDA at yung mag ama na kumukuha ng pic malapit sa statue. Gusto ko mag senti mode pero naiilang ako sa mga dumadaan na tao. Ewan ko napaka emo ko ngayon.

Ngayon sana eh magkikita kami ng baby ko kasi due to financial difficulties eh napilitan ako na huwag muna ituloy yung pagkikita namin (kahit medyo matagal na eh at gusto ko na siya makita eh sige tiis pa rin, kahit malapit na ang 4 months namin), medyo disappointed siya kanina pero Ok lang raw at naiintindihan naman niya raw ang situation ko. Nahihiya na nga ako sa kanya eh, kung hindi lang North-South ang location namin eh ako na ang pumunta sa kanila kaso naka budget na yung pera ko para sa next week at medyo nagamit na rin sa tindahan.

Bukas eh mag aaply naman ako around Makati, alam mo na hindi na talaga ako masaya sa takbo ng life ko dyan sa napaka gandang company kung saan puro disputes na lang sa payroll, kung makapag demand eh kala mo kalakihan ang sarili, kaya gusto ko na ring lumipat eh may usap-usapan na alam mo na, hindi na magtatagal ang account namin at malamang eh last batch na raw kami at kapag na regular eh malilipat na sa ibang account. Bahala na siguro. Sana makapasa at umikot na ang gulong ng buhay namin. Sana manalo rin sa lotto. Wakeke!

0 Reaction(s) :: Stagnant