Ang hirap talaga makapasok dito sa blogspot site kasi naka restrict ang mga sites rito sa opis.. Last January 1 pa eh nag Internet pa ako sa shop ng ka berks ko nang malaman kong namatay na pala ang aking lola sa mother side.
Unlike sa father side ko na laging biyahera eh hindi ko pa nakikita talaga lola ko mula pa nung bata pa ako, wala akong memory nya nung bata pa ako. Sa picture lang talaga at sana nga eh bago sana siya pumanaw eh makita ko sana siya nang personal. Pero iyon na nga binalita ng mga kamag-anak namin sa tita ko na nag text naman sa amin.
Ayun gusto sana umuwi nina Mama at Tita ko kaso walang pera talaga na pangluwas kaya buong araw eh nakatunganga lang kami run at nagiisip ng paraan. Hanggang ayun napilitan kaming tawagan ang kamag-anak namin sa Amerika para huminhi ng tulong, yung kapatid ng lola ko. Hindi namin ma kontak nung araw na iyon kasi hindi naman alam eh kelangan pa pala may load ang lanline (pre-paid kasi) para makatawag using Budget card.
Kanina lang nila nakausap yung tito ko at ayun pinadalhan na ng pamasahe pauwi at balik sa probinsya para makapunta sa burol at libing ng lola namin. Tagal na kasi rin nilang hindi pa nakakauwi sa Bohol at ngayon lang ang pagkakataon kung saan eh namatay pa ang lola namin. Kaya laking tuwa nila nung malaman na ngayon or bukas mapapadala yung pamasahe, saka balak ko na rin pumunta na lang run sa US kung sakali wala pang tawag ung mga jobs abroad na aaply ko.
Sensya na at magulo ang mga entries kasi marami akong iniisip ngayon na mga problema at mga gagawin sa haus just in case makauwi nga sina Mama at Tita ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
its never easy to lose someone you know, kahit di mo sya nkita or nakasama, alam mong part sya ng buhay mo and it makes it all the hardest to bear
Anonymous
January 3, 2008 at 8:14 PMkorek reigh i agree
Turismoboi
January 4, 2008 at 2:41 AMsalamat sa komento. mahirap talaga ang situation ko ngayon.
Jinjiruks
January 4, 2008 at 3:37 PM