Musta. Mukhang magpo-post na lang ako sa blog ko on a weekly basis from now; dahil na rin wala na rin akong time makapag-Internet dahil sa sobrang busy at dedication ko sa training period ko sa JP Morgan Chase. Pero sulit naman talaga at worth ang paglipat ko sa company na ito.
Monday - Supposedly eh ito ang start ng training pero Holiday sa US (President's Day ata - bank holiday) kaya nalipat ng araw.
Tuesday - Formal start ng training period (namin 9induction), ang rami pala namin (around 27 ata), sa may 24/F ata ng PhilamLife ang induction area. Nagpakilala lang ang mga managers ng iba't ibang department na kelangan namin ma-meet just in case may mga questions and queries related to them like the IT, Security, HR and Operations. Wala akong masabi napaka thorough ng information and handouts na mga binigay nila, as in elaborated talaga and hindi mo na kelangan pang magtanong. At the start eh Nagpakilala ang aming Operations Manager (which is Sir Darwin), masyado lang akong na-inspired sa job history niya, imagine at the age of 26 eh manager na siya), si Ms Judith na napaka accomodating at joker talaga at lakas ng PR power. Then we tackle the benefits, health cards, other work related matters. Marami pa sana akong gustong sabihin kaso medyo mahaba na at in general iyon ang mga nangyari.
Wednesday - Friday - Ayun sa training room/class sa 27/F na kami na designate. Ok naman ang lugar cozy and little bit cold, hindi pa naman ako nakakapag-dala ng jacket kasi ang init sa labas at nakakatamad (tanghali kasi ang start ng klase), at class mismo, grabe talagang gumagastos sila ng mga paper as handouts/aids for every topic (alam ko recyclable naman at nagagamit ulit), at saka for every right answer during discussions eh may reward na foods, which is quite motivational talaga. Ok magturo sina Ms Judith and Wilma (nahati na ang class kasi marami nga kami), proud naman ako kasi kami ang pioneer batch ng account na iyon under Home Lending Department ng JP Morgan at second batch kami sa Department na iyon. Kaya todo naman ang pag-iintindi ko sa mga lessons (kahit medyo wala akong experience sa area na iyon), I'm doing my best naman para maintindihan ang ibang ibang terms and loan procedures and sana ma-endure ko pa at maging masaya ang mga susunod na training days with them.
Dumagdag na naman ang circle of friends ko sa paglipat ko sa JP Morgan, yung mga kasabayan kong batch siyempre.. buti na lang nga at marami kahit papano ang mga boys kaya nakakapag bonding minsan lalo na pag breaktime at sabay kain sa pantry ng 24/F (thank you sa free iced tea/coffee na talaga naabuso ko naman minsan hehe!), sana nga pagbaba namin sa operations area eh marami pa kaming maging kakilala lalo na ang mga vets sa ibang departments and accounts. Excited na rin ako sa payroll kahit medyo malayo pa, yung Chase jacket grr.. i need to get that as well as caps and other apparel, wala lang; ganito talaga pag proud ka sa company mo at alam mong binibigay nila ang lahat para sa satisfaction ng employee and in return we give that favor sa pagtaas at buti ng job performance/productivity. Amen! That's why kahit at this early point.. I really love Chase!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hi there! i just read your post.. can i just ask you.. sobrang ayos ba JPMC? i want to know because i'm trying to Look for a new job! thank you! =)
-anNa
Anonymous
February 26, 2008 at 12:12 AMyeah, may experience ka ba regarding home loans/mortgage, refer kita basta give me your full name and contact infos sa email ko on my profile.
Jinjiruks
February 28, 2008 at 10:29 PMhi there..
i'm already inspired to work at jp morgan chase... mukhang alaga ang mga employees... if you don'tmind my asking... what are the benefits and salary range for new hires (entry level)... meron din daw employee referral fee? totoo ba yun?
Thanks a lot
cheska
Anonymous
March 10, 2008 at 11:08 AMmas ok po na mesg nyo na lang po me sa email ko jepoy_m@yahoo.com and refer ko po kayo. sobrang ok ung chase cheska talagang satisfied ang mga employees at maraming benefits, depende kasi ang salary mo sa maraming factors na sila lang nakakaalam, may referral bonus ang mga employee pag nakapasa sa training mga na refer nila
Jinjiruks
March 15, 2008 at 12:41 PMhanggang ngayon JP morgan ka pa rin ba? final interview ko tomorrow eh. im from Telus. mahirap ba ang Mortgage account? balita ko kasi madugo daw.
Unknown
November 30, 2009 at 3:17 PMsa simula lang yan. masasanay ka rin eventually.
Jinjiruks
December 1, 2009 at 11:16 AMhello! :) r u still with chase? can u still say the same : "i love chase :)" ehehe,.. curious lang po.. and do u know po ba anything about working at JP manila branch? i heard sa philam dn cla not in BGC...
thanks, sophia :)
sophia
May 25, 2014 at 10:31 AM