Kumusta! Hindi ako nakapasok ngayon sa work kasi ba naman tinanghali ako ng gising amp! nagiging maantukin ako ngayong linggo ata ah siguro nag aadjust na naman ang body clock ko sa mga past shifts na parang see-saw. Kagabi eh mga 8pm na ako nakauwi sa ICT sa Internet area, hindi ko na natapos yung Naruto at up to ep.15 lang ako, medyo mabagal na ang connection at parating na ang mga agent kasi lalo na si Mayora (reyna ng Net) kaya medyo dapat na akong umalis, nagpapalipag lang naman ako ng oras kasi traffic pa at around 7pm kaya nagpalipas lang.
Nakita ko na naman ang crush ko sa lockbox kagabi (other account aside from Flook sa area namin) wala lang, ok ang ayos nya kagabi, hindi nga lang siya nakapag Net kasi yung kasama niya eh sapaw at ituro ba naman ako na dun na pumila; alam na naman nila pag naupo ako dun eh matagal pa bago ako umalis (pero mas mataas pa rin si "Reyna Elena (real name ni Mayora) sa akin), wala lang sayang, pag naupo sana siya at nagtanong baka siya muna pag Internet ko para alam ko na ang Friendster niya (may motibo ahihi!), ang hirap kasi kausapin at makahanap ng connection sa kanya, baka mamaya eh tsismis na naman ang abutin ko nito, pero ang cte nya talaga kagabi, hehe pero taken na iyon at may asawa na, wala lang kausap ang asawa niya, selos nga ako.. Crush lang naman! teehee!
Up to now wala pa ring work ang bro ko ilang months na rin, paano kasi ang pili sa work; ayaw na kasi niya ng contractual type na isang term ka lang tapos hindi ka na pwede mag renew, iniisip ko nga at ni Mama na mag-abroad na lang siya kapalit ko (plan ko kasi pag tumawag na yung agency ako ang aalis), ako rin naman kasi gusto ko muna try ang JP Morgan kung maganda ang lagay ko dun eh baka dun na lang muna ako, kaya naman pag tumawag ang agency eh sasamahan ko siya dun at aaply ko kasi sobrang mahiyain iyon pag walang kasama, kaya ngayon naghahanap rin ako sa jobstreet para makatulong naman siya sa amin, ang daming gastos sa bahay na parang isinumpa na ata ang lugar na iyon. Hehe!
Sana nga eh magkapera na agad kami para maasikaso ni Mama ang lupa ng lola namin sa Bohol, sayang naman kasi, malawak ang lupain nila pero walang pera para ayusin ang mga ito, mag isyu rin sa tenant na kelangan nang ma-settle dahil ilang dekada na rin niya niloloko mga kapatid ni Mama ukol sa pangangasiwa at sharing ng mga inaning mga pananim, balak rin ni Mama magtayo ng mini grocery sa area dahil parang wala pa sa civilization ang lugar na iyon at nag-iisa lang ang grocery dun at medyo malayo naman sila Mama para makipag kumpitensya, sana nga manalo sa lotto para kahit papano eh makatikim naman ng ginhawa kahit panandalian lang.
Kanina eh may balita na suspendido si Mayor Cuerpo (mayor ng Montalban, Rizal), kaya naman ang daming supporters kuno dun at nag-aantay na lang na mabalita pa ito at mapanood sa TV, organized nga eh, nakakatawa parang anticipated na nila na ganun ang mangyayari, malamang eh sa "basura" issue na naman ang pinagtalunan nila ni Governor Ynares, bahala sila sa buhay nila, mag pulitiko nga naman "self-interest" lang ang alam nila at kung paano makakakurakot sa kaban ng yaman. Nakakahiya kayo!
Sa ngayon eh nag-aantay pa rin ako ng email and SMS mula sa HR Dept ng JP Morgan about sa finan instruction bago pumasok next week sa company, i dunno anu ang inaantay ko aside from the employee number na ibibigay nila, wala naman akong contact sa ibang kasama ko na nakapasa na run, basta antay na lang ako within this week, hanggang sa muli!
and finally..
Regarding sa theme ng blog ko ngayon eh may kinalaman sa pag-sagwan (sailing), naiisip ko lang na parang ganito ang takbo ng buhay ko ngayon na parang nasa barko ako ngayon "sailing through unchartered waters", hindi alam kung anu ang makikita sa dulo nito, ito ang gusto ko, adventures para kahit papano eh hindi monotonous ang buhay natin, ngayon ang taon ng katuparan ng mga pangarap, ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa, mga obstacles na dapat lagpasan, hindi naman ako mag-isa lang sa pagtahak sa landas na ito, may crewmates ako na handang tumulong sa akin sa anumang oras, andyan ang aking pamilya, kaibigan at ikaw na nagbabasa. Salamat sa pagbibigay ng oras na basahin ang aking blog entry.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
grabeh ang gulo pala ng buhay mo ngayon...sobrang daming pasikot0sikot at mga hokus-pokus! ahehehe kaya yan jin jurks...ikaw pa!
*salamat sa pagdaan muli.:)
[yas]
Yas Jayson
February 13, 2008 at 9:45 AMsalamat rin sa pagdaan at komento. ganun talaga ang life.. nakakalito.
Jinjiruks
February 13, 2008 at 3:09 PM