Nagdaan na naman ang isang linggo ng training namin sa production area, sa ngayon marami pang mga issues ang lumalabas about sa documents at mga application softwares kaya hindi pa talaga completely functional ang process namin pero kahit paunti-unti eh makakapag-adapt na rin kami sa ganitong environment. Stress free ang workplace kasi hindi ganun kahigpit ang mga TL and Sups dito sa work. Makikita pa nga sa kabilang account eh may quiz time pa sila at may reward ang makakasagot ng tama. Sa ngayon eh behave pa kami pero siguro ilang months pa eh kasing kulit na rin kami ng ibang accounts sa floor namin.
Sa ngayon marami na akong ka-close sa area, lalo na yung mga katabi ko lang; pasensya na tlaga sa iba at hindi ko ma-memorize ang name nila. hehe! Pati na rin sa mga vets run sa account namin (kaunti lang nga sila at wala pang 20 ata sila at 3 months pa lang ang account namin), magandang opportunity ito for growth kasi bago pa lang ang account pero hindi naman nadadaan ang lahat nang ganun kadali na lamang, siyempre you have to prove na "worth" talaga ang pag-hire nila sa iyo, sa dinami-dami pa naman nang nag-aaply dun eh kami lang ang napili ng aming Manager. Sana nga eh madali lang nga sa amin ang susunod pang mga araw at sa 4th week ng March eh Live na talaga kami kaya kailangan ngayong mga natitirang weeks eh explore talaga at hanap ng ways paano mapapabilis ang production at mga shortcuts sa ibang applications.
Wala pa nga kaming pics sa Friendster kaya nman si Diane eh pinapadala ko ng digicam para may pic kami ng batch namin bago pa man maging busy na ang lahat. Kaya lang minsan nakaka-bored sa lugar pero kahit papano eh na-divert ko naman siya, browse lang ako sa Intranet sites ng company, tingin-tingin sa corporate data, managements and other resources. Ang tagal nga ng sweldo time, treat ko siguro sarili ko pag nakuha ko na yung sahod ko, tutal pinaghirapan ko naman iyon, ewan ko lang kung sasama ba ako sa usapan na alam mo na post birthday celebration ng mga nag-birthday ng February (marami kami take note! pati na ang Manager namin eh Feb rin!). Basta bahala na siguro, bayad muna sa mga utang then saka na mga yan. Hehe!
On the other scene..
Wala lang medyo nagpaparamdam na naman si ex-"M" sa akin pero friends pa rin naman kami at wala namang naging bitter, naging isip bata lang siguro ako nung sinabi ko na "I have to move on..", pinalipas ang emotional stress na iyon at Ok na ako ngayon at yayain ko nga siya after sahod time para watch ng movies, window shopping, malay mo dba maging kami ulit (pero hindi na ako umaasa pa! mas Ok siguro na ganito na lang muna ang setup), pero another thing, si "I" na dati ko nang textmate eh biglang nagparamdam rin at nakuha ko ang bago niyang cp# kaya ayun text-text, wala pa rin siyang syota right now (and even up to now kamo since nawala na ang communication namin!)
Hmm! type ko pa rin siya naman, and malay mo maging positive this time. Kaya nga ang gulo ng lovelife ko ngayon, siguro kailangang kalimutan na ang nakaraan at subukan itong bagong prospect.. ewan ko, hindi pa naman kami nagkikita talaga ni I and baka sa katapusan ng buwan na lang siguro just in case. Ah basta bahala na siguro, kakanta na lang ako ng "Pakisabi na lang..", hayz career muna siguro bago lovelife. Amp! Sige iyon na lang muna. Hanggang sa muli
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Jinji at Training pa rin!
Post a Comment