Going Live na kami for the past few days, never ending ang testing phase sa mga systems na ginagamit namin aside from the latency issues na nagpapalala pa sa production. Siguro nga talaga eh part na ito sa pagiging new function sa LTDM, iyon rin naman ang naranasan ng ibang vets sa amin; for about 2 months eh hindi pa rin ma established ang quota kung stay or change pa rin siya.
Ayun sweldo time na naman pero as usual parang hangin na naman na dumaan lang sa aking mga kamay ang pera, sa dami ng gastusin eh parang nakapag asawa na rin ako, kaya ang hirap talaga ng kalagayan ko ngayon, buti pa sila iniisip ko eh sila walang pakialam sa akin, maski yung transpo and meals ko ngayong week eh problema ko pa rin, walang tumutulong sa akin, tapos pag sahod time eh ang bibilis ng kamay nila para bigyan, alam ko responsibility ko ito pero pwede naman siguro isipin ko naman ang sarili ko, dahil ako ang napapagod at nag-iisip kung paano pagkakasyahin ang pera na natira sa akin na kung minsan eh kakapalan ko na ang mukha ko na mangutang pa sa iba. Ewan ko ba, hanggang kelan kaya na ganito na lahat na lang sila ay aasa sa akin. Tapos eh magbabayad pa ako ng utang ko ngayon, buti na lang may nagpahiram sa akin para sa 2 weeks na transpo/meal ko na iyon. Hayz pagod na ako talaga.
Sa ngayon eh binabasa ko iyong hiniram kong book sa aking Supervisor sa work entitled "The Cleric Quintet" by R.A. Salvatorre, nasa Book 2 pa lang ako ng 5-part saga niya. It chronicles the adventures of the scholar-priest Cadderly of the Edificant Library from a secluded life on the Library hanggang sa labas ng realm ng Snowflakes mountains to Castle Trinity. Medyo Ok naman siya, kaya lang minsan eh hindi kasing ganda ng Sword of Truth series, nevertheless it's still a good read lalo na pag wala kang ginagawa at mainit pa sa labas. Habang nagbabantay sa tindahan eh ito yun libangan ko at ilang weeks ko pa ata bago siya matapos dahil paputol-putol kasi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ayos lang yan pare...
magiging maayos din ang lahat.
napadaan at tumambay laang.
ayus!
Anonymous
March 31, 2008 at 5:00 PMHi jpoyz...
ok lang yan, ganyan talaga ang buhay ...and besides ndi ka nag-iisa sa ganyang problems. Isipin mo na lang mas better situation mo kesa sa iba...TC and Godbless Us...=) - Beth
Anonymous
April 1, 2008 at 11:59 PMsa dami ng gastusin eh parang nakapag asawa na rin ako
natawa naman ako dito. hahahaha
Kris Canimo
April 2, 2008 at 9:10 PM@kuri
salamat po ulit, sana nga magiging maayos na ang lahat!
@beth
honga beth eh iniisip ko na maswerte pa ako kaysa sa ibang tao dyan. siguro nag release lang ako ng tension at stress talaga.
@kris
hehe, eh ganun talaga ang nangyayari eh..
Jinjiruks
April 4, 2008 at 9:12 PM