Pess

Ewan ko umandar na naman ang pagka-senti ko, ngayon kasi napapadalas ang pag-uwi ko nang mag-isa at habang naglalakad sa pedestrian walk from office to Ayala-MRT lalo na pag mahangin pa, nakatingin na naman ako sa mga nagdaraang mga tao sa baba sa mga bituin sa langit. Iniisip na naman ang self worth ko dito sa mundo. Kung may silbi ba talaga ako sa iba at kung mga ginagawa ko eh tama ba o mali. Maraming umiikot sa isip ko na hindi ko na pinapansin ang mga taong nakakasabayan ko, mula sa family to lovelife to career to adventures.

Sa office ilang araw na lang at mag-iiba na ang quota namin dahil na rin sa pangangarir ng mga kasamahaan ko sa incentives at awards, hindi na nila naisip na sila rin ang mapapahamak pag tinodo pa nila ang production, bahala sila.. tao nga naman, talagang kailangan pang maranasan ang consequences sa mga actions na pwede namang iwasan sa simula palang, hinay hinay lang sana kasi marami ang mapapahamak sa ginagawa nyong iyan.

Ilang weeks na ring nde nagtetext sa akin ang ex ko at miss ko na siya and worried kung anu ba talaga ang nangyayari bakit hindi siya nagrereply sa messages ko sa kanya, alam ko nag rereview siya ngayon sa exams niya pero sana mag reply naman siya kung anu na ang balita sa kanya, ilang araw na rin kasi at kung baka anu na ang nangyari sa kanya. Hindi naman siya nagbabasa ng blog ko kaya ewan ko panu ko makokontak siya, hindi pa naman ako nakakapunta sa kanila at nagkikita lang kami madalas.

Nakakadagdag talaga sa pagiba ng mood itong buhok ko, sa dinami-dami ng tao bakit isa pa ako sa mga nakakaranas ng HIV (hair is vanishing) ngayon, alam ko dahil sa lahi siguro nina papa na manipis lang ang hair, pero nde ko talaga alam paano aayusin ang kakarampot na buhok na natitira sa akin, gusto ko sana semikal kaso flat headed naman ako kaya hindi rin maganda.. nakaka-frustrate talaga, lalo na't mahangin or mainit, kita na talaga na tumataas ang hairline at ilang years nalang siguro eh mukhang 45+ DOM na ako, hay buhay. Anung kasalanan ko ba bakit ganito ang aking kapalaran.

One more thing sana magka-work na ang kapatid ko para hindi na ako mahirapan pa at makabili naman ng mga bagay na kailangan ko talaga. Darating pa sa May ang pinsan ko sa mother side na katukayo ko, sana nga mag abroad na lang sila para matigil na itong walan g katapusang problema sa pera. Kung bakit pa kasi naimbento ang bwisit na yan.

3 Reaction(s) :: Pess

  1. dude "theme" na yata ng blog mo ang depressions mo sa buhay mo, sa pera, at sa buhok mo. try mo muna magrelax. try mong sarili mo muna isipin mo. wag puro "sila". magtabi ka kung gusto mo, hindi mo naman kailangan ibigay "lahat". tsk

  2. nde naman, siguro nagkakataon na nga lang at hindi naman sinasadya pero ganun talaga eh. ito lang isa sa mga outlet ko kaya wala na ako magagawa pa kung ganun karamihan mga post ko. nakalimutan ko na ata ang word na enjoy.

  3. Chong, lahat naman tayo kelangan ng breather. Ganyan din ako maski dito sa village namin twing maglalakad ako ng alas 7 ng umaga at tahimik pa ang lahat, naiisip ko ito na ba ang mundong gagalawan ko? San pa ba ako pedeng dalhin ng mga paa ko. Hindi lang din ikaw ang loveless at clueless sa mundo. ehehe. Sabi nga nila, misery loves company. Isipin mo, u may not be perfectly happy pero someone else is happy because of ur existence. You may never know, but its true. Kaming mga friends mo, we're thankful na natalisod ka namin. Hahaha. Ako parang nagbabakasyon lagi kasi nandito ako ngayon sa bahay, but no. Minsan naiisip ko rin sang hinayupak na lugar ba ako pwedeng pumunta na matahimik at sa paguwi ko siguradong buo na ang isip at loob ko. But we have to do with what we have and where we are right now. Minsan ipikit mo lang ang mga mata mo...Life isn't fair pero tao lang tayo. We need to screw up then pick up the pieces again. Minsan hindi mo na pala parts ung mga napupulot mo but it because a part of u..Shet ang layo ko na ata. Basta dude, jiayou! We're still young enough. Hoy anak ng! Ang testi ko angtagal!