Last week nga pala hindi ko na ka-kwento yung outing ng team namin sa Daranak Falls, siguro tinatamad lang ako at pagod that time kaya hindi na ako nakapag update. Last Sat morning maaga kami nagkita ng ka officemate kong sina Angie at Ricky mabuti na lang at maaga at mabilis ang biyahe kaya naman kahit medyo late ng 15mins eh naantay pa rin nila ako sa may Junction sa Ortigas Ave extension. Nagmahal na talaga ang pamasahe yung dati pumupunta pa ako sa Tanay nung andun pa sina mama eh mga Php19 palang ngayon eh halos Php30 na ata, buti na lang at hindi kami sa terminal talaga.
Dumaan muna kami sa rancho (bukid lang talaga!) ng officemate namin kung saan eh andun na yung ibang mga kasama namin (na nag overnight na rin dun), nakakainis nga at 2 lang kami lalaki at malamang kami ang pagbubuhatin ng mga gamit, mga 8am na kami nakarating dun at ayun picture muna sa batang baka (Becky ang name), balak ko nga iuwi un sana hehe.. naghanda muna ng mga babaunin naming pagkain then before lunchtime eh umalis na kami sa kanila at nagpunta na sa Daranak.
Grabe ang ganda ng kalsada sa may bandang Morong pababa, parang hindi dinaanan man lang hindi kagaya sa amin na bitak-bitak na, ramdam ko ang buhay sa barrio lalo na sa malalawak na palayan, mga bahay-kubo at mga puno sa gilid ng bundok, masarap ang simoy ng hangin dahil na rin sa hindi gaano daanan ng sasakyan, sana nga ang Metro Manila eh ganito rin. Medyo matagal-tagal bago kami nakarating sa Daranak mismo.
Pagdating dun eh akala namin kaunti lang ang tao, wala rin; madami pa rin at malayo na ang naka park ang sasakyan, mura lang kahit papano ang entrance, sabi na nga ba eh kami ang pinagbuhat kaya naman na pwersa siguro ang kamay ko kaya nangalay at sumakit talaga siya lalo na't isang sako gn singkamas ang nabuhat ko, puno na sa bandang baba kaya naisip namin sa kabilang side na ng talon sa may taas, ayun nainis lang ako dahil bakit hiwalay pa ang bayad dun, talagang negosyante ang mga kumag sa lugar na iyon, lahat na lang may bayad.
Naghanap kami ng maayos na cottage para kumain, then mga ilang minuto pa eh umakyat na kami sa talon pagkatapos magpahinga, hindi pa naman ako marunong lumangoy buti na lang at medyo mababaw lang ang tubig hanggang leeg ko lang kaya yakang-yaka, malamig ang tubig, ayun picture2x ulit pang Friendster, ilang oras rin kaming nagbabad dun samantalang sina Ricky at Peng eh hindi naman naligo at natulog pa ata, sinayang lang nila ang pagkakataon talaga, mga 3pm na kami umuwi sa rancho then mga 5pm eh tuluyan na naming iniwan ang lugar kasama ang mga dalang pagkain mula sa bukid sa nina Ate Bebe, hindi kami nagsabay ng dyip ng iba kasi nde nila na tantya na puno na pala at hindi na kamio kasya. Mga 8pm na ako nakauwi sa amin at masakit ang katawan talaga, kakabuhat, pero masaya naman kasi kasama ko nag enjoy mga ka officemate ko at nagkaroon ng bonding talaga. Sana nga maulit muli ang masayang experience na ito with my officemates.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Talon ng Daranak
Post a Comment