Litanya
Tuwing umaga na lang lagi na lang naglilitanya si Mama sa amin kung gaano kahirap ang buhay at kung nakakaahon pa ba kami dito. Medyo nakakasawa na kasi, hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya kasi bago umalis sa work lagi na lang iyon naririnig ko, ito kasing kapatid ko ilang taon nang walang work dapat man lang eh magkusa na siya habang si Papa eh naghahanap pa rin. Hindi ko talaga kaya mag-isa na ilagay sa aking balikat ang mga araw-araw na gastos sa bahay lalo na't paparating na naman ang pasukan at dagdag gastos na naman ang araw-araw na allowance ng mga kapatid ko. Sana'y nga dumating ang araw na nakangiti na si Mama tuwing umaga at hindi purong simangot na lang palagi.
by
Jinjiruks
June 4, 2008
11:56 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ay naku, I can so relate to this. lalot minsan ikaw ang nagiging breadwinner ng family tapos my personal responsibilities ka pa, like gym memberships etc. pero parating sinasabi ng mama ko na mas masaya ang nagbibigay, totoo pala sya talaga, di naman kasi pinabayaan ng Dyos nuon nasa in need kame. smile and keep on helping. remeber family is gold
blackdarkheart
June 6, 2008 at 1:44 PMsalamat sa comment nyo po, so happy to hear na hindi lang pala ako ang nagiisa sa mga ganitong sentiment at reklamo sa buhay. Sana nga me patutunguhan itong ginagawa natin, pero nakakalungkot kasi hindi ko minsan ma enjoy ang buhay ko.
Jinjiruks
June 6, 2008 at 3:23 PM