Sentimyento

"Living in this kind of world seems to be very physical and sexual.. But everyone gets tired, love and relationship still matter... I know where my heart is :-)"

Ako nga napapagod na rin talaga, sa mga kamunduhan na iyan.. hehe! pero totoo mga sinabi niya, talagang tinamaan ako dun. Maski ako gusto ko na talaga magkaroon ng relationship na magtatagal talaga. Pagod na kasi ako kakahanap yung para sa akin, marami nang nasayang na panahon, nadudurog lang ang puso ko sa bawat pagkakamali na ginagawa ko sa aking buhay. Hindi ko pa talaga kilala ang sarili ko, kung ano ba talaga ang gusto ko at anung mga bagay ang makakapag-pasaya sa akin, nakakalungkot minsan habang napapatingin na naman ako sa mga magkasintahan na holding hands, hugs, kisses etc.

Naiinis ako sa sarili ko bakit sobra kung tanga pagdating sa ganitong bagay. Pero hanggang kailan ako maghihintay for the right person for me, baka magka-uban na ako wala pa rin. Isa pa eh wala akong masyadong kaibigan na nakakaalam ng aking totoong pagkatao. Lalo lang akong nahihirapan sa hindi ko pagsasabi sa iba ng aking mga nasasaloob. Baka mamaya sumabog na lang ito at hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko, pakiramdam ko unti-unting lumulubog ang aking sarili sa mga problema, depresyon. Kung sino ka man, sana dumating ka na sa buhay ko.. tulungan mong ibalik ang dati kong sigla at magkaroon ng kulay ulit ang aking mundo.

2 Reaction(s) :: Sentimyento

  1. mag ginisang gulay ka bro at ng magka kulay ang iyong buhay. lolz

    you always have a choice of what to make out of your life. tama na kamunduhan mo!

  2. haha.. Sabi na at maglalagay ka ng comment, hoy tigang nga ako ngayon at wala akong balak as of the moment. Sawa na nga ako kakakain ng ginisa at sinabawang gulay eh.