Bweset na gabi yan, kagabi anung oras na ako nakauwi sa amin. Sumakay pa naman ako ng bus papuntang MRT-Buendia para iwasan ang mahaba at nakakapawis na pila sa MRT-Ayala para makauwi nang maaga dahil medyo nagbabadya na ng ulan. Pagdating sa MRT-Quezon Ave, saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Mga isang oras din akong nag-antay sa may baba pero walang tigil at malakas pa rin ang buhos. Nakakainis, bukod sa mainit na eh daming tao sa baba. Tuwang-tuwa naman ang mga vendor kasi mabenta ang chicharon, taho, mani, fishballs at ang pamosong payong na isang gamitan lang at sira na maya-maya.
Wala naman akong nagawa kundi mag-antay na tumigil, pero walang signs na titigil kaya naman nung humina na ng kaunti eh tumakbo na ako gamit ang aking bag na pang-payong. Ayun nabasa ako at walang masakyan na dyip, mukha akong basang sisiw talaga pagpasok sa jeep at nagtinginan pa sila sa akin. Mga 9pm na ako nakauwi sa amin, ayun dahil walang payong na dala takbo na naman papasok sa subdivision. Pagkauwi eh nagpalit agad ako ng damit at uminom ng Neozep kasi nagsisimula na ako bumahing at sinisipon na ako. Kung kelan talaga wala kang dalang payong saka naman umulan nang ganito. Nakakaasar talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Stranded again
Post a Comment