Emo.Thur.O

Gaya nga ng text sa akin ni Yoshke - I'm so Emo talaga sa mga blog entries ko. Ewan ko ba - bakit pag nagbabasa ako ng mga entries regarding kung gaano kasaya ang mag couple/partner eh tinatamaan talaga ako nang matindi na pinapamukha sa akin na kung gaano kalaki ang nawawala sa akin right now na up to now zero pa rin ang aking lovelife. Na kakanta ba ako ng "mangarap ka na lang ba.. o maging katotohanan pa!". Mula MRT papunta sa amin. Parang Biyernes Santo at daig pa ng namatayan ang itsura ko. Ang lungkot-lungkot ko, pakiramdam ko, wala na akong pag-asa sa buhay; na hanggang ganito na lang ako - na hindi ko na mahahanap ang taong magmamahal sa akin - inaantay ko kasi na siya mismo ang gumawa ng spark - sawa na ako kaka-initiate, i'm expecting and assuming too much, kaya matindi ang bawi sa akin pag nabigo ako. Maluha-luha akong nag-iisip - nangangarap, umaasa kahit papano - na malapit na siyang dumating sa akin buhay. Grr! Ayoko nang ganitong situation - nagmumukha akong helpless at walang laban sa mga bato sa akin ng tadhana.

0 Reaction(s) :: Emo.Thur.O