Friday na

Kung kailan Friday saka ako maagang nakapasok sa office. Hindi man lang ako nakapanood ng Naruto kagabi dahil tinotopak ang DVD amp na yan. Kaya sa office nalang ako nagbabasa ng manga - OMG ep.307 palang ako tapos ep.480+ na ata, andami ko pang dapat habulin.

Si prospect tumawag na naman pero as usual alanganing oras na naman, ginising na lang ako ng kapatid ko na may tumatawag sa akin. Nung nagkausap na kami sandali lang naman dahil hindi ko alam kung bakit hindi niya ako marinig then nawala na lang siya sa line. Hirap ng ganito kasi nde naka-list at private ang number pa. Sa YM hindi ko naman matiyempuhan na online siya. Puro follow-ups na lang ginagawa namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung base 1 na ba kami dahil ang hirap niya kausapin talaga.

Next week na pala ang team building namin sa Dagupan City. Kailangan ihanda na ang mga gamit dahil Friday ng gabi kami aalis mula sa office at diretso na doon. Iniisip ko na kung anung pasalubong ang iuuwi ko. Kahapon nag meeting ang team for that para wala nang aberya pagpunta dun.

0 Reaction(s) :: Friday na