Manic Monday

Lunes na lunes pero tinatamad akong pumasok at gusto ko pa matulog for an extra hour kaso parang nakikinita ko na ang mangyayari sa akin pagpunta sa EDSA at 8pm - ang prusisyon sa jeep bukod pa sa matinding sikat ng araw in your face. Dapat pala nag file na lang ako ng leave today. Monday sickness talaga oh, napuyat kasi ako kakapanood ng Naruto Shippuden - sa sobrang busy sa work and other activities - wala na akong panahon makapanood kasi - maski mga ibang anime na sinusundan ko years later hindi ko na natutuloy panoorin like Death Note and Code Geass.

Hindi nga ako nakapunta sa walkathon ng Haribon Foundation - nakakahiya talaga kasi tumawag pa naman ako para magpa-reserve ng shirts and bags tapos hindi naman ako nakapunta. Ganito talaga ako, tinatamad pag walang kasama talaga unless may enough reason para pumunta sa isang lugar gagawin ko. As usual - Cabal weekend pa rin lv.91 na ang FA ko and salamat sa BB at almost 1/3 na ako sa G. Master rank ko sa magic skills. Medyo nakakatamad na rin kasi yung mga kausap ko online hindi ko na masyado nakikita ngayon. Newest expansion of World of Warcraft was launched last 13. Kahit gusto ko maglaro hindi pwede dahil marami akong priorities ngayon kesa sa pagbabayad ng monthly subscription fees sa game.

Simula nang bumalik ako sa PinoyExchange (last login was 2 years ago pa), marami nang nagbago. I've been talking to one of the PEXers there and hindi ko alam kung may nabubuo na ba sa amin dahil masyado siyang malayo kaya magandang wag muna mag expect and assume sa situation namin (alam ko Dan magtatanong ka na naman kung sino iyon!). Palagi nga siyang tumatawag everyday to me pero wrong timing palagi. Kaya eto hindi pa kami nakakapagusap nang masinsinan. Alam ko minsan naiinis na siya sa akin pero ano magagawa ko - iba ang situation ko sa kanya at hirap ako dahil sa hindi maipaliwanag na kalagayan. Basta bahala na siguro. Aantayin ko na lang ang pagdating niya next month or 2 mula sa ibang bansa.

4 Reaction(s) :: Manic Monday

  1. Private Servers. *wink wink*

  2. nyorks. nde ah. sa mercury server kaya ako. ^^;

  3. Magprivate server ka na lang sa WoW. Haha.

  4. sang site naman? panget kasi ganun. erratic pagpapa-level.