Prospect again

Nagkausap na kami ni prospect kagabi. 2 days na kasi at hindi kami magka-tyempo na magkausap dahil alanganin siya tumawag. Akala ko nakalimutan na niya ako. Nag check ako ng updates for any message mula sa kanya. Nag message back naman siya sa YM and binigyan niya ako ng assurance dun sa pinagusapan namin. Tiningnan ko rin ang Friendster profile niya and dumarami na naman ang mga tao sa list niya, i dunno kung matutuwa ba ako o maiinis sa nakita kong iyon. Tumawag siya at around 12.30mn, buti na lang at naalimpungatan ako at sinagot agad ang tawag niya.

Ayun usual na usapan. Nakakahiya nga kasi binabasa pa niya sa akin mga sinusulat ko sa YM and Friendster mail habang nagkakausap kami sa phone. Hindi ko alam kung ano ang sagot niya sa message ko. Isang "thank you" lang ang narinig ko mula sa kanya. Ano kaya ibig sabihin nun? Hmm. After that conversation (around 1am) nakatulog na ulit ako. Next time talagang diretsahan na ito, ayokong magmukhang umaasa sa kanya. Kung gusto niya eh di go pag hindi Ok lang din sa akin.

0 Reaction(s) :: Prospect again