Random Rants

F*** you politicians, kung kelan malapit ang eleksyon saka kayo nagpapalabas ng mga TV ads, halata tuloy ang mga ambisyon niyong tumakbo. Hindi maramdaman ng mga tao ginagawa niyo, puro kayo kurakot. Kung sincere talaga kayo na pagsilbihan ang bayan hindi nyo na kailangan ng ganyan. Ano na naman kaya ang gagawin ng ibang pulitiko - magtatanim ng palay? mamumulot ng basura? Hindi na bobo ang mga Pinoy ngayon - hindi na nagpapadala sa mga Ads niyo.

Sobrang init talaga ng panahon ngayon, nakakainis. Kung kelan dapat malamig ang panahon saka pa maagang dumating ang tag-init ata. Lalo akong maluluto nito sa sariling mantika. Nakakalimutan ko nang mag excercise at jogging kada weekends. Puyat kasi lagi kakapanood ng mga balita na paulit-ulit lang.

Nakakainis din ang mga taong sobrang BAGAL maglakad. Lalo na't nasa likod ka nila. Akala mo may prusisyon sa simbahan kung sa kupad. Ayoko pa naman na bumabagal ako lalo na't gusto ko nang makauwi nang maaga.

Ayoko rin na matagal ako suklian pag sumasakay ako sa jeep. Nakakainis na kailangan pang ulit ulitin ang pagpapaalala sa kanila tungkol sa sukli. Kaya naman ginagawa ko tinataasan ko ang boses ko para suklian na agad ako. Mabuti sana kung first-in first-out sa pagsusukli eh. Eh ang kaso ikaw na ang unang nagbayad ikaw pa ang mahuhuli.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit pumayag pa akong makipag-kaibigan pa sa taong nagpaluha sa akin. Kailangan ko pang kontrolin ang aking nararamdaman at dumistansya sa kanila. Ako tuloy ang nahihirapan sa sitwasyon ko. Mukha akong tanga at nakalutang sa ere, sa sobrang kumplikado ng sitwasyon. Pilit kong iwas pero andito lumalapit pa rin sa akin ang pagkakataon. Peste!

9 Reaction(s) :: Random Rants

  1. naku dito sa amin hindi pwedeng babagal bagal sa paglalakad... lahat ng tao nagmamadali.

  2. wala naman masama kasi maglakad nang mabagal wag lang sa mga lugar na madalas daanan kasi hindi lahat ng tao naglalakad sa buwan na gaya nila.

  3. tama ka mainit nga ngayin, pero hanggang friday lang yan. balik kna ulit sa malamig na klima sa weekends..

  4. hindi rin. mainit lagi ulo ko kahit malamig pa ang panahon. haha.

  5. Those days ka nga talaga ano?

  6. kuya jinji, may ginawa akong blog post tungkol dyan sa mga pol-ads na nagsulputan sa tv. andon yun sa jp230 v.2

    nga pala, paki-update na po ang link...ito na ang ikalawang bersyon ng jp230

    http://semajiography.blogspot.com


    maraming salamat :)

  7. @zwei
    haha nde naman

    @semaj
    nakita ko nga po ang site mo. will gonna update mamaya. thanks sa pagdaan semaj.

  8. "F*** you politicians, kung kelan malapit ang eleksyon saka kayo nagpapalabas ng mga TV ads, halata tuloy ang mga ambisyon niyong tumakbo. Hindi maramdaman ng mga tao ginagawa niyo, puro kayo kurakot. Kung sincere talaga kayo na pagsilbihan ang bayan hindi nyo na kailangan ng ganyan."

    - *smiles*
    tama ka kaibigan. :)

  9. wala naman ginawang matino mga yan. dapat pagpapatayin mga yan.