Tense

Maraming nangyari last Saturday na mabuti pa hindi ko na i-kwento pa sa inyo. Too complicated na umabot pa siya ng Sunday. Para akong bata na inagawan ng kendi sa sobrang iyak at senti. Nag assume lang ako nang sobra at namis-interpret siguro ang lahat ng pangyayari. Buong araw ng Sunday at Monday wala akong ginawa kundi mag-Internet sinusubukang kalimutan ang mga nangyari. Sobrang depressed ako that time. Pakiramdam ko tapos na ang lahat sa akin. Pero bandang gabi nang Monday, na-realize ko na maiksi lang ang buhay natin para sa ganitong mga tantrums ko at samaan ng loob.

Nadala lang siguro ako ng galit at hinanakit kaya may mga nasabi ako sa kanya na hindi na maganda. Hindi deserving sa kanya mga words na iyon dahil sobrang bait niya pag kami nagkakausap. Iyon nga lang siguro mali lang ang pagkakataon ko na pumasok sa puso niya dahil may matagal nang nauna. Kaya kinagabihan nag-text ako sa kanya humingi ng patawad sa mga nasabi ko at umaasa na maging magkaibigan kami ulit. Hindi naman niya ako binigo pero alam ko hindi na mababalik pa ang dating pagkakaibigan namin pero Ok lang kasalanan ko naman ang lahat. Sana maging maayos na ang lahat. At sana mabilis akong makapag-cope sa mga nangyari.

1 Reaction(s) :: Tense

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/