Wavelength

Sa loob ng mahabang bakasyon, hindi naman ako nag-enjoy dahil me pasok kami kung kelan nag-eenjoy na ang iba sa pag-uwi sa probinsya at mahabang pahinga. Ganun pa rin tumatakbo sa isip ko. Sobrang bored na ako sa monotonous na buhay na ito. Maski sa mga online games as a coping mechanism ko, medyo nagsasawa na rin ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede pagka-abalahan bukod sa pakialaman ang ibang buhay.

Siguro kailangan ko lang lawakan ang circle of friends ko at subukan ang ibang grupo naman para kahit paano bagong experience sa buhay. Bagong pakikipagsapalaran. Kaya eto ako ngayon nagpupunta sa ibang message boards and social community sites para makipag-kaibigan. So far na-meet ko na naman ang iba and kausap sa phone minsan.

Right now, yes I'm still looking for the special someone na dumating sa buhay ko, halos 2 taon na rin akong naghahanap pero wala pa rin makita. Hindi ko alam kung totoo ang "spark" thing na yan, and another thing din naman na kung gusto ka ng isang tao eh siya naman ang gagawa ng paraan para magkakilala kayo. Hmm. Yung isa nga dyan nagpaparamdam pero ewan ko. Mas ok kasi na same "wavelength" nga kami at makilala nang lubusan para hindi one-sided ang relationship. Mas masaya kasi na both kayong masaya sa relationship para magtagal kayo, of course kasama na dun ang constant communication, loyalty, honesty and caring. Bow!

0 Reaction(s) :: Wavelength