Naudlot na pagsasama

Kanina papasok palang sa work, nakasalubong ko si Jim (high school classmate), humahabol na rin siya sa katabaan kagaya ko. Kinumusta ko sila ni Bunny, sabi niya wala na sila, sabay sakay sa jeep paalis. Siyempre nagulat ako sa narinig ko. For almost 10 years, mula High School - mag-syota na ang dalawang ito. Nasundan namin ang pag-iibigan nila, sinabi namin na it's a match made in heaven. As in perfect couple talaga, parehong mabait at matalino pa (consistent Valedictorian silang dalawa), kulang na lang ilang taon after graduation sa College eh magpakasal na sila.

Pero hindi pala lahat eh fairy tale na lived happily ever after. Ayoko tanungin sa kanila ang reason (sana hindi naman nagkasawaan na sila sa tagal ng pagsasama nila) kung bakit sila nagkahiwalay (last week lang kasi sabi ng classmate ko) pero nasasayangan ako sa kanila. Wala talagang kasiguruhan ang buhay. Maski sa relasyon hindi mo alam kung magtatagal ba kayo o hindi.

3 Reaction(s) :: Naudlot na pagsasama

  1. hay naalala ko tuloy ung ex gf ko na madre 4 years kami nun highschool din akala ko din fairytale ending kami

    but lok at me now

  2. ganun yata talaga ang buhay. hindi mo talaga mapredict tsk tsk..

    pero malay mo, sa huli \, sila pa rin talaga para sa isat isa.

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

  3. @cj
    bakit anu nba ngayon? kaw na naging fairy dyan

    @fjordz
    sana nga magkabalikan sila. pero they need space muna siguro. masakit pa eh.