Blaglayp at Xienah

Kanina wala akong magawa, nagbuting-ting na naman ako sa aking blog ng mga widgets. May mga pinalitan at dinagdagan. Wala pa akong balak na magpalit ng layout, mas Ok na ang simple kesa daming palabok sa graphics na kakain lang ng bandwidth ng source na kinuhaan mo ng theme na iyon. Nakakainis lang sa Blogger yung paglalagay ng mga pics ang hirap-hirap i-drag pababa kaya mas magandang simulan mo paglalagay ng pics mula huli hanggang sa simula. Ilang buwan na lang magtatatlong-taon na ang aking blog. Ang bilis ng panahon. Dati rati nagsusulat lang ako sa Livejournal -> Tabulas -> Friendster Blog and ngayon sa Blogger naman. Na-miss ko lang mga old blogmates ko na nakasalamuha ko nung panahong nagsisimula palang ako into blogging. Me mga nawala, meron pa namang andyan.

Pero pangarap kong makita si Super Xienah dahil siya ang inspirasyon ko nung nagsisimula palang akong bilang blogger. Nakakaaliw ang mga post niya. Ang pakikipagsapalaran niya sa paglaban sa mga masasamang nilalang. Pagiging nars sa umaga at superwoman sa gabi (o baliktad). Nakakatuwa pagiging mataray at pranka niya sa kanyang mga post. Lalo na ang BlogSikret segment niya na pwede kang magtanong sa kanya at sasagutin niya ito nang walang pagaalinlangan. Lagi mong pinapasaya at gaan ang buhay ko Xienah. Mahal na ata kita.

6 Reaction(s) :: Blaglayp at Xienah

  1. yun lang! tinamaan sa superhero...

    and that makes you? uhmm... louis lane? hehehe. just kidding!

  2. ahm
    nahiya naman ako bigla
    buhay ka pa pala!

    ebat andito ako?
    seryoslee?
    :)










    .xienahgirl

  3. padaan po :)

  4. @ewik
    ahaha. may ganon.

    @xienah
    eh ikaw bakit anonymous ka. nahiya naman ako at nag-reply ka dito.

    @joshmarie
    sige daan ka lang.

  5. Ano yan parang You are my Destiny, Jai Ho?

  6. haha. ayan kna naman yung Jai Ho thing na yan. sino ba yan? hindi ako masyadong tuned sa mga asian stars.