Kanseladong pag-akyat

Kanina nakatanggap ako ng isang SMS mula kay Emerson and sinabi niya na wala na daw ang Grotto dun sa bundok kung san every Good Friday ay inaakyatan namin malapit lang sa area namin. Nanghihinayang talaga ako kasi annual naming ginagawa ito and pang-5 taon na namin. Kahit busy or me kanya-kanyang business na; eto ang pagkakataon for group bonding naming magkakabarkada na nag-ugat sa mula pa high school which we shares the same interests - video games. Umaalis kami sa bahay around 8pm at magkikita-kita nalang sa isang terminal malapit sa amin then sabay-sabay naming nilalakad mula paanan hanggang sa tuktok ng bundok kasama na syempre ang kwentuhan at kumustahan kung ano na ang balita sa isa't-isa.

Isa sa mga masayang event iyon dahil napapatawa nila talaga ako. Lalo na't puro joker mga ka-berks ko kaya walang katapusan ang hanggang sa makarating sa taas. Sayang talaga at ginawang quarry site ang lugar. Wala na talagang magawa ang mga tao ngayon, patuloy pa rin ang pagsira sa mga kabundukan. Nanahimik ang lugar saka nila gaganyanin. Panata na ito taon-taon ng mga nagsisiaakyat. Babalewalain lang nila dahil sa greed nila na yumaman habang nasisira ang lugar at wala nang pagkakataon makaakyat ang mga tao. Sa ngayon hindi ko alam kung cancel ko na rin ang leave ko this Friday since para saan pa kung wala namang dadatnan dun. Nag-message sa akin isa kong kasama na mag Wawa na lang daw kami. Pinag-iisipan ko pa kung makakasama ako o hindi.

6 Reaction(s) :: Kanseladong pag-akyat

  1. sumama ka kaya... sabi mo, di ka nakakapag-unwind... grab the opportunity noh... kung nag-eenjoy ka naman sa mga kasama mo, why not, diba?

  2. hehe. nightshift ka siguro sir gill. siguro kapag nakapag-organize ka ng bloggers eb. ahehe!

  3. your stuck this week too?
    hmm i am thinking what if we organized our fellow bloggers who have nothing to do this holy week and we just spend the entire day chatting?

  4. gram, you should communicate gillboard kasi marami yang connection sa blogosphere. tinatamad lang yang mag-organize. actually nde naman ganun ka-stuck since i still have work up to sat morning. puro kasi plans nagiging drawing na lang. ahehe!

  5. di naman tinatamad.. sobra naman yun.. busy lang... tambak-tambakan na ang trabaho ko ngayon.. tsaka may plans na ata ako for this long weekend...

    pero chat me up.. hehehe jao_224

  6. hehe. kaw naman gill. sensitive naman. i was just joking like tsip chao. alam ko namang busy ka eh. excited lang ako sa eb pero sa right time na lang pag Ok na ang lahat.