Ang sakit-sakit

Pasensya na po sa lahat kung hindi ako nakapag-post ng ilang araw. Dahil na rin po sa nagpatuloy pa rin ang aking karamdaman na nag-udyok sa akin na lumiban sa trabaho sa loob ng Huwebes at Biyernes. Sabi ko sa sarili ko, parang sinasabi ng katawan ko na pahinga na siguro ito dahil hindi pa ako nakakapag-pahinga nang totoo dahil tuwing weekends eh may pinupuntahan pa po ang inyong lingkod. Sa kabutihang palad naman eh medyo Ok na po ako. Nag self-medicate lang po ako at kumain ng prutas kasama na rin ang vitamins. Tingnan ko na lang kung hindi ka pa gagaling. Next week balak kong pabunot na ang ngipin ko, marahil isa ito sa dahilan kung bakit namaga ang aking kulani na naging sanhi ng lagnat at pagkahilo ko. Pasensya na at hindi na rin ako nakapunta sa blog summit dahil na rin sa sakit na "katam" kaya eto hindi na ako magpo-post ng mga ganyan na hindi naman ako makakapunta. Iyon lang po at sana may nakaalala man lang sa akin nung mga panahong may sakit ako. Parang testing na rin kung sino ang pupunta pag na-ospital or sa lamay ko.

4 Reaction(s) :: Ang sakit-sakit

  1. get well soon :)

  2. thanks man

  3. tanda na kasi kaya nagkakasakit :P

  4. ganun talaga. kelangan ko na ng caregiver