Moncrastination

Yesterday. Punta sa haus nina Cyril. Usual aabutan ko na naman na naglalaro ng PS3 niya. He's playing Eternal Sonata. Medyo nagsasawa na ang mokong sa action/simulation kaya back into RPG na naman siya. Medyo Ok na ang graphics pero napa-wow ako nung makita ko ang Assassins's Creed. Parang real-time movie na nilalaro mo. Marami pa siya games pero I didn't bother to see it kasi nagmamadali ako at may hiniram lang ako sa kanya.

Nanghihinayang lang din ako at hindi ako nakabili ng PSP nung mga panahong may pera ako na pambili. Bored na kasi minsan ang life at hindi ako nakakapaglaro lately ng mga games. Para malibang man ako kahit sandali. Pero wala na akong magagawa andyan na iyan eh. Hehe! Hindi ko alam kung may budget pa ba ako sa ganyang gadget.

Sumasakit na naman ang ulo ko sa gastos. Ngayong may 2 akong pinapaaral sa high school at ilang taon mula ngayon eh mag-kolehiyo na. Then monthly gastos pa sa mga utilities. Hindi ko na alam kung paano pa pagkaka-syahin ang pera ko. Mukhang sa kanila na lang dumadaan palagi at hindi ko na nabibigyan ng reward ang sarili ko na ako naman ang nagpakahirap mag-trabaho.

Buong araw wala akong ginawa kundi humiga sa sofa namin at manood ng TV, tapos matulog, tapos kumain. Buhay-tamad na naman. US Holiday kasi at mamayang gabi pa ang pasok ko. Natulog nang maghapon hanggang gabi. Nagising na lang ako bandang hating-gabi na at usual tinapos ko na ang 1-month in the making na pagbabasa ng "Neanderthal". Hindi ko masyado nagustuhan ang story kahit medyo inclined ito sa arhaeology which is my dream jon. Sawa na kais ako sa ganitong warfare. Ok na sana ang expedition. Pero eto ang central theme ng story eh. Ang Khodzant Enigma which is the story/metaphor kung bakit nag-fail ang mga Homo Sapiens Neanderthalis against sa Home Sapiens Sapiens. It's because of deception. Mas matalino at deceiving ang modern humans compared sa Neanderthal man.

Salamat nga pala sa mga nagbigay ng kanilang mga saloobin tungkol sa aking entry kahapon. Gumaan po ang akin pakiramdam nang malamang na sang-ayon kayo sa aking naging pasya. Siguro nga aantayin ko na lang siya kung darating man siya o hindi. Ok lang siguro.

4 Reaction(s) :: Moncrastination

  1. naku, favorite ko yang Assassin's Creed!!! naadik ako dun, sobra...

  2. ..hay, AC.. astig talaga yan..

  3. GOD OF WAR pa rin..

    tsaka super mario 3 game sa family computer na psp version...hehhe


    (sagot ko sa reaksyon mo sa post ko...)
    maganda ang nagbabagang apoy sa ilalim ng dagat...o kaya nama'y habulin mo ako, babaeng lumpo


    pero ang pangarap ko ay ang 'rape...rape...reypin mo ako hayden kho!"

    hahahahhahaha

    kidding aside, may script na ako

    ang title, silakbo

    istorya ng isang lalaki na schizoprenic pala na set nuong times nang political disturbances

  4. @gill/anthony
    hehe. naastigan nga ako. mas pugeh pa siya sa metal gear

    @eric
    ok rin ang God of war. aba nice avatar.