Excited for the Big Move


Kanina nagpa-meeting pa ang bisor namin para balitaan kami sa tour nila sa bago naming lilipatang office sa The Fort by September. Nauubos ang mga adjectives sa pag describe niya kung gaano siya ka-excited lumipat dahil super ganda daw talaga ng place lalo na ang cafeteria nito. Maski ang restroom, production area, sleeping quarters malayo kesa dito sa nakasanayan na sa PhilamLife.

Pinagusapan din sa mini-meeting kung paano ang transpo, since dagdag na naman ito sa pamasahe dahil hindi nag-materialize ang shuttel bus. Pero within a couple of weeks magkakaroon kami ng roundtable with our managers para kunin ang comments,suggestions etc namin tungkol sa Big Move na ito ng Department namin. Ako rin medyo ginanahan sa mga narinig ko, pero dagdag oras at gastos pa rin ang end result nito sa akin. Sana nga lang ma-compensate iyon sa mga extra perks na makukuha namin sa paglipat na ito.

2 Reaction(s) :: Excited for the Big Move

  1. yey! hindi kami makakasama sa mga lilipat, stay lang kami dito sa makati..

    bye jin! hehe

  2. excited na kami lumipat!